Night Dress

33 3 0
                                    

Tok tok tok tok tok!
Tok tok ! Tok tok!

Nagising si Primm sa malakas na kalambog ng pinto ni Zero.Naalala nya ngayon pala ang First day nya sa trabaho.Naglakad sya papuntang pinto na parang zombie.Binuksan nya ang pinto at tumambad sa kanya ang mga cleaning materials.Lumingon sya sa magkabilang gilid ng pinto pero parang bula na naglaho si Zero.
Agad nag hilamos si primm at inayos ang sarili
Nakapajama at white tshirt lang sya sa paglilinis.
Pumunta sya sa sala dala dala ang cleaning materials .Hindi nya alam kung saan nya sisimulan ng paglilinis.

Nag Vaccuum muna sya ng Sala at hanggang kusina. Pinunasan nya ang bawat muwebles sa first floor maliban sa itaas hindi nya pwede puntahan ang 2nd floor dahil pinagbabawal yun ni Zero.Lumabas din sya para diligan ang mga halaman.Nang matapos na sya agad syang bumalik sa Loob,dumerecho sya ng kusina para kumaen.

Primm's Point of View

Yun! May instant ramen ,eto na lang muna ang kakainin ko.Naupo ako sa sofa kinuha ang remote ng tv at binuksan ito.Ano kayang magandang panoorin sa Netflix ngaun.hmmm Romance?Action?Suspense?Horror? ..Horror na nga lang.
-Veronica-

Nagulat ako at Napasigaw nang Nag bukas ang pintuan at dumating si Zerong unggoy..
Napatingin sya sa akin at biglang nyang pinatay ang TV.Nag ngingitngit na naman ako sa inis

"Nakakabastos naman no?" Sabi ko ng masama ang tingin sa kanya

"Maid ka dito hindi prinsesa sa pamamahay ko "
Sabi nyang nakakunot ang noo

"Tapos na ako sa lahat ng gawain ko dto"

Tinignan nya ang buong bahay at hinawakan nya ang mga gamit kung may mga alikabok.

"Ulitin mo" Napatulala ako sa sinabi nya

"Ano?" Nakakabwisit malinis naman pagkalinis ko

"Sabi ko U-L-I-T-I-N mo"
Ulit nyang sabi sa akin

"Bat ko aman uulitin eh ang linis linis naman"
Pangangatwiran ko sa kanya

"LOOK"
pinakita nya ung daliri nya at may unting alikabok
Hindi na ako makapag salita pa.

"Ayusin mo trabaho mo " sabi nyang cold sa akin
Tinanggal nya ang jacket nya at umupo sa sofa.

Kinuha ko uli lahat ng cleaning materials.
Linis sa Kusina at Linis sa hagdanan.
Nung sa Sala na ako mag lilinis dala dala ang vaccuum nakita kong nanunuood sya ng tv at nilalaglag ung pop corn sa baba .Mas lalo kong pinigilan sarili ko.

Agad kong Vinacuum pero talagang nanadya ang unggoy .hinuhulog nya ung mga basura sa lapag

"ANO BA!!!!!!!!!" Hindi na ako nakapag pigil sa inis
Nakatitig lang sya sa pinanunuood nya hindi nya ako pinansin para akong invisible sa harap nya at Bigla syang nag salita

"Timpla mo ko ng juice" sabi nya sa akin na nakatutuk parin sa pinanunuod nya

Wow ha pagtitimpla pa kita talaga ng juice.Lagyan ko kaya ng lason hmp! Kakainis.Wala naman akong magawa kaya agad akong nagpunta sa kusina.Kumuha ng malamig na tubig at nag timpla ng juice.Nung iaabot ko na sa kanya....

"Tubig na lang pala" sabi nya na lalo akong nag ngigitngit para na akong sasabog at gusto ko ng ibuhos tong juice  sa kanya

Nagexhale inhale ako para pigilan ang sarili ko.Pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig at bumalik sa ako sa sala.

Asan sya? Nakita ko syang nasa 2nd floor na papunta sa kwarto nya.

Napailing na lang ako sa inis.at napatingin sa sofa na sobrang kalat na iniwan nya.Gagawin nya talaga lahat para pahirapan ako.Bwisit na unggoy yan! Matapos lang tong contrata talagang gagantihan kita .Kinuha ko na lang ang Vaccuum at pinag patuloy ang pag lilinis

Haist! Sa wakas tapos na din!!

Nang matapos na ako mag linis dumerecho ako ng kwarto para mag pahinga.Tinignan ko ang sched ko sa school mukang maaga ako makakauwi bukas.pero sympre hnd ako agad dito dederetso.

Nung kinagabihan na nag shower ako agad.
Nagbihis ng pantulog ko.

Biglang naman akong nauhaw ...

Lumabas ako ng kwarto at
nag tip toe ako

Sinilip ko ung 2nd floor mukang hindi naman lalabas ung Zero,

kinakabahan ako kc baka makita nya pagkababae ko.Naka night dress lang kasi ako,sobrang ikli ng suot ko at bakat ang hubog ng katawan ko sa loob.Komportable kasi akong suotin to

Tinawid ko ang sala papuntang kusina.Binuksan ko ang refigirator.

Inilabas ko ang pitsel.
At nag fill ng tubig sa baso.

Grabeng uhaw ko ,na dehydrate ata ako...habang nilalagok ko ang tubig Laking gulat ko nang ..

Tumambad sa akin Zero..
at binuksan nya ang ilaw

oh my goodness....

"Aghhhhhhh!!!"

Sa sobrang gulat ko agad kong tinakpan ang katawan ko at hindi ko namalayang nabitawan ko ang baso dahilan ng pagkabasag nito.

Aray....

Sa Sobrang taranta ko patakbo sana ako sa kwarto ko pero At natapakan ko ang bubug sa harapan ko.
Dahilan ng pagkalat ng dugo sa sahig.
Hindi ko ininda ang sakit nito kahit ramdam na ramdam ko ang bubug sa paa ko pero ....

bigla sana akong matutumba at laking gulat ko nang....

Sinalo ako agad ni Zero ng mga bisig nya at nakakulog ang bewang ko sa kanya

Sobrang magkadikit ang katawan namin sa isat isa.Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nya.Gusto kong makawala sa kanya pero napaka higpit ng hawak nya sa akin.Parang mas lalo Akong nadehydrate hindi ako makakibo sa sitwasyon namin..ano ba yan primm ang tanga tanga mo talaga

Mas nanlaki ang mata ko nang Agad nya akong binuhat na parang bagong kasal at inilapag ako sa sofa.Nakita kong dali dali nyang kinuha yung first aid kit sa kusina.Nung papalapit na sya agad kong niyakap sarili ko nahihiya kasi ako sa suot ko..lalo na kitang kita ang buong balat ko..
Nagulat ako nung tinapon nya sa akin yung robe nahalata nyang sigurong na co-conscious ako ...

Lumuhod sya sa harapan ko at ipinatong ang left foot ko sa lap nya kaso medyo nahihiya ako hindi ko alam kung bakit
Nilinis nya muna gamit ang cotton ang paa ko ..
medyo masakit nung tinanggal nya ung bubug na nakabaon sa paa ko habang ginagawa nya ang pag lagay ng betadine. Wala paring umiimik sa aming dalawa hindi ko din naman alam ang sasabihin ko sobrang bago lahat sa akin neto dahil siguro lagi kaming nag aaway na parang asot pusa..Hindi ko alam bakit nya ginagawa sa akin to..

Tinitignan ko lang sya habang ginagawa ang paglunas sa akin.Ngayon ko lang napansin na
Ang tangos ng ilong nya..
Mahaba mga pilikmata..
Kulay brown ang malalim nyang mata..
May jaw line..
At mapula din yung labi nya...
Mas gwapo pala sya kaysa kay Shawn....
Ehhh! Erase erase erase!!! Ano ba yan primm bakit mo chinicheck yung unggoy na to..!Mas gwapo parin si Shawn ko...

"Matutunaw na ako ,wag mo akong titigan"
Sabi nya na nilalagyan na nya ng bandage yung paa ko.Napalunok ako bigla

"Excuse me,im not staring you.."
Confident na sabi ko sa kanya.Agad kong nilayo ang tingin ko sa kanya.

Tumayo na sya nung matapos na yung pagbandage nya sa paa ko..

"Next time dont wear that sexydress kung hindi mo kaya panindigan tandaan mo may lalaki kang kasama sa isang bubong" sabay ngisi sa akin
Nang iinis na naman tong lalaking to.

Agad syang umakyat ng kwarto nya sa 2nd floor.
Chineck ko yung paa ko na ginamot nya.

Ano kaya nakain ng lalaking yun? Kung tutuusin pwede nya akong hayaan lang.

Nakakapanibago.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon