Job

18 0 0
                                    

Pumasok kami sa loob ng apartment ko.Binuksan ko agad ang Tv at nilipat agad sa Netflix
Mahilig ako sa action kaya ..
Avengers:Civil War ang papanurin namin,
Pumunta naman ako sa Kusina at lulutuin ang ramen dala ni Jane.Nang matapos na lutuin isinerve ko agad sa table sa sala

"Hmmmm ang bang naman nyan" ngiting sabi ni Jane,masasabi kong kahit kakilala ko lang kay Jane na talagang mabuti syang kaibigan.

"Primm eto oh" sabi ni Jane na sarap na sarap sa luto kong ramen,may inabot sya sa akin note
Napataas ako ng kilay

"Contract?Adress at may gate pass pa ?para san to?" Mulingpagtataka ko sabay higop ng ramen

"Hmm May work ka na!!!!" Tuwang sabi sakin ni Jane , nagulat ako sa balita nya hindi ako makapaniwala magkakatrabaho na ako

"Binigay sakin yan ni Auntie ,yan ang address ng papasukan mo"

"Bilang ano naman ako dun?"tanong ko kay Jane
Napakamot si Jane at mejo nahihiya sabihin

"Maid..a housekeeper...caretaker ..ganun hehehe" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jane

"What???ako mag Maid??caretaker?"gulat na sabi ko kay jane na mejo disappointed ako,mukang hindi ko naman kasi kaya yun lalo na lumaki ako sa pamilyang sunod sa luho.

"Ano ka ba ,wag kana maarte jan maglilinis ka lang nmn ng bahay at mag..lu...lu..to hehh kesa naman primm wala kang trabaho mauubos na ung savings mo.Isipin mo primm..tska kelangan mo ng pambayad sa apartment ,pagkain ,pang shopping although sagot na nmn ng Villafuente ang tuitionfee mo kaya if i were you sign the contract"

Tama si Jane kailangan ko kagatin tong trabahong ito.hayyy..hindi ko na alam san ako pupulutin..
Kinuha ko na lang yung address ng papasukan ko
Bahala na basta ang kailangan ko lang ngaun ay pera. 😞

"Ano girl ?deal or no deal? Eto na lang kasi ang meron sa job vacancy" titig sakin ni Jen

"Alright Alright!!! Challenge accepted!" Kumuha ako ng ballpen at pinirmahan ang kontrata. Napabuntong hininga na lang ako at nag pout.

"Go go go friend!!" Cheer up sa akin ni Jane

Nang maubos na namin ang dala ni Jane na ramen ,nagpaalam na din sya pauwi

"Ok bye,kita kits na lang tayo sa monday,weekends ngaun kaya tamang bakasyon tayo girl!" Pahabol na sabi ni Jane

"Bye,ingat jen" sabay sarado ko ng gate

Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang papel na kung san nakalagay ang address.
St. Ford street Greenwood ?Hayst simula na naman ng gera bukas..Go aveera primm kaya mo yan .Fighting.

Third person

Kinabukasan

Raaaaaaanggggggg
Ranggggggggggggg

"Weekend ngaun....."

Pinatay uli ni primm ang alarm clock sa sobrang antok.Nang biglang nag ring din ang phone nya.Kinuha nya ang iphone at idinikit sa tenga na medyo antok na antok pa at nakapikit.

Me:Ohhhh

Jen: Dont forget ngaun ang first day of work mo kaya BANGON NA!!

