III: A Date

3 0 0
                                    

III: A Date 

Clyde Kramer's POV

She laughed and it made me smile. I guess she's still the same girl I met before. The girl who easily laughs at things.

"So saan mo gustong pumunta?" I asked her.

"Bahala ka. Ikaw ang nag-aya kaya ikaw ang bahala." She said.

I bowed then pointed towards the entrance/exit of our building.

"Then let me lead the way, your majesty." I said. She laughed at my gesture. I held her hands and guided her towards the exit.

"Wow! Tsansing ah!" She said.

"Of course!" I said. "Let me hold your hand for a day."

"Hey! Slow down!" She said as I ran holding her hand. We ran towards the parking lot. We looked like were insane but I don't care. Matagal ko na 'tong gustong gawin. Matagal ko na siyang gustong itakbo palayo sa lahat ng bagay na nagpapalungkot sa kanya.

I remember when we were in high school. She would smile at anyone but there's sadness in her eyes. Sadness that I want to eradicate.

I remember leaving letters in her locker. The first time I slipped a letter was the day after I sneaked inside their house.

"Hey, mamaw. Hintayin mo ko. Pupuntahan kita diyan sa labas." Sabi niya sa akin tapos ay tumakbo siya palabas ng kwarto niya.

"Bilisan mo ah! Dala ka rin meryenda!" Sabi ko bago siya tuluyang makalabas sa kwarto niya.

Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Excited akong malapitan niya! Wooo! First time 'to! Mapapalapit ako sa crush ko!

I was mentally preparing my speech para sa pagtatagpo namin nang may nakita akong flashlight na gumagalaw. Tapos ay tumapat iyon sa akin.

"Oi, bata, anong ginagawa mo rito?" Tanong ng may hawak ng flashlight. Shit. Yung guard nila! Dali-dali ay umakyat ako palabas sa bakod nila.

"Aray!" Sabi ko nang natinikan na naman ako ng bushes ng rosas nila. Dali-dali akong tumakbo papauwi sa amin.

Napaka-wrong timing naman nung guard eh! Magkakalapit na sana kami ng crush ko! Bwisit!

Kinabukasan, maaga ako pumasok tapos ay inabangan siyang dumaan sa classroom namin. Pagkaraan niya naman, naramdaman ko iyong kalungkutan niya.

Bitbit niya noon iyong mga libro niya. Walang ekpresyon ang mukha niya pero iyong mata niya ay nagpapahayag ng kalungkutan.

Gusto ko siya noon tawagin at patawanin kaso nahihiya ako. Hindi naman niya ako kilala tapos biglang ganun? Wag ganun.

Sumulat nalang ako ng isang letter habang nagkaklase si misis Ballovar. Ayokong makinig sa subject niya kaya nagsulat nalang ako. Nakailang punit ako ng intermediate pad paper ko. Hindi ko alam kung anong magandang sabihin sa kanya.

Noong natapos na ang klase ni misis Ballovar, lumabas ako ng classroom.

"Mr. Kramer, magsisimula na ang klase ko. Bakit lalabas ka pa?" Tanong ni misis Lopez.

"Natatae na ako, ma'am. Pasensya na." Sabi ko sabay takbo papunta sa mga lockers.

"Mr. Kramer! Hindi diyan ang daan papuntang banyo!" Rinig kong sigaw ni misis Lopez bago ako tuluyang makalayo.

Pagkarating sa mga lockers, hinanap ko kung saan iyong locker niya. Noong nakita ko ang pangalang 'Nieve Pressman' ay dali-dali kong inihulog doon ang letter ko. Pasipol-sipol pa akong nakasandal doon pagkatapos para kunwari walang ginawa.

Sakto habang nandoon ako, dumating siya. May kinuha siya sa locker niya tapos ay aksidenteng nalaglag iyong letter. Shit.

Aalis na sana siya. Shit ulit. Hindi niya mababasa iyong letter ko sa kanya.

"Miss, may nalaglag ka." Sabi ko. Nilingon niya ako tapos tinignan ako nang may kunot sa noo.

Pinulot ko iyong letter ko tapos ay inabot sa kanya.

"Are you sure that this is mine?" She asked.

"Of course. Galing sa locker mo." Sabi ko.

"Okay. Salamat." Sabi niya tapos ay ngumiti. Shit. Iyong puso ko. Naglakad na siya palayo natangay pa ata iyong puso ko.

Naputol ang pag-alala ko sa nakaraan nang bigla siyang nadapa.

"Shit! Sorry," sabi ko tapos ay tinulungan ko siya tumayo.

"It's okay. Sabi ko kasi sayo eh. Slow down," she said tapos ay pinagpagan iyong palda niya. Tinignan ko siya. Napansin kong namumula na iyong paligid ng paa niya.

"Sorry. Tuloy pa rin 'tong date natin ah." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya. She just smiled then pointed the car beside us.

"Ito na ba iyong sasakyan mo?" She asked.

"Hindi. I don't like playing safe." I said then pointed towards the motorbike, a meter away from us.

"Isasakay mo ako sa ganyan?" She asked with eyes wide open.

I knelt then removed her stilettos. Tapos ay tinapon ko iyon sa kung saan.

"Why did you do that?" She yelled.

"I'll buy you new ones." I reassured her. I took her hands and led her towards my motorbike.

Ipinaandar ko ang motor ko papunta sa mall. Pagkarating doon, she was hesitant na bumaba.

"I don't have any shoes. I don't want to walk barefoot." She said.

"Then I'll carry you like a princess," I said then carried her. Okay. Wrong move. She looks light but she's damn heavy.

"I'm heavy," she said. "Ibaba mo nalang ako. Maglalakad nalang ako." Irritation was evident on her face.

Ibinaba ko na nga lang siya. Halata ang inis sa mukha niya. Ang epic fail ko! This was supposed to be a date na one of a kind. Iyong kakaiba and never been done before but I'm such a failure.

Everyone was staring at her habang naglalakad kami sa loob ng mall. Sino nga ba naman ang hindi mapapatingin? She's beautiful and everything about her speaks elegance yet she's barefooted.

I held her wrist and took her in a World Balance shop.

"Upo ka lang diyan." I said. "Hintayin mo ko."

"Saan ka pupunta?" She asked.

"Basta." Sabi ko tapos ay umalis na.

Ang gago ko siguro sa paningin niya ngayon. Nakakainis.

Mismatched StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon