I'm ONLY His [1]

469 7 1
                                    

I'm ONLY His [1]

"Anong gagawin mo mamaya?" tanong ng gwapong lalaking 'to sa tabi ko.

Tinignan ko lang siya, sa sixteen years ng buhay ko, hindi pa rin ang nagsasawa sa mata niya. Napangiti ako, bakit ba ang gwapo gwapo nitong bestfriend ko?

Bigla niya akong nilingon kaya naman nag-iwas ako ng tingin. "W-Wala naman. Bakit ba?" tanong ko na lang. Sa totoo lang kasi, ayoko sa lahat ang mahuhuli niya akong tinitignan siya. Gagana naman kasi ang kahanginan niya sa katawan.

He showed his famous dirty smirk. "Then accompany me..."

"Saan na naman?" I asked casually. For sure kalokohan na naman 'tong pupuntahan namin.

He leaned closer, just enough for me to smell that familiar fragrance. "Samahan mo ako sa kwarto ko..."

Nanlaki ang mata ko kaya naman napalingon ako sa kanya. "Kwarto ka dyan!"

Tumawa siya na para bang nag-joke ako. Susme, kung hindi ko lang bestfriend 'tong si Luke Hemmings baka binatukan ko na 'to. Simula noong nakita ko 'tong mundong ginagalawan namin dalawa, aba wala ng ibang ginawa kung asarin ako.

"Bakit naman?! Wala namng nakakatawa sa sinabi ko tapos ayan ka naman! Akala mo na namang mamatay ka katatawa dyan!"

Ilang saglit pa at huminto na rin siya katatawa. Matapos kaming pagtinginang dalawa dito sa cafeteria, tumigil din siya. "Sinabi ko lang naman na gusto kong samahan mo ako sa kwarto ko. Bakit ba laging iba dating 'nun sayo?"

Oo nga naman. Sinabi lang naman niya na sa kwarto niya ah...

"Hmmp! Ewan ko sayo," tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko sa lamesa. "Pupunta na ako sa next class ko. Tumayo ka na rin dyan at wag na wag mong balaking mag-cutting na naman, isusumbong kita kay tita."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at iniwan na siya. Bahala na siya at kung ano-ano na naman ang papasok sa isip ko kapag siya ang kasama ko. Nakakaasar lang, alam na alam niya kung paano ako iinisin.

"Dre!!!"

Napalingon ako sa sumigaw at sumalubong sa'kin ang nag-iisa kong Dre, si Patricia Marinias, kasama si Marrione Rose Santos.

"Dre, nawawala ka naman?" sabi ko sa kanya.

Sinimangutan na naman niya ako. "Nakalimutan mo na naman ako! Sinabi mong sabay tayong maglulunch, tapos kasama mo na naman pala ang pinaka-hot na lalaki dito sa university!"

Napakagat ako sa labi ko. Oo nga pala... "Sorry..."

"Jusko, tama na yang mga drama niyo at male-late na naman tayo!" sita ni Marrione at nauna na sa aming maglakad. Sabi ko nga e, male-late na kami.

I mouthed sorry to Patricia before walking beside her.

~~~

"Hey," sabi ng seatmate kong si Michael. Ang nag-iisang Michael Clifford.

Nginitian ko siya at naupo na. "Hello."

Kung kakausapin mo ang lahat ng classmate ko kung kamustang naging seatmate ko ang kagaya niya, isa lang ang isasagot nila... Ang swerte swerte ko daw. Well, kung ako man din, thankful na akong ang seatmate ko ay kagaya niya. Gentleman na, sobrang gwapo din.

"Okay, class. I have an announcement..." bigla na lang sabi ni Prof na kapapasok pa lang.

Lahat kami ay naka-focus na kay Prof. Ano na naman bang announcement meron?

I'm ONLY His [5SOS Fanfics Collection]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon