Chapter 4: The First Attack part 2

43 3 1
                                    

Enzzo

Nung nasabi na iyon ni papa, punong puno ang utak ko ng mga katanungan tulad ng bakit niya ito ginagawa sa mismong araw ng aking kaarawan, alam kong magkaaway ang aming kaharian at kakailanganin namin silang atakihin ngunit hindi ba niya ito pwedeng ipagpaliban muna alang-alang saaking?

Sa sobrang dami ng aking iniisip hindi ko na namalayan na lumapit saakin si Olivia kaya nagulat na lang ako nung bigla siya nagsalita.

"Sa tingin ko'y may bumabagabag sa iyong isip mahal na prinsepe. Maari ko bang malaman kung ano iyon?"

"Ahh.. Oli... Via ikaw pala,tama ka,may bumabagabag nga sa aking isipan." napahinto ako. "hindi ko maintindihan si papa. Bakit ngayon? Bakit sa mismong araw ng kaarawan ko pa naisipan niya'ng umatake?" sagot ko na may lungkot na tono at halatang pinipigilan ang galit at luhang na nagbabadiya nang tumulo sa aking mga pisngi.

Napa tingin ako sa ibaba upang hindi niya mahalata ang mga luhang nasa aking mga mata, nararamdaman kong nakatingin lang siya saakin, halatang malungkot rin siya ngunit alam kong hindi siya nalulungkot dahil aatake kami sa kaharian ng mga puting mahikero't mahikera o mas kilala sa pangalang "White Empire" at ang amin naman ay ang "Black Empire". Nalulungkot siya dahil malungkot ako, hindi ko maintindihan ngunit yun ang pinapakita ng kanyang aura'ng pumapalibot sakanya.

"Mahal na prinsepe hindi mo dapat dibnidib iyan, ginagawa niya ito upang tumatak sa araw na ito na natalo natin sila at ang araw na pinili niya ay ang inyong kaarawan kamahalan, gusto niya na sa susunod na henerasyon ng inyong pamilya ay matatandaan nila kayo ng mahal na hari."

Sabi niya at mukhang sigurado siya dito. Nagulat ako, hindi ako makapaniwala na pinili ni papa ang araw na to para saamin, saakin!.

"ating pamilya Via..."

may pamilyar na boses ang biglang sumingit saaming paguusap. Si ate Eleanor.

"Kasali ka na sa pamilya namin Via, tutal ikakasal kayo ni Enzzo pag laki niyo at ikaw naman Enzzo Alam mo, ang swerte mo kasi ikaw ang pinapaburan, pinagbibigyan, pinapansin. Ikaw ang laging bida dahil ikaw ang tanging tagapagmana. hindi ka ba masaya sa kung paano ka nila tratuhin?"

"Mahal na hari handa na po ang mga armas at ang ating mga mandirigma. maari na po tayong lumisan at magtungo sa kinaroroon ng mga kaaway."

Wika ng isang heneral agad naman akong pumunta sa aking ama upang pigilan siya ngunit huli na dahil alam ni papa na pupuntahan ko siya kaya naman ay lumisan na siya gamit ang kanyang kapangyarihan. Alam kong nasa labas na siya at handa nang umalis kaya naman papunta pa lamang ako nang sumigaw si Olivia.

"Enzzo saan ka pupunta? hindi ka pwedeng sumama."

"pupuntahan ko si ama at kahit na hindi ako pwedeng sumama."

at sa ganoong sagot ay tuluyan na akong tumakbo papalayo sakanila.

"pabayaan mo na sia Via."
huli kong rinig na sabi ng aking kapatid..

Darkness Meets Light (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon