Guess what? It's Saturday! *sabog confetti*
Alam na pag Saturday it's Sir Philo time na. Hihi. And dahil prelims week namin ngayon nag effort ako ng bongga para magreview. Would you imagine gumising ako ng 3am para lang reviewhin ulit ang readings na nireview ko na kagabi. My gaah. Nanibago ako sa sarili ko. Parang..
Dionne? May sakit ka ba? Kukumbulsyunin ka ba? Anong nakain mo at nagrereview ka? Gugunaw na ba ang earth?
As in napawow talaga ako sa sarili ko. Sinabi ko na bang hindi ako mahilig mag review. T.T ayoko talagang nagrereview dahil inaantok lang ako. Ang pagrereview ko 1hour before exam. Tawag dun adrenaline rush knowledge. Haha.
Anyway ayun nga. Philosophy kasi ang usapan dito. Si sir Philo! Kailangan kong magtino kung gusto kong mapansin ako. Haha. I even told Eve na wag na niyang agawin sakin ang Philosophy. Nag e-excel kasi si Eve sa mga subjects namin kaya sabi ko ipaubaya na lang niya sakin ang Philosophy. Kahit yun lang. Hindi na ko makikipag kompitensya sa ibang subject. Desperada alert. Haha.
5:00 naligo na ko at nagready pumasok. Confident ako na kaya kong iperfect ang exam. Duh. Minemorize ko lahat kahit punctuation marks.
Saktong 7am nasa school na ko. Ganito pala yung feeling na hindi ka kinakabahan sa exam kasi alam mong makakasagot ka. Magawa nga to sa iba kong subject.
7:30 na nung dumating si Sir. Nako talaga si Sir laging late. Tsk. Tsk. Napuyat siguro kasi ang tagal din niyang tumatakbo sa isip ko kagabi. Lols.
Naka bonnet si Sir and dark blue stripes polo. Nung tinanggal niya yung bonnet niya napuno ng katahimikan ang lahat. Bagong gupit siya at kahit gusto ko yung medium long hair niya mas lalo siyang gumwapo! Shizzz! Why so gwapo Sir? Tingin mo makakasagot kami ng maayos sa exam?
In love na talaga ako. Gaaah! Sa mga nalaman kong kwento sa kanya last meeting. Suko na ang puso ko. Nabihag na niya. Shet Dionne ang corny mo.
Pinamigay na niya yung booklet and questionnaire at gusto kong maiyak! Yung ni review ko kaninang 3am. Yung pagmememorize ko ngangabels! Essay teh! Essay!
Yung totoo sir? Bakit ganito exam mo? Bakit?
Ang daming commotion dahil sa exam ni Sir. Gusto kong mainis pero di ko kaya.. kasi si sir philo yun eh! Haha. Lande eh noh? Hindi na lang ako nagcomment. Yung tanong naman alam ko din ang sagot dahil naintindihan ko naman ung ni review ko.
Nanahimik na lang ako sa sulok kasi dun yung upuan ko at hinayaan silang mag ingay. Minsan hindi din ako makapag concentrate salita kasi ng salita si Sir. Nakaka distract. Yung gusto ko na lang siya titigan kaysa magsagot ng exam. Atska nakakainis yung mga konting bagay tinatanong na! Psh! As far as I know sumesegway lang tong mga classmates ko para makausap si sir eh!
Ay Dionne? Selos?-konsensya
Medyo. Haha.
Aral muna bago lande Dionne!
Sinagutan ko ng mga 45minutes ung exam. At syempre 3hours ang class namin maghihintay pa ko.
"Dionne magkano paayos mo diyan?" Bigla akong nagulat sa tanong niya. Tinatanong niya yung about sa buhok kong bagong rebond.
Nahiya pa ko bago sumagot. Kasi siyempre pati yung atensyon ng mga classmates ko napunta sakin.
Sumenyas na lang ako ng 2 gamit ang daliri ko.
"200? Balak ko kasing magpaganyan." Natatawang sabi niya dahil as usual nagjojoke na naman siya. Etong si Sir medyo corny eh no? Bagay kami. Haha.
"2thou sir. Gusto mo samahan kita?" Sabi ko na agad ko namang binawi dahil nadala lang ako ng pagkakataon. Jusko Dionne! Ano bang iniisip mo!