Inilayo ni primm ang phone sa tenga dahil sa sigaw ni Jane.at bigla sya natauhan na ngaun pala ang unang araw ng pasok nya bilang Maid.
Agad bumangon si Primm mula sa pagkakahiga

Toothbrush
Toothbrush

Dumeretso naman sa showeran

Shampooo
Shampoo
Scrub
Scrub
Scrub

Dali dali Namang Binuksan ni Primm ang closet nya ,at kumuha ng dress,kaso naisip nya na bilang maid pala ang gagawin nya dun.kaya nag pantalon at shirt lang sya na pinartneran ng sneakers,hindi na din sya nag make up na lagi niyang nakasanayang gawin ,natural na natural ang ganda ni Primm na medyo mamula mula ang pisngi.Humarap sya sa malaking salamin

"Fighting Primm" sabi nya sa kanyang sarili na nakangiti

Lumabas agad si primm at pumara ng Taxi papuntang Greenwoods wala syang ka idea idea kung saan yun

"Manong sa St.Ford Greenwoods po"
Sabi ni Primm sa taxi driver

Mejo hindi kahabaan ang byahe nila pero Nagtakaka si Primm nung wala na sila sa hiway at yung mga dinadaanan nya prang walang mga bahay pero ang ganda ng tanawin kitang kita ang mga berdeng puno na nadadaanan na puro pine trees.

Primm's Point of View

"Kuya ?bakit iba po ang dinadaanan natin?"kinakabahan si Primm lalo na talamak ngaung ang mga lokong taxi driver

"Eh Ma'm sabi nya ho Greenwoods ,eh iisa lang po ang bahay sa greenwoods ma'am at sila ho ang may ari neto"

Naninwala naman ako sa sinabi nya siguro mayaman talaga ang may ari

"Ah,ganun po ba" pag sasang ayon ko kay manong

"'Ma'am dito na ho tayo,hanngang dito lang po kasi ako"nilingon ko ang paligid isang malaking gate lang ang nakita ko ,binayaran ko agad si kuya at bumaba ng taxi.

Napakalaking Gate naman to paano naman ako makakapasok,?

Isip...primm.....

Nga pala may gate pass ako ,tinap ko ung gatepass sa sensor ng gate,tapos biglang nagbukas ito ..grabe naman sino kaya ang may ari neto ?

Nang makapasok na ako sa loob,isang malaking pathway ang lalakarin ko pa papunta sa malaking bahay na natatanaw ko.Puro bulaklak ang nasa paligid ko at nababalutan ng bermuda grass.Napalaki naman ng bahay na to,napaka modern at maganda ang pag ka architecture puro window glasses teka nga..parang..may similarity sya dun sa resthouse nung Zerong unggoy..
Eww,hanggang dito ba aman naiisip ko ung unggoy na yun. Makapasok na nga lang..

Woowwwwwwwww ang ganda ng interior designing puro black ang white.At ang mga furiniture modern na modern .at ang luwang ng sala.Ginala ko pa ang sarili ko sa bahay
Oh my Goodness!! ang daming foods sa Fridge!! Kelan nga ba huling kain ko ng mga chocolates?

Nakakaspeechless..

Teka bat parang walang tao?sinilip ko yung 2nd floor pero parang walang tao,hayaan ko na nga lang muna .Tinignan ko yung mga naka display sa istante ,Wow ang daming Action figures halatang yung may ari neto mahilig sa Animes at Marvel Heroes..Kinuha ko yung isang action figure ng Ironman..Nakakatuwa naman to.pinaglaruan ko yung kamay ni ironman kaso hindi ko sinasadyang mahulog at mabasag ito.

Hala patay anong gagawin ko..lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nung narinig ko ang pagbukas ng pinto.at mula sa pinto rinig ko ang bawat hakbang ng paa nya papalapit sa sala.its Gameover for you Primm.

Dug..
Dug.
Dug..
Dug..
Dug..
Dug..

"Who are you?" boses lalaki sya parang pamilyar sa akin ang boses,naku primm wag kang lilingon.

Papalapit ng papalapit ang hakbang nya at ramdam kong malapit na sya sa akin na para akong statwa sa kinakatayuan ko.Napakamalas ko naman first day of work ko bad shot kaagad ako.Pwede naman Ibawas na lang sa sweldo ko ung nabasag ko eh..

Humarap agad ako sa kanya at laking gulat ko nang makita kung sino ang kaharap ko ngayon na mas lalo akong hindi makagalaw sa kinakatayuan ko sa nakita ko.

Dear EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon