At the Party

17 0 0
                                    

Habang nag aayos kami ni Jane
"Primm... talaga bang mahal na mahal mo si Shawn" napatigil ako sa tinanong ni Jane

"Ou Jane..Actually since Elementary hanggang ngayon"naluluha ako pag naalala ko mga nangyari

"Sorry kung tatanungin ko to Primm,wala ka bang balak magkagusto na lang sa iba?"
Natawa naman ako sa sinabi ni Jane

"Wala,sya lang ang gugustuhin ko kahit anong mangyare" nakangiti kong sabi sa kanya

Tinapos ko na mag ayos,nakakulot ang buhok ko and red lipstick na terno sa suot kong above the knee black dress na longsleeve, pinartneran ko ng high hilled silver shoes

"Woooowww primmm,ang ganda mo sobra"
Nakita ko din ang suot ni Jane na naka pink dress,bagay na bagay sa kanya at ang cute nyang tignan

"Sympre mas maganda ang kasama ko ngayon eh"sabay akbay kay Jane

"Che!! Nambola pa to!!"

Sumakay kami ng Grab taxi papunta sa Shawn'sMansion..Nang nasa mansion na kami,Tinignan ako lahat ng mga bisita,as usual yun parin naman ang chismis nila. Biglang nawala sa tabi ko si Jane,kumuha sya ng pagkaen sa buffet. Andto din pala ang Special A.Agad akong pinuntahan nila Trina at Shin.
"OMG Primm!!! I miss you so much!!!"
Niyakap ako ni Trina,mejo cold na ako sa dalawang to simula nang naging close sila ni Ena.Pero hindi ko maitago ang pagkamiss din sa kanila

"I miss you too Primm "sabi ni Shin na sabay yakap sa akin..

Nilibot ko ang Mata ko para hanapin si Shawn ... Biglang namatay ang ilaw at tumapat ang Spotlight kay Shawn.Napaka gwapo nya talaga at ang aliwalas ang mukha.Bagay na bagay sa kanya ang suot nyang toxido.Kaso biglang lumapit si Ena sa pwesto ni Shawn.

"Thank you for attending my Birthday party today i just want to make an announcement that Me and Ena and our Family,will be going to France for engagement day.She will be my future wife soon.Thank You."

Para akong statwa sa kinatatayuan ko.Wala akong masabi.Gusto kong puntahan si Shawn at yakapin na ako na lang.Sinundan ko ng Mata si Shawn Malapit sa Swimming pool..

Shawn .....Tumakbo ako papunta sa kanya Agad ko syang Niyakap ang likod ng katawan nya ng mahigpit

"Shawn ,please..Accept me.i will do everything for you just accept me..please,hindi ko kaya Shawn mawala ka sa paningin ko..alam mo naman diba kung gaano kita kagusto..Ako na lang...bakit ba hindi mo ako magustuhan,ano bang wala sa akin ng meron si Ena? Gagawin ko lahat Shawn...hihigpitan ko hawak ko sayo Shawn...hihigpitan ko wag ka lang mapunta sa iba.."

"Please Primm,tumigil ka na si Ena ang mahal ko,Tama na,nakikiusap ako sayo"

"Primm, bitawan mo si Shawn!" Galit na sabi ni Ena

Third Person

Nakatigin lahat ang mga bisita sa eksena ni Shawn at Primm.Biglang hinablot ni Ena si Primm at nilayo kay Shawn.

"Ano ba Primm! Kelan ka ba titigil! Masaya kami ni Shawn! Tigilan mo na pang hahadlang mo sa amin! Alam kong naiinggit ka !Dahil masama loob mo dahil ampon ka lang"

Tumingin ng masama si Primm kay Ena At sinampal ito,hanggang sa magsabunutan silang dalawa at nahulog sa pool si Ena

"Yan ang bagay sayo"
Sigaw ni primm kay Ena.Agad agad nilangoy ni Shawn si Ena sa swimming pool.Bigla ding lumapit si Zero kay Primm at itinulak eto sa Pool...

"Sinabi ko naman sayo,na hwag na hwag mong sasaktan si Ena"ngisi ni Zero kay Primm

Basang basa si Primm na umahon
at nagulo nadin ang make up nya..

"Mabuti pa Primm umalis kana"
Tinuro ni shawn ang labas at sumigaw

"U-MA-LIS KA-NA!!!!!"

Agad na pinuntahan ni Jane si Primm papalabas
"Tara na primm,"lungkot na sabi ni Jane
"Iwanan mo muna ako gusto ko mapag isa"
Agad binitawan ni jane ang braso ni Primm

Naglakad nag Malayo si Primm,May nakita syang park at dun muna umupo,Iyak sya ng iyak na parang wala nang bukas

"Ako na ba nag pinaka malas sa mundo?walang magulang ,walang nag mamahal. Sobrang sama ko ba talaga?ang gusto ko lang naman mahalin ako ng taong mahal ko."

Hanggang sa makatulog na lang si Primm sa Playground.

"Ija..umaga na..ija gising.."
Napabangon si Primm nang makita nya ang sikat ng araw.

"Ija kay ganda mong babae at dito ka natutulog,buti walang nag tangka sayo ng masama,meron kasing kotse dito nagbabantay sayo kagabi pa kala ko kikidnapin ka umuwi kana ija.."

"Kotse po?"

"Oo iha, napadaan kasi ako kaninang madaling araw at napansin ko yung kotse hindi ko naman alam na may tao pala sa playground"

"Ahh baka ho nag park lang"

"Sige na iha umuwi kana"

"Opo lola uuwi na po ako,Salamat po"

Dear EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon