“Congratulations ate!” Napaluha si Wylene nang iabot ng kapatid niyang si Charlie ang diploma nito. Katatapos lang kasi ang graduation ng kapatid niya mula sa kursong BS Civil Engineering.
Niyakap niya ito.
“Congrats Charlie! Masaya ako para sayo!” tugon niya dito.
Napaluha din ang ina nila habang nakamasid sa kanila.
“Hindi naman ako makakagraduate ate kung hindi dahil sa tulong mo.” Hayag naman ng kapatid niya.
“Oo nga, congrats din anak, graduate ka na rin sa pagpapaaral sa kapatid mo!” saad ng ina sabay yakap sa kanila.
Napatawa naman si Wylene habang nagpupunas ng luha dahil sa biro ng ina.
Pag-uwi nila ng bahay, sinalubong sila ng bati ng kanilang ama at apat pang kapatid na wala ding pagsidlan ang tuwa.
Pangatlo si Wylene sa kanilang anim na magkakapatid. Ang dalawang nakakatanda niyang kapatid na lalaki ay nagsipag-asawa na at may kani-kaniyang pamilya. Ang sumunod sa kanyang babae ay nakapag-asawa rin ng maaga. Ang sumunod ay si Charlie na kanya ngang pinag-aral dahil hindi naman kaya ng kaniyang ama na nakikisaka lamang na pag-aralin ito. Yung pang-anim ay junior high school pa lamang.
Napag-usapan na nila ng kapatid na kapag nakapagtapos ito, siya naman ang magpapaaral sa bunsong kapatid.
“Anak, nagpapasalamat ako sa lahat ng tulong mo sa pamilya natin.” Saad ng ina niya.
Beinte-nueve anyos na si Wylene at batid ng kanyang ina nakalimutan na rin nito ang pansariling kaligayahan dahil sa pag-ako ng responsibilidad sa pagpapa-aral ng kapatid nito.
“Wala yun ‘nay!” sagot naman nito sa ina.
Masaya siya sa pagtulong sa pamilya at isa pa alam niyang siya lang ang maaaring asahan ng kapatid niya dahil siya lang ang nakapagtapos ng kolehiyo at may magandang trabaho. Isa siyang supervisor sa isang supermarket sa kanilang probinsiya.
“Panahon na siguro para harapin mo rin ang sarili mong buhay anak. Masaya ang tumandang may katuwang sa buhay.” Napangiti siya sa saad ng ina. Wala na kasi siyang naging bf simula ng magcollege ang kapatid dahil baka makagulo lang ito sa priorities niya.
May mga nanliligaw din sa kanya lalung-lalo na sa trabaho niya pero agad niyang sinasabi na hindi siya interesado sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Destiny Will Chase You
ChickLitWylene found herself in the outskirts of Cebu with only 500 pesos in her wallet. She's supposed to go home to their province from Manila, but because she wanted to go on adventure, she found her way to Cebu. Babalik na siya nang Maynila nang makita...