** Cheska

6 0 0
                                    

(A/N:pers ob ol! For my friend, alam mo kung sino ka…amasorry para kay cheska, pinilit kong maging lab story pero…. Porgib meee… \ (~A~\  )

 

**Cheska

 

Introduction

Name: Cheska V. Sto.Dominggo (aka. Eska)

Age    : 23

            Inilagay ko sa mesa ng armchair ang dalawang kamay ko, magkadaop ang dalawang palad. Tiningnan ko sya sa mata pero hindi magtagpo ang mga paningin naming, tumititig sya sa ibang lugar maliban sa akin. Di mapakali at pulang pula na ang ibabang labi sa kakakagat nya.Siguro kinakabahan din, sya kasi ang una naming i-interviewhin para sa mini documentation na proyekto sa school.

            Kinakabahan ako. Kasi napaka-interesante ng kaso nilang magkakaibigan. At maswerte kaming grupo na sila ang ibinigay ni ma’am. Madami akong tanong na gusto ng kasagutan, hindi na lang ito dahil sa project. Gusto ko talagang malaman ang kwento nila.

            Sinenyasan ko ang partner ko kung pwede ng i-roll ang camera. Nagthumbs up sya sa akin, okay na. Nagbigay din ako ng makahulugang tingin sa mga kasama ni Cheska, tipid pero may assurance ang ngiti nila. Pwede na akong magsimula.

            Eto na. Hingang malalim.

“Good day Miss Sto.Dominggo, I’m Cyuri of Apter HighSchool—alumna ka dun diba? “

Tumango sya, pero hindi parin nakatingin sa akin. Mas lalo akong kinabahan, baka hindi sya magsalita. Nahagip ng mata ko ang mga ka-grupo ko, sinesenyasan nila ako na ipagpatuloy ang pagsasalita.

“Magtatanong ako t-tungkol sa nangyari sayo after highschool.”

Pagkabanggit ko sa huling salita ay tumingin na sya sa akin--- maganda ang mga mata ni cheska, malambing--- kaya na-encourage akong ituloy ang nag-iisang tanong na inatas ni ma’am samin.

“Miss Sto.Dominggo…What happened after your highschool?”

            Hiniling ko na sana ay magsalita sya, pero nagulat padin ako ng marinig ang boses nya. Napakatinis ng boses nya, bagay sa baby face nyang mukha. Iilang salita lang ang umpisa, at kinilabutan ako sa monotonous nyang tinig.

“Nangyari? Ako… ako ang nangyari, ako…ako” inulit ulit nya pa ang huling salita, binulong sa sarili at binigyan ng kakatwang tono.

Iniwas nya ulit ang tingin at nag-simulang magkwento.

After High Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon