Part 70

5.2K 95 1
                                    

MARIING pumikit si Alessandra. Ibinalik niya ang sarili sa araw na iyon na patayin ang mga magulang niya. Pilit siyang humahanap ng kahit kaunting palatandaan na makapagtuturo sa lalaking iyon. Pero wala siyang mahagilap. Ang tanging gumigitaw sa isip niya ay lalaki ito, nasa anim na talampakan ang taas, at nakasuot ng bonnet ang mukha na may maliit na butas lamang sa tapat ng mga mata nito. Nakasuot ito ng overall na hindi siya sigurado kung itim o asul ang kulay.

Hahanapin kita kahit baligtarin ko pa ang buong mundo. Patuloy na bumubuhos ang ulan. When Alessandra gathered herself altogether, it was only then that she realized that she had companies. At base sa matalas na pakiramdam niya—na kanina ay natabunan ng paghihinagpis—, hindi lamang isa o dalawa ang naroon.

"Excuse me, Miss, sino kamo ang pagbabayarin mo? Ang papatayin mo?"

Marahan, itinutok ni Alessandra ang paningin sa pintuan. Parang may tumadyak sa sikmura niya. It felt déjà vu. May lalaking nakatayo roon na may hawak na caliber 45 na baril. Sa likuran nito ay mayroon pang mga lalaki na may mga hawak rin na baril. "Sino ka? Sino kayo?"

Ngumisi ang lalaki na nasa may pintuan, tila ito ang pinakalider. Sa pamamagitan ng baril, isinenyas nito na tumayo siya. Dahan-dahang tumayo si Alessandra. Ang dalawang lalaki pa ay lumapit at itinutok din sa kanya ang hawak na mga baril. She was cornered. Sa ngayon ay wala siyang ibang magagawa kundi magpatiayon rito. Kailangan niyang malaman kung ilan eksakto ang tao roon para makalkula niya ang magiging kilos niya.

Hindi nakakaramdam ng nerbiyos si Alessandra. Ang totoo ay nangangati ang mga palad niya at gustong-gusto niyang makapatay ngayon. Subalit may kung ano sa lalaki, sa pinakalider, na nagbibigay sa kanya ng takot. Nasa anim na talampakan ang taas nito, bigotilyo, malago ang buhok na karamihan ay kulay grey na. Nakasuot ito ng fatigue na jacket at kupas na pantalong maong na sira sa bandang tuhod. Her intuition was telling her something. Tila sinasabi ng instinct niya na ang hustisyang matagal na niyang hinahanap ay nasa harapan na niya. Hell rages inside her.

Muli siyang sinenyasan ng lalaki para palabasin roon. Humakbang siya palabas, ang mga lalaki ay umurong. Funny, bakit napaka-cautious naman yata ng mga ito? Bakit naglalagay ang mga ito ng sapat na distansiya sa kanya gayong marami ang mga ito at armado pa. Was it because they can sense that she was no ordinary girl?

Nakalabas siya ng silid. Mabilis na nabilang niya ang mga lalaki roon. Pito ang mga iyon, armado lahat. Mukhang mga rebelde.

"Sino ka at ano ang ginagawa mo dito?" tanong ng pinaka-lider. Ang mga mata ay namumula na marahil ay dahil high sa drugs. At binibigyan siya niyon ng kakaibang pakiramdam. Tila ba, iyon din ang mga matang nakita niya noon. Ang mga mata ng killer na tumitig sa kanya bago nito barilin sa ulo ang mama niya.

Umabante ang isa pang lalaki. "Tinatanong ka, sumag—"

"Gorio!" saway ng pinakalider. "Huwag mong takutin ang bisita natin. Parang kilala ko siya."

Sumikdo ang dibdib ni Alessandra sa huling sinabi ng lalaki. "K-kilala mo ako?"

Ibinaba ng pinakalider ang baril. "Parang. Sa nakita kong eksena mo kanina sa silid na iyon, parang alam ko na kung sino ka." Ngumisi ito. "Kung ganoon ay nakaligtas ka..."

Suminghap si Alessandra. Binalot ng lamig ang buong katawan niya. Sa loob ng ilang sandali ay tila namanhid siya. Kaharap na niya ang lalaking sumira ng buhay niya. Ang lalaking pinakamimithi niyang mapatay. Kumulo ang dugo ni Alessandra. Ang pagkamuhi sa kanyang dibdib ay nagwawala at nagnanais na makawala. She roared. Her insides turned rampage. "Ikaw ang pumatay sa mga magulang ko! Hayup ka! Hayu—p!" Ang tangkang pagsugod ni Alessandra at pinigil ng sabay-sabay na pagtutok sa kanya ng baril. Nanatili siya sa kinatatayuan, nanginginig sa sobrang galit.

"Opss!" nakangising sabi ng pinakalider. Sa mga oras na iyon ay demonyo ang tingin niya rito. "Buto't-balat ka noon, inaatake pa ng hika," pang-aasar pa nito. Pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Tingnan mo nga naman. Ang laki ng ipinagbago mo."

