Chapter 1:Revelation of the untold Destiny!

148 6 1
                                    

                                Jessica!

Nasa kwarto ako nung may tumatawag ng pangalan ko. "Jessica, anak asan ka?" si mama pala yun.

"Andito po ako ma." Sagot ko sakanya habang papalabas na ako ng kwarto ko.

"Jessica, anak gusto ka makausap ng papa mo"

"huh? bakit mama, anong problema?" sagot ko

"may dapat tayong pagusapan tungkol sa kaharian natin"

Hindi na ako nagsalita at sumama na lang ako sa aking ina papunta sa isang silid kung saan ang mga miyembro lang ng aming pamilya at ang mga kataastaasang heneral ng aming kaharian at ang mga emperador at emperatris lang ang maaring pumasok. Nung nakarating kami doon nakita ko ang aking ate Jasmine at umupo ako sa tabi ng niya.

"hi Jessica!" sabi niya saakin

"hello ate Jas, anong meron dito?" tanong ko sakanya

Di siya sumagot saakin at binigyan niya lang ako ng magandang ngiti. Dumating ang kuya Jason namin at umupo siya sa tabi ko habang hinahawakan ang ulo ko, mukhang pagod siya dahil kararating niya lang galing sa malayong luagar, isa yun sa kanyang tungkulin bilang prinsepe ng aming kaharian.

Ngumiti ako sakanya at tinanong ko kung alam niya kung anong nangyayari. Di niya ako sinagot at inakbayan na lang ako at sinabing nasa kwarto niya ang pasalubong ko. Lalo ako natakot dahil nararamdan kong alam nila ang nangyayari pero di nila sinasabi saakin. Pitong taong gulang palang ako pero pinapasok na ako sa silid na ito, ang silid ng pagpupulong.

Di pwede ang mga batang katulad ko na pumasok sa silid na to kahit prinsepe o prinsesa pa siya pero dahil inutos ito ng aking ama sumunod na lang ako. Maya maya lang ay pumasok ang aming ama at umupo sa tabi ng aming ina, ang mga heneral ay tumayo at nagbigay galang sakanya nung nasenyasan ni papa na maari na silang umupo, umupo na rin sila. Ang isa sa mga emperador ng kaharian namin na si Emperor Gregore na ama ng matalik kong kaibigan ay nagsalita.

"mahal na hari, sa ika-sampong kaarawan ni prinsesa Jessica, kailangan na niyang magsanay upang mailabas ang kanyang kapangyarihan. Di pa natin alam sa ngayon kung ano ang kanyang kapangyarihan pero nakakasigro ako na malakas ito dahil siya ang itinakda!" sabi niya

"sumasangayon ako" sabi ng isa pang heneral

"magsasanay ang mahal na prinsesa kasama ang aking anak na si Logan" dagdag pa ni tito Gregore

Napaisip ang aking ama pero sumangayon narin siya. Di ko maintindihan kung ano ang nagyayari, pero nagsalita ang isa pang Heneral na si Heneral Harold

"kailangan matindi ang kanyang pagsasanay dahil ang sabi ng oracle ay sa pagdating ng tamang panahon ay magkakaroon ng labanan sa pagitan ng ating kaharian at ang kaharian ng mga itim na mahikero at si prinsesa Jessica lamang ang tangin makakapatay sa itinakdang itim na mahikero na pwedeng makapatay rin kay prinsesa Jessica."

Nagulat ang lahat at syempre pati ako. Nakita kong umiiyak ang aking ina at tumatakbo ako palabas ng silid na iyon habang umiiyak. "Ayoko pang mamatay, pero lahat naman tayo mamatay diba, kahit sa mundo namin ang mundo ng mga mahika, pero ayoko mamatay sa ganong paraan." sabi ko sa sarli ko.

Pumunta ako sa aking kwarto at doon nagtatago habang umiiyak sa kama, pagkatapos ng ilang minuto hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Sumapit ang gabi at nagising na ako, may biglang kumatok ng pintuan pero hindi ko yun pinansin at pumunta ako sa balkonahe at doon ko nasilayan ang buwan kasama ang mga bitwin, nabighani ako sa nakita ko at naisipan kong humiling. "Bitwin at Buwan sa kalangitan, sana magbago ang kapalaran ko at makasama ko pa ang mga magulang at mga kapatid ko ng mas mahaba pang panahon at sana maging masagana at tahimik ang kaharian namin." Pagkatpos nun may kumatok nanaman at sa pagkakataong ito nagsalita na ang taong nasalikod ng mga katok na iyon.

Darkness Meets Light (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon