I: He

9 0 0
                                    

I: He

Clyde Kramer's POV

"Clyde, you'll be marrying my friend's daughter," bungad sa akin ni papa pagkapasok ko sa office niya.

"You're kidding me?" I asked in disbelief.

"I'm dead serious," he said while staring at my eyes.

"What are you up to, old man?! You can't just caged me in a wedding!" I yelled. "I'm a freeman! It's against my will to marry some random woman!"

"She is not just some random woman. She's intelligent and beautiful. I know you'll like her once you'd meet her." Dad said while caressing his temples. Halatang naiinis na ito sa attitude na pinapakita ko.

"Eh bakit hindi nalang ikaw magpakasal sa kanya, dad?"

Inihampas ni papa iyong kamao niya sa lamesa niya, hudyat na wala na siyang pasensya para sa akin.

"Clyde, this is my first and last favor sayo! Pinayagan naman kitang gawin lahat ng gusto mo! Ngayon lang ako hihingi sayo ng pabor!"

"Iyon na nga iyong problema eh! Napaka-wrong timing mo kung humingi ng pabor!" Sigaw ko. "Kung kailan nagbabalak na akong magpakasal sa girlfriend ko, doon mo pa ako naisipan ipakasal sa iba!"

"Clyde, stop lying. We both know na wala kang girlfriend." Dad said that made me laugh.

"Stalker talaga kitang matanda ka," sabi ko tapos ay inikot ang swivel chair na inuupuan ko. "But still, ayokong magpakasal sa kanya kung sino man siya."

"Hm. Let's see about that," dad said with a sinister smile.

After a few moments, may kumatok sa office ni dad tapos ay nagbukas ito ng konti. Sumilip ang male secretary ni dad.

"Mr. Kramer, nandito na po si Ms. Pressman," sabi ng secretary ni dad.

"Pressman?" I blurted. The name was so familiar. It seems like the woman I'm about to marry was someone I knew.

"Where is she?" Dad asked.

"She's at the lobby, sir," the secretary responded.

"She's attractive, isn't she?" Dad asked out of the blue.

"Yes, sir. She looks like an angel from heaven meant to capture human's hearts," the secretary said poetically.

Curiosity piqued my interest. Maganda nga ba talaga siya?

"Clyde, puntahan mo siya sa lobby. Have a date with her. That's an order," dad said.

"Sure, old man. Basta ba pasado siya sa standards ko," sabi ko tapos ay ngumisi pa. Ngumisi rin si papa, mukhang sigurado siya na papasa ang babae na 'yun sa standards ko.

"Lead the way, Mr. Secretary," utos ko sa secretary ni papa. Tumingin muna ito kay papa na nanghihingi ng approval. Tumango naman si papa para ipabatid na ihatid niya ako.

Habang papunta sa lobby, naglaro sa isipan ko iyong kilala kong Pressman noong high school. Marie Nieve Pressman. She was the most beautiful person I ever met. She can attract anyone by doing nothing. A glance from her can entice every man's senses. She was so beautiful that I remember watching boys confess to her. Hindi ako kabilang sa mga lalaking umaamin sa kanya dahil alam kong wala siyang papayagan na manligaw sa kanya. I remember stalking her, online and at their home, she have strict parents.

I remember meeting her parents once. Noong nahuli ako ng guards nila isang beses. Her parents were kind but overprotective.

Paano nga ba ako nahuli noon?

Ah. Noong nadapa ako habang sinisilip anak nila sa kwarto niya. Haha.

I was 15, madly obsessed with Marie Nieve Pressman. One day, I decided to sneak inside their house. Gusto kong makita kung anong ginagawa niya after school. I want to know more about her. I want to know kung sino siya kapag wala sa school.

I was able to sneak inside dahil hindi naman ganoon kagalingan iyong mga guards nila. Sobrang thankful ko na hindi ganoong kataas iyong bakod nila sa may halamanan nila sa gilid ng bahay nila. Kaya madali lang sa akin ang umakyat bakod. Haha. Kaso natinikan nga lang ako ng mga bushes nila ng rosas. Iyon lang.

Dahan-dahan lang iyong lakad ko hanggang sa naabot ko iyong bintana niya. Alam kong bintana niya iyon dahil sa kulay violet na kurtina. Kaka-stalk ko sa kanya, nalaman ko na mahilig siya sa color violet. Sumilip ako sa bintana niya.

Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya habang pinagmamasdan iyong bombilya niya.

"Ang boring talaga dito!" Biglang sabi niya tapos ay nagpaikot-ikot sa kama niya habang yakap iyong unan niya.

"Tara sa bahay namin. Hindi boring doon!" Sabi ko. Oops. Napatigil siya sa ginagawa niya tapos ay napaharap sa may bintana niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. Kinawayan ko pa siya, sabay sabing 'hi'.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo rito?!" Sigaw niya sabay takip sa sarili niya ng kumot.

"Schoolmates tayo! Ako si Clyde!" Sabi ko with matching ngiti-ngiti pa.

"Paano ka nakapasok?!" Tanong niya.

"Walang kwenta guards niyo eh." Sabi ko kaya siya napatawa ng todo.

"So bakit ka pumasok dito sa bahay namin? Anong kailangan mo?" Tanong niya.

"Gusto kita eh," sabi ko kaya nanlaki ang mata niya. "Gusto ko malaman kung sino ka kapag wala sa school."

Sa pangalawang sinabi ko ay nakabawi siya kaya tumawa na lamang siya.

"Normal lang ako na tao sa loob at labas ng school," sabi niya.

"Weh? Sa school kaya sobrang mamaw mo sa recitation," sabi ko.

"Mamaw? Ano 'yun?" Inosenteng tanong niya.

"Halimaw." Sabi ko na nagpatawa na naman sa kanya.

Sobrang dali niya lang noon patawanin. Ganoon pa rin kaya hanggang ngayon? Kung siya nga iyong Ms. Pressman na tinutukoy ni papa na pakakasalan ko.

"Mr. Clyde, nandito na po tayo sa lobby," sabi ng secretary ni papa sabay snap sa harapan ko. Napatulala siguro ako kakaisip.

"Nasaan siya?" Tanong ko. Itinuro niya ang isang babae na nakaupo sa sofa. Nanlaki ang mata ko tapos ay napangiti ako ng todo, kulang nalang umabot sa tenga ko iyong ngiti ko. Malayo palang alam kong siya na iyon. Hindi ko makakalimutan iyong features niya.

She was reading a book while waiting. So like her. I fixed my polo before I walked towards her. She was so indulged sa binabasa niya kaya hindi niya napansin iyong presensya ko.

I cleared my throat. "Ehem."

She slowly looked at me.

"Sino ka?" Tanong niya na nagpaalala sa akin sa first interaction naming dalawa noong pumasok ako sa bahay nila.

"Clyde." Sabi ko. "Clyde Kramer."

Tinignan niya ako intently na para bang may inaalala siya. Naaalala niya pa ba?

Inilahad niya ang palad niya sa akin. Hinawakan ko naman iyon tapos ay nakipag-shake hands.

"Nieve. Nieve Pressman." Sabi niya.

"Marie Nieve Pressman." Sabi ko naman. Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"I guess you're well-informed about me." Sabi niya.

Oo dahil minsan mo na akong naging stalker. Gusto kong sabihin sa kanya kaso huwag nalang.

"Uhm. Would you like to go on a date with me?" I asked. "So we could get to know each other."

She smiled then nodded at me.

Yes! I'm finally having a date with her!

Mismatched StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon