1) The Adventure Starts

108K 2K 14
                                    

 

Wylene's POV

 

"So anong plano mo? Saan ka mag-aaplay ng trabaho?" Napangiti ako sa tanong ni Millete, pinsan ko.


Magkaharap kaming kumakain ng pizza dito sa  Sbarro. Libre niya siyempre.


Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Nanay naisip kong harapin na rin ang sarili kong buhay.


Ewan ko bigla ko nalang naisip magresign sa pinagtatrabahuan ko sa probinsiya at nagtungo dito sa QC. May bahay dito ang kapatid ng nanay ko kung saan pansamantala akong nakikitira habang naghahanap ng trabaho.


"Try ko dito sa SM mag-apply, mag-aaply lang din muna ako sa call center habang wala pang ibang offer."


"Ok sige, samahan kitang mag-apply basta rest day ko." Napangiti ako.


Buti nalang mabait tong pinsan ko. Sa call center din kasi siya nag-wowork. At alam rin niya na di pa ako sanay sa pasikot-sikot ng Manila.


Tatlo silang magkakapatid, yung isang nakababatang kapatid niya, admin assistant sa isang book company. Yung isa namang lalaki, computer technician sa isang computer learning center.


Pagdating ng rest day ni insan sinamahan niya akong mag-walk-in applicant sa isang call center sa Magallanes.


One-day hiring lang pala ang call center, pag di-nakapasa papauwiin agad. At yun nga ang nangyari sa una kong inaplayan.


Tatawagan nalang daw ako kung may available positions na magfi-fit-in sa qualifications ko kasi overqualified daw ako. If I know, ayaw lang nila sa akin. Hmp!


"May time pa, mag-apply pa tayo sa isang call center sa may Ortigas." Bilib din talaga ako sa pinsan ko. Ala-dos palang kasi ng hapon.


"Sige!" sagot ko nalang kahit nahihiya na din ako sa kanya.


Bandang 6PM na ng mainterview ako. Hintayin daw ang result ng interview.


Bandang 8PM nang tawagin ako for Encoding Exam. Wag daw munang umuwi hintayin daw ang result.


Bandang 10PM nang tawagin ako for final phone interview. Hintayin daw ulit.


Ala-una na. Hindi ako makapaniwala na yung one-day hiring pala na yun ay literally 24 hours.


Buti nalang talaga matiyaga din ang kasama ko na naghintay.


2AM na nang papirmahin ako ng kontrata. Buti nalang dala ko lahat ng requirements ko. Magtetraining na din  ako in two weeks. Hayy!

.

.

.

.

"Auntie, uwi muna ako sa probinsiya balik nalang po ako pag umpisa na ang training ko." Paalam ko kay Auntie kinabukasan. Sayang kasi yung two weeks na bakasyon.


"Sige, kaw ang bahala. Matanda ka na!" Biro naman nito. Napatawa naman ako.


Agad akong kumuha ng ilang damit at inilagay sa backpack ko.


Sumakay nalang ako ng bus papuntang Cubao station.


Bigla akong naalimpungatan. Naidlip pala ako.


Shocks! Lumampas na pala ako. Ang bilis namang nakarating sa Ayala Ave ang bus na to. Baba nalang ako sa may Buendia at magjijeep papuntang Malibay madadaanan doon ang isa pang bus station papunta sa probinsya namin. Buti kabisado ko dito dahil sinasamahan ko dati yung barkada ko pag nagpupunta ng Pasay.




Naglalakad na ako papunta sa estasyon ng bus papuntang probinsiya namin nang madaanan ko ang estasyon ng RORO bus papuntang Mindoro. Napangiti ako. It reminds me of Puerto Galera.


Matagal ko nang gustong pumunta ng lugar na iyon kaya lang walang pagkakataon at nasasayangan ako sa gastos.


Tiningnan ko ang pera ko, pwede pa. Ano kaya kung doon nalang ako magbakasyon kesa umuwi sa amin? Isa pa pagkakataon ko na rin itong magtravel mag-isa. Adventure na rin ito. Para maiba naman.

.

.

.

.

Napapangiti ako habang nakatanaw sa mga nadadaanang lugar. Medyo kinakabahan ako dahil mag-isa lang ako. Eto na yata ang pinaka-daring na ginawa ko sa buhay ko.


Naririnig ko dito sa mga katabi ko sa bus na magbabakasyon din sila at may kasama silang taga-roon na mag-gaguide sa kanila. Narinig ko ring sa mumurahing resort lang sila pupunta, susundan ko nalang sila pagdating dun. Hehehe!

Destiny Will Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon