Chapter 2

5 0 0
                                    

Double Trouble

Maaga akong pumasok ngayon para hindi makita si William, ayokong maalala yung nangyari kagabi... Yung parteng hindi niya ako pinagtanggol kay Celine at sa mama niya.

Nang matapos ang unang dalawang klase ay napagpasyahan kong pumunta sa rooftop. Ito ang pinaka peaceful place dito sa school..

Sinalpak ko ang earphone ko at sinabayan ang kanta.
Ang galing talagang kumanta ng Snsd!

"Psh! Ang ingay naman!"

Agad akong napalingon sa pinanggalongan ng boses. Isang lalaking nakahiga ang nakita ko. Naka patong ang kaniyang braso sa kanyang mga mata para hindi masinagan ng araw kaya hindi ko siya makilala.

Dahil inisip ko na baka gustong mapagisa ng lalaki ay umalis ako sa pwesto ko at lumipat sa malayo.

Maya-maya ay nakarinig ako ng mga yapak at boses ng mga lalaki na paparating. Sinilip ko ang lalaking nakahiga kanina at laking gulat ko nang makita na hawak siya ng tatlong lalaki.

"Diba't sabi ko naman sa'yo ay wag kang magsasalita kay Betty?! At tigas din naman ng mukha mo ha?!"
Sinuntok niya sa tiyan ang lalaking nakahiga kanina.

Nagtago ako sa likod ng mga upuan pero aksidente kong nahulog ang cellphone ko na naging dahilan ng isang malakas na tunog at paglingon nila sakin.

"Sino yan?!" Sigaw ng isang lalaki pero todo tago parin ako.

"Mikee, icheck mo nga kung sino yon.."

Unti-unti akong kinabahan ng makaring ako ng papalapit na mga yapak.

"Ano bang pakelam mo kung magsalita ako kay Betty? Bakit?! Totoo naman lahat ng mga sinabi ko ah?!"  Narinig ko ang paghinto ng mga yapak at panandalian akong natanggalan ng kaba.

"Aba?! Ang tapang mo na ah?!" Nakarinig ako ng sunod sunod na suntok at sunod sunod din na paginda sa sakit nung lalaki. Hindi na ko nagtangkang sumilip dahil baka makita nila ako.

Gusto kong tulungan yung lalaki pero baka madamay lang ako, tsaka mukha naman siyang may kasalanan.

"Tss.. Duwag ka ba sa girlfriend mo kaya ganyan ka? Duwag ka ba sakin kaya nagyaya ka pa ng mga back up mo?"

Aba't?! Ang tapang naman ng lalaking yun? Bugbog sarado na nga siya'y nangiinsulto pa rin siya?

"Sinong takot?!"
Narinig kong muli ang sunod sunod na mga suntok pati na rin ang sunod na mura.

Dinial ko ang numero ni William para manghingi ng tulong.

Mabilis akong tumakbo pa puntang waiting shed para hindi mabasa ng ulan.

Na prefect ang mga lalaki na nangbugbog at yung isang lalaki naman na binugbog ay hindi ko na alam kung saan siya napunta.
Si William naman ay nagpaalam na agad sa akin dahil may groupings sila.

Heto ako ngayon at nag aabang ng masasakyan.
Basang basa sa ulan.

"Hoy.." Napalingon ako sa lalaking tumawag sakin. May hawak siyang payong at isang helmet.
Hinagis niya sakin ang helmet at pinayungan ako.

"Ihahatid na kita, wala ka nang masasakyan sa mga oras na 'to..."
Nagumpisa na siyang maglakad kaya sumabay na lang ako kahit nag aalinlangan ako.

Sinuot ko ang helmet at hinawakan ang payong.

Nakahawak ang isa kong kamay sa payong at ang isa naman ay nasa likuran ko para kumapit.

"Kumapit ka sakin, baka mahulog ka, mabilis akong magmaneho."

Hindi ko siya sinunod.

"Sino ka ba?" Nahihiyang tanong ko. Kanina pa ko na cu-curious sa kung sino siya at kung bakit niya ako tinulungan. Baka mamaya ay kidnaper pala toh?! Ano ka ba naman Grace!! Kung kani-kanino ka nalang sumasama!!

"Ian.. Ako yung lalaki sa rooftop..."

Nagulat ako sa sinabi niya. Siya pala yung binugbog kanina?!

"A-ayos ka na ba?" Napansin ko kasi na wala naman siyang pasa sa mukha niya kahit na binugbog siya.

"Oo naman.."

Sinabi ko ang daan sa papuntang bahay namin. At nagkwentuhan pa kami kahit hindi naman kami close.

"Salamat sa paghatid, Ian.." Wala nang ulan kaya inabot ko na sa kaniya ang payong.

"Grace?!" Lumingon ako sa likod at nakita ang kunot noo ni Tita Victoria.
"Bakit ginabi ka na?! Nakipagladian ka ba muna para hindi ka mautusan dito sa bahay, ha?!" Sigaw niya sakin. Sobrang nakakahiya ito para kay Ian, akala siguro ni tita, boyfriend ko siya..

"Hindi po tita.." Umiiling iling kong sagot.

"Ah?! Sumasagot ka na ha?!" Kumuha siya ng isang malapad na kahoy at napapikit ako dahil alam kong ihahampas niya iyon sa akin.

Pero hindi ko naramdaman na tumama sakin ang kahoy. Napadilat ako at nakita ang kamay ni Ian na nakahawak sa kahoy at pinipigilan si Tita na mapalo ako.

"Wag niyo po siyang saktan." Seryoso niyang sabi. "Ginabi po siya dahil may tinatapos siyang assignment."

Binitiwan ni Tita ang hawak niyang kahoy kaya si Ian na lang ang mayhawak nito.
Hinagis iyon ni Ian sa malayo.

"Sa susunod na gabihin ka pa ay makakatikim ka na talaga sakin!" Padabog siyang bumlik papasok ng bahay.

"Sorry Ian..."
Seryoso lang ang mukha niya at nakakatakot siyang tignan.

"Sino ba yun? Ba't pumapayag kang gawin yun sayo?" Nakakunot noo niyang tanong sa akin.

"Madrasta ko.. Sige, papasok na ko. Tsaka baka gabihin ka pa. Salamat sa paghatid..." Pumasok na ko ng bahay.

Masaya ako at kahit papano'y kahit wala si William ay mayroong magtatanggol sa akin. Sana nga lang ay ipagtanggol niya parin ako, hindi lang sa madrasta ko, kundi sa iba pang tao..

This is the first time i felt important to someone else.

The GOOD and the TROUBLEMAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon