"Uy Mella!"
"Ah, ano yon?" Tila lutang na tanong nya kay May.
"Lutang ka te?" Biro nito at kinurot sya sa pisngi.
"Ah...aray!"
"Ang sabi ko tuloy ka naba talaga sa Del Castillo Resort?" Tanong nito. Yan din ang iniisip nya, ilang araw na mula ng makita nya si Aiden sa Tragora mall at hindi parin ito maalis-alis sa isip nya, alam nyang hindi sya nagkakamali si Aiden ang nakita nya.
"Ewan ko" sagot nya. Dahil yon ang totoo mula ng makita nya si Aiden tila nagbago ang isip nya, dahil baka makita at makilala sya ni Aiden at paalisin sya sa Resort. Nakaramdam sya ng takot ng makita ito kahapon, alam nyang halos mahigit limang taon na ang nakakalipas pero tila sariwa parin sa kanya ang bawat eksena nangyari ng gabing yon. Takot na takot sya noon at yon ang takot na naramdaman nya muli ng makita ito makalipas ang mahigit limang taon.
"Sama ka nalang kasi sa akin sa VincElla Hotel, anong malay mo magustuhan nila tayo doon at i hire tayo pagka graduate natin" Pangungumbinsi ni May sa kanya na tila hindi naman nya naiintindihan dahil na kay Aiden Del Castillo ang isip nya.
"Ah...May, alam mo ba kung nasaan si Aiden Del Castillo?"
"Ah? Bakit?" Nagtatakang tanong ng kaibigan.
"Wala lang na alala ko lang sya, baka sya na ang nag mamanage sa Resort nila"
"Malabong mangyari yon, dahil matagal ng wala dito si Aiden at sa pagkaka alam ko wala na daw itong balak bumalik dahil sa mga nangyari noon" sagot nito at sinulyapan sya. Hindi nalang sya kumibo. Alam nyang wala namang taga San Miguel na hindi nakakaalam ng mga nangyari noon kay Aiden at sa pamilya nya, alam nyang ayaw lang syang tanungin ng kaibigan tungkol sa bagay na yon. Si May lang ang nag-iisang kaibigan nya sa SMU, wala halos pumapansin sa kanya, maliban sa ilang mga lalaking nagpaparinig sa kanya na kaagad naman nyang tinatanggihan. Sa edad nyang bente wala pa syang naging boyfriend ni isa, maraming nanligawa sa kanya pero ni isa wala syang sinagot, dahil aaminin nyang natatakot sya na baka pag nagkarelasyon na sya ay hindi na nya alam ang gagawin at maging tulad na sya ng mga kapatid nya. Nais sana nyang iwasang maging tulad ng mga kapatid, nais sana nyang maging iba sa mga ito, at nais sana nyang maiwasang pag tsismisan sa San Miguel, alam nyang inaasahan ng lahat na susunod sya sa yapak ng mga kapatid, alam din nyang inaabangan na ng mga ito kung anong lagim ang gagawin nya tulad ng mga kapatid. Pero hindi, hindi sya magiging tulad ng mga kapatid, bata pa lang sya pinangako na nya sa sarili na magiging iba sya sa mga ito at gagawin nya yon. Hindi naman nya kinahihiya ang mga kapatid dahil ito ang mga sumusoporta sa kanya sa pag-aaral nya, hindi sya makakapasok sa SMU kundi dahil sa tulong pinansyal ng mga kapatid lalo na ang Ate Grace nya na nagsusumikap para makapag tapos sya, at eto na nga ilang buwan nalang ga-graduate na sya at hahanap sya ng magandang trabaho sya naman ang babawi sa mga kapatid.
Pagkatapos ng klase kaagad na syang lumabas ng campus sakay ng bike nya. Maaga pa naman kaya balak nyang pumasyal sa Del Castillo Resort. Madalas naman syang mamasyal doon sa tuwing naiinip sya, nakakapasok sya doon ng libri dahil kakilala nya ang gwardiya si Mang Cesar matanda na ito at sa pag kakaalam nya matalik itong kaibigan ng Tatay nya at mula ng itayo ang Del Castillo Resort eh doon na ito namamasukan kaya naman ng mapansin nitong malimit syang mamasyal doon sa tuwing makita sya nito eh kaaagad na syang pinapapasok sa loob.
"Magandang hapon po Mang Cesar" bati nya sa matanda ng makababa ng bike at nilagay sa gilid ng kalsada.
"Oh, Mella andito ka pala, wala ka bang pasok?"
"Katatapos lang po" sagot nya at itinaas ang plastik na hawak. Binilhan nya ng Bananaque ito sa daan para meryenda nito at pasalamat na rin nya.
"Nag abala kapa, salamat ah" magiliw na sabi nito at pinapasok na sya sa loob.
"Mang Cesar balak ko po sanang dito mag OJT, maganda po ba ang patakaran dito?" Tanong nya ng nasa loob na sya ng malawak na beach.
"Sa naririnig ko nagpapasahod sila ng mga training dito" nakangiting sagot nito habang hawak-hawak ang bananaque.
"Talaga po"
"Oo Mella, at may mga nakapasok na ding OJT dyan nagustuhan nila at pagka graduate kinuha nila agad at dyan na nagtatrabaho" sagot nito napangiti sya at nagpaalam na maglalakad-lakad sa lang sa tabi ng dagat gaya ng madalas nyang gawin sa tuwing napapasyal sya sa Resort.
"Wow, iba talaga pag andito ako, parang wala akong problema" sabi nya habang naglalakad-lakad sa tabi ng dagat. Bitbit nya ang sapatos at nataas ang suot nyang pantalon para hindi mabasa sa hampas ng tubig. Sa tuwing narito sya na re-relax ang isip nya at pakiramdam nya wala sya sa San Miguel, wala sa lugar kung saan inuusgahan ng marami ang pamilya nya.
Weekdays ngayon kaya wala masyadong tao sa beach. May mga ilang turista, bakasyonista na naglalakad-lakad at alam nyang babalik-balik din ng mga ito ang Del Castillo Resort, dahil sa hatid nitong nakakapayapa ng magulong kaisipan. Naupo sya sa buhanginan at pinanood ang hampas ng tubig, may mga ilang batang naglalaro at may ilang mga couples na sweet na sweet habang magkahawak kamay na naglalakad sa tabi ng dagat.
"Kailan ko kaya mararanasan yan?" Bulong nya at ginala ang mga mata sa magandang kapaligiran. Napako ang mga mata nya sa lalaking naglalakad mag-isa habang nakatingin sa dagat. Nakapaa lang ito habang nilalaro ng mga paa ang naghahabulang tubig sa buhangin, asul na khaki short ang suot nito at puting polo na halos bukas na ang ilang butones na nagpapakita sa maganda nitong pangangatawan. Nagpatuloy sya sa pagsuri sa lalake at nanlaki ang mga mata nya ng makilala kung sino ito.
Aiden Del Castillo
BINABASA MO ANG
CARMELLA ( Available on Dreame )
Romance"Kilala mo ba kung sino ako Carmella?" Tanong nito. Binanggit nanaman nito ang pangalan nya. "O.. opo... Kayo po ang anak ng may-ari ng Del Castillo Resort" sagot nya. Ngumisi ito at humakbang sa kinatatayuan nya. Wala sa loob na napa atras sya at n...