Jessica
Nasa kwarto na ako nun, malalim na ang gabi at matutulog na sana ako nang bigla na lang ako nakarinig ng ingay sa labas, para sila tumatakbo dahil sa takot, sobrang takot. Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto at nagaalangang buksan ang pinto.
Sinilip ko ang nangyayari sa labas, at nakita kong nagkakagulo sa labas nang bigla na lang may bumaril sa pintuan at dali dali kong isinara ang pinto at nagtago. Unti unting tumutulo ang aking luha. Ngayon ko lang ito naranasan sa buhay ko, dahil tinitiyak ng aking ama na walang taga labas ang makakapasok sa aming kaharian. Narinig kong may bumukas ng pintuan, at bumilis ang tibok ng aking puso.
"Mahal na prinsesa? nasaan na po kayo?" sigaw ng isang pamilyar na boses.
lumabas ako at nakita ko si Emperador Gregore at si Heneral Harold.
"mahal na prinsesa kailangan na nating umalis" wika ni Heneral Harold.
Kinarga ako ni Heneral sa kanyang balikat at tumakbo na kami palabas ng kastilyo. Nang umabot na kami sa ika-dalawang palapag ng kastilyo ay nakasalubong namin ang mga di pamilyar na mga mukha at nakakasiguro ako na hindi sila taga dito sa kaharian namin.
"teka mg.. mga ka.. kaaway ba sila?" tanong ko at binaba ako ni Heneral.
"mahal na Emperador tawagin niyo na po siya" sabi nito kay Eperador Gregore.
"oo, alam ko." sagot nito.
"Logan ngayon na." sigaw ni tito at nakita ko sa may bintana na nakasakay si Logan kay Raider, ang alaga niyang Dragon.
"bilis Jessica sakay na" sigaw ni Logan
may muntik na umatake kay Logan pero pinotektahan ni tito si Logan sa papagitan ng mahika at hinatid ako papunta sa bintana kung saan sila naghihintay saakin.
"Sige na mahal na prinsesa sumama ka na kay Logan" sabi ni tito
"pero natatakot po ako baka mahulog po ako" sagot ko
"wag kang magaalala Jessica di hahayaan ni Raider na mahulog ka" sabi ni Logan
sakaniya lang talaga ako naniniwala kaya naman sumakay na ako kay Raider at nagsimula na kaming lumipad.
"Humawak ka ng mabuti Jessica! Kailangan nating makatakas dito"
"Paano ang papa mo Logan? magiging ligtas ba siya at si Heneral Harold?"
"wag kang mag-aalala, magiging ligtas sila, malakas sila at wala lang sakanila ang mga mahinang yun.? Sagot niya saakin.
Kaya naman ay nilakasan ko ang aking loob upang makasakay kay Raider at nakasakay naman ako. Nakalayo kami ngunit ang akala naming kaligtasan ay panganib din pala saakin. May nakasalubong kaming isang mahikero at sinubukan niya kaming patamaan ng isang mahika, naiwasan naman namin iyan ngunit nahulog ako. NAHULOG ako sa isang bahay at gumuho ito habang ako ay nasa loob.
"JESSICA" rinig kong sigaw ni Logan saakin bago ako mawalan ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/18389523-288-k808229.jpg)
BINABASA MO ANG
Darkness Meets Light (Editing)
FantasyIt's a battle between two opposite kingdoms. They were born to hate and kill each other on the right time for the sake of their kingdom. But is it really only about the fight and hatred? What do you think will happen if the two fated enemies finally...