VII: Clinic

0 0 0
                                    

VII: Clinic

Clyde Kramer's POV

I smiled as I watch her laugh. She looks so stunning. Everything that she does makes her stunning.

"Kakain na nga rin ako," she said tapos ay nakita ko siyang lumabas ng kwarto niya tapos ay bumaba ng hagdan.

"Yaya Mich, hainan mo ako," she said tapos ay may narinig akong nag-oo sa kanya.

"Wait lang ah," sabi niya sa akin. Nakarinig ako ng tunog ng kutsara, tinidor at plato. "Thank you, ya."

Ipinatong niya somewhere iyong phone niya tapos ay sumandok siya ng kanin at ulam.

"Mukhang masarap iyang ulam mo ah," sabi ko sabay subo ng kanin at porkchop.

"Oo, luto ni yaya Mich eh," sabi ni Nieve tapos ay ngumiti siya. "Yaya, ano nga ulit tawag sa ulam na 'to?"

Bigla akong napatawa. Naalala ko kasi iyong nasa karenderia kami. Hindi niya alam yung mga pangalan ng kinakain niya. Basta nalang kain.

"Masarap 'tong sinigang," sabi niya sabay subo ng kanin tapos ay humigop ng sabaw. Napaasim kilig na mukha siya. "Maasim pero masarap."

Nag-uusap kami habang kumakain. Hindi ko namalayan ay parehas na kaming busog at tapos na kumain.

May lumapit sa kanyang matanda tapos ay kinuha iyong pinagkainan niya.

"Yaya Mich, kaway ka sa kanya," sabi ni Nieve tapos ay hinarap sa lola ang camera.

"Ang gwapo," sabi ng lola tapos ay kumaway sakin. "Sino iyan, iha?"

"Yung mapapangasawa niya po," sagot ko.

"Naku, iho, bagay kayo!" Kinikilig na sambit ni lola tapos ay umalis na siya bitbit ang pinagkainan.

"Maghuhugas na ako ng pinagkainan," pag-imporma ko kay Nieve. Nakita ko na naglalakad na siya paakyat.

"Ikaw naghuhugas sa inyo?" Tanong niya. "Akala ko mayaman kayo? Can't afford a maid?"

"I live alone and I can manage on my own," I said with a smile.

"Cool," she said. "I'll watch you do the dishes."

"Be amazed with my washing skills," sabi ko. Ngumisi lang siya sabay iling. Nakita ko siyang nahiga na sa kama niya.

Kinuha ko na iyong pinagkainan ko tapos ay nilagay sa lababo. Ipinatong ko sa may pader iyong phone ko para nakikita niya ako.

"Watch and learn," sabi ko tapos ay naghugas na ng plato.

Pagkatapos kong maghugas, tinuyo ko na iyong kamay ko tapos ay kinuha ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, tulog na siya.

"Good night," sabi ko tapos ay ini-end call na.

Kinabukasan, schedule ni City for a check-up. Kaya dinala ko siya sa usual veterinary clinic na pinupuntahan namin. The Happy Pets Veterinary Clinic.

"Good morning, doc Raven!" I greeted pagkapasok sa loob ng clinic. Nanlaki ang mata ko nang makita si Nieve. Nakapang-doctor na attire siya which suits her well. She was sitting on a swivel chair sa likod ng table tapos ay may plate name niya. Tinignan ko si Rachel, iyong assistant ni doc Raven na nasa receiving area.

"Nasaan si doc Raven?" Tanong ko.

"Wala na sir Kramer, retired na. Kaya si Miss Pressman na ang nag-took over dito sa clinic,"sabi ni Rachel sabay abot sakin ng information sheet na kailangan i-fill in.

Nang natapos ko na ang form, binitbit ko na ang kulungan ni City tapos ay nilapag sa lamesa ni Nieve.

"Good morning," bati ko.

"Good morning din," bati niya.

"Veterinarian ka pala?" Tanong ko.

"Yes, it's my profession," she said tapos ay nilabas si City sa kulungan. "Hi, City. Ang cute mo."

"Mas cute pa rin ang amo," I said tapos ay ngumiti lang si Nieve tapos ay umiling-iling.

She began the physical examination by checking City's fur. I watched her do the examination.  I was captivated by how professional she looks.

After checking City's body, dinala niya na ito sa weighing scale tapos ay inabot na sa kanya ni Rachel iyong form. Nilista niya ang weight ni City. Sunod ay pinakinggan niya ang heart rate ni City gamit ang stethoscope. Tapos ay nilista niya ito.

I felt my phone vibrate sa loob ng pants ko kaya lumayo muna ako at nagpunta sa receiving area.

I looked at the caller ID. Si Dad. Ano kayang kailangan ni tanda?

"Hello?" Sabi ko pagkasagot ng tawag.

"Where are you?" Dad asked.

"I took City to a clinic for a check-up." I answered.

"I thought you'll be slacking again," dad said.

"Ouch, old man. You're hurting my feelings," I said then laughed.

"I'll end the call now. Be sure to work later. We have tons of things to do," Dad said then ended the call.

Dad is just checking me. Ganyan siya kunwari related sa trabaho iyong itatanong pero gusto niya lang alamin iyong whereabouts ko. Wala namang paki iyan kung mag-trabaho ako o hindi eh sa kompanya. He knows that I have my own business.

Itinago ko na sa bulsa ko ang cellphone ko tapos ay bumalik na ako sa examination area.

I saw Nieve carrying City while sniffing its fur.

"Mabango balahibo ni City?" I asked. She looked at me then smiled.

"Her fur smells like lavender," she said with a smile then she gave me City. "She's healthy. Just keep up with the annual check-up to track her health."

"I think I want her take monthly check-ups," I said.

"That's too much," she said. "Twice a year is fine."

"It isn't," I said then I looked at her eyes. "I love, City."

She stared at my eyes and I could feel my heart beat. If hearts could grow around us, it definitely will.

After a few moments, she removed her gaze then she passed by me.

"Rachel, lalabas lang ako saglit," she said tapos ay kinuha ang wallet niya from her desk tapos ay lumabas ng clinic.

Nagbayad na muna ako tapos ay sinundan ko siya habang bitbit si City.

"Doc Nieve!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon. So I ran towards her then I grabbed her arms. "Saan ka pupunta?"

Nanlaki ang mata niya sa gulat.

"Bakit mo ko sinundan?" Tanong niya.

"Wala lang," sabi ko sabay ngiti.

"Wala ka bang trabaho?" Tanong niya.

"Meron," sagot ko. "But I want to be with you."

Unti-unti ay nakita kong namula iyong mukha niya tapos ay bigla nalang siyang tumakbo palayo.

Napatawa ako sa reaksyon niya.

Nakailang metro na ang layo niya nang bigla siyang nadapa.

Hahaha. Napaka-clumsy niya.

Tumakbo ako palapit sa kanya kaso napatigil ako dahil naunahan na ako ng iba.

***
Author's Note:

Photo source: Tumblr
Credits to the owner
No copyright infringement intended

Mismatched StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon