"Halika na. Iyon, oh. Tingnan mo." Itinuro sa kanya ni William ang isang tent na may mga makikintab na palamuti. May karatulang nakasabit roon na may nakasulat na: ALAMIN ANG KAPALARAN. TAROT CARDS READING BY MADAM YESSA. "Subukan natin." "William..." umiling siya. "Naniniwala ka sa mga ganyan? 'Yong mga hula nila ay in general. It's—"
"Subukan lang natin. Come on."
Binitiwan ni William ang palad niya. Pagkuway humarap ito sa kanya. His arms were now snaked on her waist. Hinapit siya nito. "Shhh." William claimed her lips. Mainit at mapaghanap ang uri ng halik na iginawad nito sa kanya. She gave in and answered his kisses. Tuluyan ng nawala sa isip niya ang tungkol sa shooting range. Nang matapos ang mainit na halik, hinila siya ni William papasok sa loob ng tent. Tumambad sa kanila ang isang babae, na sa pagkasorpresa niya ay maganda at bata pa. Tila isang gypsy ang babae. Walang bolang crystal sa harap nito kundi mga tarot cards.
"Ahm, hello. Magpapahula kami ng asawa ko," anunsiyo ni William.
Ang manghuhula ay pinadaanan lamang ng sulyap si William. Sa kanya ito nakatingin. Iminuwestra nito ang dalawang cushion sa harap ng mesa nito. The set-up was in Japanese style. Nakaupo sa lapag na nalalatagan ng carpet at may mga cushions na pwedeng upuan. Naglabas ng pera si William at inilagay sa crystal bowl na may ilang pirasong dadaaning perang papel.
Bago sila makaupo ay tumunog ang telepono ng binata. "Opps. Sorry about that." Sinulyapan nito ang telepono pagkatapos ay sinabing, "sorry I have to take this call. Mauna ka na munang magpahula." William kissed her head. "Please tell her that we're meant to be," pahabol na sabi nito sa manghuhula bago ito lumabas ng tent.
"Uhm..." tumikhim si Alessandra. Hindi niya alam kung papaano magsisimula. She still find it silly though. Hindi naman kasi siya naniniwala sa mga hula-hula.
Walang sabi-sabi na binalasa ng babae ang tarot cards pagkatapos ay patalikod na inilapag sa harap niya ang ilang piraso. Binuklat nito ang barahang nasa dulo sa may kaliwa. Ilang saglit na tinitigan nito ang baraha bago binuklat ang isa pang baraha. "Dugo. Napakaraming dugo sa mga kamay mo."
Napigilan ni Alessandra ang pagsinghap pero hindi niya napigilan ang panlalaki ng mga mata niya. Gumitaw sa balat niya ang goosebumps. Parang may malamig na hangin na lumukob sa buong katawan niya. "D-du—dugo sa mga palad ko? Ano'ng...ano ang ibig mong sabihin?"
Muling binuklat ng manghuhula ang baraha. And to Alessandra's surprise, the tarot card reader lightly gasps.
"Walang hanggang pagdurusa..." usal nito. "Magdurusa ka dito sa lupa. At sa impyerno. Daranasin mo ang walang katulad na sakit at pighati. Nakatadhana kang mamatay ng paulit-ulit."
Alessandra's throat went dry. Para siyang biglang sinilihan. Hindi siya mapakali at hindi niya malaman kung saan babaling. Shaky, she stood up. Nakatalikod na siya ng muling magsalita ang manghuhula. "Pero hindi ka sinusukuan ng tadhana. The nature is giving you a gift— a power to change your destiny," sabi pa nito na nagpatigil sa takda niyang pagwo-walk out. "Sa takdang panahon, the gift will present itself. Kilalanin mo ang regalong iyon at tanggapin. Isang beses lang iyong darating kaya huwag mo iyong pakawalan. Huwag sayangin. It was the only miracle you needed...Alessandra."
Sa pagbanggit sa pangalan niya ay tuluyan ng nanindig ang mga balahibo ng dalaga. Walang lingon-likod na tuluyang siyang lumabas sa tent na iyon. Siya namang pagpasok sana uli ni William sa tent. Bumangga siya sa katawan nito.
"Opps. Hey..." pag-agap ni William sa kanya. Lumunok si Alessamdra. Gusto niyang magsalita pero hindi niya mahagilap ang kanyang tinig. Hinawakan niya ang palad ng asawa at hinila ito palayo roon. "Alessandra, sweetheart, bakit?" puno ng pagtatakang usisa sa kanya ng asawa.
YOU ARE READING
Alessandra-A Femme Fatale's Story (completed)
RomanceWalang-hanggang pagdurusa. Magdurusa ka dito sa lupa at sa impyerno. Daranasin mo ang walang katulad na sakit at pighati. Nakatadhana kang mamatay nang paulit-ulit--- Iyon ang sabi kay Alessandra ng isang manghuhula.