ONE

10 1 0
                                    

“Punasan mo nga yang uhog mo!” puna sa akin  ni Venise.

            Kung makapagsalita naman ito, sya nga dyan. Kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang basang basa na panyo. Yung a bente na mabibili sa lang kanto, pero regalo sa akin to ni Cess kaya mahalaga. At tyak na maiinis yun pag nakita nyang nilunod ko sa uhog ‘to. Eh sa naiiyak ako!

            Ipinatong ko sa may ilong yung panyo para pigilan ang nagbabadya, habang kinakanta ang chorus ng ‘Farewell’. Grabe, parang lastweek lang pinagtatawanan pa naming yung kanta--- kesyo baduy ang ‘redundunt sabi ni Fe at luma. Pero ngayong kinakanta na--- tinakpan ko ang bibig ko at ilong para di masyadong dinig ang sigok. Wala na, hindi ko na keri ang kumanta.

            Tumingala ako para patuyuin ang luha, gamit ko pa yung cap na pamaypay. Ngayong makontrol ko na ang mga luha ko ay saka ko lang napansin na hindi na rin pala kumakanta ang mga katabi ko. Ayun! nagkanya-kanya ng ngawa.

            “Hoy! Ano yan? Kadiri ka!”  puna ko kay Zairen.

“walang paki-alamanan!” aniya na ngo-ngo na sa uhog, sabay singa sa laylayan ng toga.

            “Cheska! Say CHEESE!” huh? Napapikit ako sa lakas ng flash. Si Fe pala at ang camera ng cellphone niya. Kung sino-sino ang pini-picturan para mapagtawanan.

            “Venise…pahiram ng camera mo.” Bulong ko sa kaliwa ko. Walang imik na inabot niya sa akin ang camera. Nakatingin lang sa harap at gumawa na ng eleven ang mga luha niya sa mata. Hinanda ko na ang camera at---

            “Fe!” Click!

            Naghalo ang sigok at hagikhik ko habang pinagmamasdan ang mukha ni Fe sa picture na tila sinabuyan ng basang uling. Hindi kasi naniniwala na hindi kailangan ng makapal na eyeliner, ang kalat pa naman niya pag umiiyak, parang bata.

***

“Waa! Beybi eska! Mami-miss kita!” tili ni Cess sabay akap sa akin. Kung maka-beybi akala naman bata pa ako. Desi-otso na ako, mas matanda sa kanilang anim ng isang taon.

“Eto naman, nasa isang syudad lang tayo.Pwedeng magkita-kita anytime!” sabi ko, at hinigpitan ko pa ang akap sa kanya. “iba pa din yun.Magiging busy tayo…tapos, tapos…” at ngumawa na naman.

Inangat ko ang kaliwang kamay ko, naku…umiiyak na naman pala ako.

“Beybi , ako na.” sabi ni Mhissie na nasa tabi ko na pala. Ipinagpatuloy ko ang pag akap kay Cess, habang pinupunasan ni mhissie yung pisngi ko.

“Congratulations Graduates!” anunsyo ng principal namin, pero hindi na naming napansin. Nalunod na ang boses niya ng malakas na sigawan ng mga studyante. Inihagis pa ng iba ang sombrero nila, at sa langit ay namulaklak ang ibat ibang kulay ng fireworks.

“GUYS! GROUP HUG!” sigaw ni Marriana.

Nalunod na naman ako sa anim na pares ng mga braso. Mabigat syempre pero parang ang gaan sa pakiramdam tuwing kayakap ko sila.

Ilang minuto  ba kaming magkayakap? Hindi ko na mabilang at wala akong balak bilangin. Kahit na naghalo halo na ang amoy ng mga pabango naming at nagkanya kanya na naming tulo ang mga uhog ay walang humiwalay.

Sana hindi na kami magkahiwa-hiwalay…sana lang.

“Oy!Pitong Madrama! Picture, dali!”

            Humiwalay na kami sa maliit na bilog na ginawa namin. Nakatayo sa harap naming pito ay ang class president na may hawak na camera.

            Magkaka-akbay, wala ng oras para mag-retouch o mag punas ng ilong. Basta nung sinigaw ni president ang mga salitang iyon ay inulit namin na may ngiti sa labi sabay kanya-kanyang posing.

            “ ’TillWe MeetAgain!!!”  Click.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After High Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon