Chapter 3

289 22 1
                                    

After namin tumayo sa subject ni Sir Garcia, di na ulit kami nag-usap. Hanggang tinginan na lang kami sa upuan, tapos pasimple kaming tatawa kapag nagkakatinginan.

Natutuwa talaga ako dito kay Jordan. Ngayon ko lang kasi na-experience ang may kakulitan na ibang tao.

Lunch Break.

Mabuti at kahit maaga kaming nagising ni Inay, ipinaghanda pa rin niya ako ng makakain. Hindi ko na kailangang makipagsiksikan sa mahabang pila sa canteen at di ko na rin kailangang iwasan pa ang barkada nina Kiko.

Luminga-linga ako sa paligid. Nakita ko nga pala kanina na nagmamadaling lumabas si Jordan. As usual walang dalang baon.

Medyo kulimlim pa rin sa labas pero panigurado malakas pa rin ang ibubuhos ng ulan mamaya. Kami lang ni Sheena ang nasa loob ng room. 

Bukod kay Jordan, si Sheena lang ata ang kumakausap din sa akin ng matino. Ngumiti pa siya sa akin ng makita niya akong nakatitig sa kanya.

“Ano ulam mo?” tanong ni Sheena.

“A…e…adobo, ikaw?” tanong ko sa kanya.

“Cordon bleu, luto ni Mama. Luto din ba yan ng Mommy mo? Gusto mo share tayo?” suhestyon niya at binuksan na niya ang kanyang baon.

“Ah oo, luto ito ni Nanay. Si-sige share tayo.” Tugon ko. Ngayon ko lang na-realize na bukod kay Jordan, magaan din ang loob ko kay Sheena. Hindi kami magkaibigan pero ramdam ko na hindi siya masamang tao. Siguro, umiiwas lang siya sa pang-aasar nina Kiko.

“Magdasal muna tayo bago kumain.” Wika ni Sheena. Mas lalo akong natuwa sa class Muse namin.

After namin magdasal, kumain na kami at nag-share kami sa pagkain. Nasarapan si Sheena sa luto ni Nanay at talagang masarap din ang ulam niya.

“Nakakainis sina Kiko, noh?!” bulong niya.

“Di ko na lang pinapansin.” Tugon ko sabay subo ng isang pirasong Cordon bleu.

“Dapat kasi sinusumbong sila sa principal.” Ani ni Sheena.

“Wag na lang, ayoko kasi ng gulo.” Tugon ko. Matapos ang usapang ito, tahimik na lang muli kaming kumain. Matapos ang aming tanghalian, sabay kaming pumunta sa CR para hugasan ang kinainan namin. Nauna siyang umalis dahil may bibilhin pa daw siya.

Mag-isa na lang akong bumalik sa classroom namin. Nadatnan ko na nasa loob na si Jordan at napansin kong may brown bag na nakalagay sa upuan ko. Busy na naman si jordan sa pagsusulat o pagdo-drawing siguro.

Pumunta ako sa upuan ko at binuksan ang laman ng brown bag.

“Mogu-Mogu? K-kanino ito?” tanong ko. Tumigil sa ginagawa niya si Jordan at kinuha sa likuran niya ang isang bote ng Mogu-Mogu. Ininom niya ito sa harapan ko at itinaas pa ang kanyang kamay habang hawak ito.

“Cheers!” wika niya at uminom muli.

“Para sa akin? Bakit? Wala akong pambayad.” tanong ko.

“It’s for free. Token of appreciation kasi sinundo mo ako kanina.” Tugon niya.

Ngumiti na lang ako at binuksan na din ang Mogu-Mogu.

Choosy pa ba ako? Eh ang sarap kaya nito! Ang sarap talaga ng nata de coco! Kung medyo tumaas ng konti ang baon ko sigurado malimit din akong bumili nito.

“Salamat!” wika ko sa kanya at umupo na ako.

“Anong ginagawa mo, Jordan?” tanong ko. Napansin ko din na pumasok na ang ilan kong mga kaklase.

“Drawing.” Blankong sagot niya.

“Sina Spongebob ba ulit o kapatid mo?” tanong ko.

“Hindi.”

LIFE LESS THAN PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon