It's friday, 6:14pm palang at kauuwi ko lang dahil traffic galing sa work.
~beep~beep~
From: Besy <3
Sis Lia punta tayo toot bar, lumabas ka naman ng lungga mo.
--
Ito talagang si Deny makalungga wagas. Hindi kasi ako palalabas ng apartment ko. Minsan lang kapag mamalengke, eh maramihan ako bumili kaya twice a month lang yun. Tapos tuwing pupunta lang ako ng work lalabas. Kung pwede nga lang magwork sa apartment ko ginawa ko na.
Nakakatamad kasi lumabas. Hindi din ako mahilig magbar kasi hindi ako sanay.
Matawagan nga tong si Besy. Nakakatatlong ring palang sinagot niya agad.
"Hello Lia," ready ka na ba? Lapit na ako sa apartment mo mga 5 minutes."
"Eh Deny ano ba dapat kong isuot?" Nag-aalangan kong sagot kasi hindi ko naman talaga alam. Dapat ba naka ayos? Bar lang naman, mag pajama kaya ako?
"Nako Lia, maligo ka na nga lang muna, akong bahala sa ayos mo ngayong gabi. We're going to enjoy the night and I'll introduce you to my new boyfriend." Masigla niyang sabi.
"Oh? Bago nanaman? Nung isang araw lang sumugod ka sa apartment kasi nagbreak kayo ni, sino ba yon? Allen o Arnold?" Halos linggo-linggo kasi eh iba ang boyfriend niya, nakasanayan ko ng may pinapakilala siya sa aking boyfriend.
"Last month pa yon Lia, si Aljon ata yung tinutukoy mo. Maligo ka na. See yah!" Binaba niya na. At naligo na ako.
BINABASA MO ANG
Mirror (ONE SHOT)
Teen FictionStory about a beautiful girl wondering where on Earth does his Prince go.