THIRTEENTH MEETING
Maganda ang bungad sakin ng pagpasok ng unang araw ng september.
Nagpost kasi sa group si Sir Philo about sa mga nakapagpasa na ng projects. Yung sinabi ko last time. Yung tinext ko pa siya kasi hindi ko napasa?
Nagcomment yung isa sa groupmates ko. Wala kasi yung group namin dun sa pinost ni Sir eh kasi nga sa email yung pinakita niya eh sa FB PM ako nagpasa.
Classmate: asan yung aten Dionne?
Sir: dionne texted me last week> tech glitch. try it again
At dahil pagkakataon na ang lumalapit sakin para makapag segway. Chos! Haha. Syempre kailangan ko talagang magcomment dun sa post. Study matters muna ako. Lande later.
Ako: Nasend na po. Pero nung friday ko pa nasend yun sir. May bawas na kami?
A matter of 1 minute.
Sir: honestly, NO file from your group even in facebook PM (may bec we/re not friends yet). since it was sent in good faith last fri, pasok pa rin sa banga. so send it again ty!
Mabilis magreply si sir halatang online siya pero syempre para di naman mahalatang excited at iniintay ko talaga ang mga reply niya, hindi ako agad nagre-reply. Tinititigan ko muna ung comment niya ng mga 3 minutes bago ulit ako mag reply. Haha.
Ako: sa others yun napunta sir. Pero nagsend na rin po ako ngayon sa email niyo.
Sir: ah ok. di kasi ako techie, wehehe. noted! but make sure to send it again in my email...NOW NA. for assurance. carpe diem boys & girls
After nung comment niya mga 10 minutes siguro may natanggap akong PM. Halos tumalon puso ko nung makita kong nag PM si Sir sakin. Parang gaaah. I feel so special kahit na ang nakalagay lang sa PM niya is simpleng...
Sir: *smiley*
Pops out another one..
Sir: received it Ms. Dionne. *smiley*
And my heart went ballastic about it! Haha. The thing is I didn't reply right away. Pinag isipan kong mabuti kung sasagot ba ako? At kung sasagot nga ako.. anong sasabihin ko?
For 15 minutes nag iisip ako habang may napakalaking ngiti sa labi. I don't know! I feel so happy by just reading his words.. simple words and smileys yet it really made my day!
Sabi ko sa sarili ko wag na. Ano naman kasing isasagot ko? Atsaka kinakabahan ako baka kasi maramdaman ni sir na ang eager eager kong sumagot sa kanya. Baka mahalata niyang gustong gusto ko siya which is totoo naman pero mas okay kung magmaganda ako kahit konti diba? I-seenzoned ko kaya?
No.
No.
No way!
Pagkakataon na ang lumalapit eh! Ano ba Dionne! Napakatorpe mo!
Dahan dahan kong pinatong ang dalawang kamay ko sa keyboard at unti unting pinidot ang mga letrang bubuo sa gusto kong sabihin..
(What I want to happen)
Ako: Sir, I like you so much.... <3
Sir: *smiley* I like you too Dionne.
(What was really happening)
Ako: Sige Sir. Thank you po *smiley*
Sir: *smiley*
Yung totoo anong meron sa smiley sir? Re-replyan ko din sana ng smiley tapos magrereply ulit siya ng smiley at magcha-chat lang kami na puro smiley. Haha. Ang baliw mo talaga Dionne.