"Kaya ba hindi mo rin ako pinatay, ha?! Puwes, pagsisisihan mong hindi mo ako tinapos dahil ako ang tatapos sa 'yo." Umaambon na lamang ngunit madilim pa rin ang paligid. Tila magtutuloy-tuloy ang pagsama ng panahon.

"Tsk, tsk, tsk!" Marahang itong naglakad-lakad. Patuloy na nakatutok sa kanya ang mga baril, ang ibang lalaki ay nakapuwesto pa sa may likuran niya. "Akala mo ba, dahil sa awa kaya hindi kita pinatay?"

"Akala mo, hindi ako makakaligtas sa atake ng hika ko!" sigaw niya. "Pero nakaligtas ako. At sa buong buhay ko, wala akong ibang minimithi kundi ang singilin ka sa utang mo. Sa utang mo na nagkapatong-patong na ang interes! Papatayin kita!"

Umiling-iling ito. "Gaano mo kakilala ang mga magulang mo? Hindi kita pinatay hindi dahil sa kondisyon mo o dahil naawa ako sa 'yo."

Sumigaw si Alessandra. "Kung ganoon ay bakit?!"

"Dahil sa huling sandali, inisip ko na baka anak kita!" balik-sigaw nito.

Nayanig si Alessandra. Para siyang mabibingi sa sinabi nito. The world seems to stand still. Paulit-ulit na umalingawngaw sa tainga niya ang sinabi nito. Anak daw siya nito? Lumunok siya, pilit binibigyang ginhawa ang biglaang panunuyo ng kanyang lalamunan. "H-hindi..." Marahas na umiling siya. "Hindi, hindi, hindi!" tili niya. Pagkuwa'y tinitigan niya ito ng buong pagkamuhi. Na kung nakamamatay lang ang matalim na titig ay kanina pa ito bumulagta sa kanyang harapan. "Si Papa lang ang ama ko, siya lang! At pinatay mo siya. Pinatay mo sila ni Mama. Sinira mo ang mundo ko kaya papatayin rin kita. Narinig mo ako? Papatayin kita! Papatayin kita dito sa lupa. Papatayin kita hanggang impyerno!"

"Like father, like daughter, huh?" tugon nito sa litanya niya bago malakas na humalakhak. "Ah, anak—"

"Huwag mo akong tawaging anak!" galit niyang angil. Papatayin kita, papatayin kita! Umaalingawngaw ang mga salitang iyon sa tainga ni Alessandra. Ang galit na ilang taong nakakulong sa kanyang dibdib ay nagkukumawala, nagnanais umalpas. Tila puputok ang dibdib niya sa matinding emosyon ng galit.

"Kami ng mama mo, magkapareho kami ng likaw ng bituka, mga rebelde kami. Kami ang magkasintahan. Pero dumating si Luis. Inahas niya ang mama mo sa akin at itinakas niya!" galit nitong sabi. "Nagpakalayo-layo sila. Pero ako, hindi ako pumayag, hinanap ko sila. Bawat araw ng buhay ko ay ginugol ko sa paghahanap sa kanila. Hanggang sa matunton ko at noon din ay pinatay. Mahirap na, baka makatakas na naman sila eh." Parang baliw na humalakhak ito. "Sinusubaybayan kita. Pero bigla kang nawala. Parang bula na bigla kang nawala. Sabi ko, babalik ka rin dito, sa lugar na ito. Babalikan mo ito. Kaya bumabalik-balik rin ako dito. At hindi nga ako nagkamali dahil narito ka. Parang pinagtiyap ng tadhana na magtagpo tayo uli, Anak."

"Ganoon ba ang kuwento?" sarkastiko niyang tanong. "Marahil ay hindi ka mahal ng mama ko kaya nagawa niyang iwan ka. Mapagmahal si papa, alam mo ba? Baka wala ka niyon kaya ipinagpalit ka ni mama."

Tumalim ang mga mata nito. Inilang-hakbang ang paglapit sa kanya at malakas na sampal ang ipinadapo sa pisngi niya. Halos matulig siya sa lakas ng puwersa, napabaling pa ang mukha niya sa kanan. Pagkatapos niyon ay naramdaman niya ang paghapdi ng labi niya at ang pagtilamsik ng dugo mula sa hiwa roon. Ngunit matatag na ibinalik niya rito ang paningin niya. "Hindi mo ako anak, hindi," aniya bago sa isang-kisap mata ay nahapit niya ang lalaki palapit sa kanya sabay dukot sa baril sa loob ng jacket niya at itinutok iyon sa sintido ng lalaki. Ni hindi ito nakapalag sa liksing ipinamalas niya. Mabilis na dinala niya ang lalaki sa isang sulok kung saan walang puwedeng bumaril sa kanya mula sa kanyang likod. "Sige, gumalaw kayo. Sabog ang bungo nito," aniya sa mga tauhan ng lalaki.

"O baka ang ulo ng lalaking ito ang sumabog kapag nagkamali ka ng kilos." Sabi ng bagong dating na may nakakatutok na baril sa sintido ng kasama nito na walang iba kundi ang lalaking...si William.

Alessandra-A Femme Fatale's Story (completed)Where stories live. Discover now