NOTE: Based on true events. The names are changed for the protection of the real people. Chos! Basta based on true events! totoong nangyari talaga XD
Prologue
Saturday.
I have 7am class na tatlong oras at another 2 classes na papasukan after. Kung sinuswerte nga naman ako sa pagpili ng schedule nung enrolan oh. 4 days a week lang naman ang pasok ko ang problema lang dalawang araw akong may 7 am class. Ok lang naman kung sa ok kayalang mga teh! Ako ay isang dakilang late. Kaya sobrang laki ng problema ko kung paano ako magigising ng maaga. Kahit gaano ata kalakas ang alarm ko kung puyat ako, puyat ako.
At ngayon sobrang labag sa kalooban kong gumising ng maaga at the fact na first day pa lang namin magkikita ng subject ko ngayon ay nate-temp akong hindi na pumasok kasi baka walang prof. Db? Db? Malaki ang chance na sa first meeting wala pang professor kaya sobrang hinihigit ako ng katamaran. Haha.
Pero dahil nga nagbabagong buhay na ko, dahil ilang beses na din akong mamuntikang bumagsak dahil lagi akong late at dahil graduating sudent na ako. Akalain mo yun 4th year college student na ko? Yung feeling na ayoko pang grumadweyt dahil sa totoo lang wala pa akong plano sa gagawin ko after graduation. Fine, fine, fine. Ako na yung taong wala pang tiyak na destinasyon sa buhay. Naisip ko lang... sa tatlong taon ko sa course ko hanggang ngayon di ko pa din alam kung saan ako magtatrabaho... naisip ko tuloy kung mag-shift na lang kaya ako?
De joke lang.
Sinasapian na naman ako ng kabaliwan ng umaga.
Mukha lang akong baliw pero matino akong estudyante. Meron kasi akong philosophical view na sinusunod.
“If you enter something and then you realized you don’t want it, don’t quit. Just go on, do what you need to do because quitting means you’re too coward to face something different.”
Ansabeh ng philosophical view ko?
Wala lang, philosophy kasi ung 7am class ko kaya nagfefeeling philosopher ako ngayong umaga.
Saturday.
Saturday.
Saturday!
Pero may pasok ako. Napakasaklap.
Na-manage ko namang bumangon ng 5:30 am, yun na talaga ang pinaka effort kong gising na halos magslide down na lang ako pababa ng kama at akalaing towel ang kumot ko.
Bakit ba kasi napakahirap gumising ng maaga? Yung feeling na mag-aalarm ka ng ganitong oras pero gigising ka mga 1 hour after kasi puro ka ‘5 minutes. 5 minutes’. Natamaan ka? Ok lang yan di ka nag-iisa. Haha.
“Dionne! Anong oras na! Hindi ka ba nala-late sa mga klase mo?” sigaw ni mama mula sa baba.
Tumingin ako sa orasan.
6am!
Wah! Isang oras pa byahe ko!
“Pababa na po!” sigaw na sagot ko pero ang totoo? Nagbibihis pa lang ako. Buti na lang at wash day ngayon at hindi na kailangan magplantsa ng uniform.
Bakit kaya ganun?
Mahilig tayong magsabi ng ‘saglit lang ‘to mga-insert minutes here-‘ pero ang totoo umaabot ng isang oras. Meron din ‘andyan na’ pero ano? Namuti na ang mata ng naghihintay sa’yo wala ka pa din. At ang famous line? Tenenenen.
OTW NA KO! WAIT LANG!
Pero ano teh? Nasa bahay ka pa! Maliligo ka pa nga lang eh.
Sapul?