The Badboys
Pilit kong itinago ang mga namamagang sugat sa binti ko. Bagamat pinagtanggol ako ni Ian kagabi ay hindi pa rin ako nakaligtas sa mabibigat na kamay ni Tita Victoria at sa masasamang salita nina Vicky--anak niya.
"Para po!" Agad akong bumaba ng jeep at tumakbo sa Evendo Shop. Partime job ko ang pag serve ng coffee dito sa Evedo, maliit man ang kita ay sapat naman ito para tustusan ang mga pangangailangan ko.
"Uy Grace! May bago akong gawang kape, gusto ko ikaw ang unang tumikhim!" Si Lazaro, anak ng boss ko. Partime rin siya rito dahil gusto niya raw ng experience, at gusto niya talaga ang aroma ng kape.
Inabot niya sa akin ang isang tasang kape. Inamoy ko muna ito at napangiti ako sa bango nito.
"Ako ang gumawa ng krema kaya alam ko na masarap iyan!" Proud na sabi niya.
Iniwan niya muna ako para mag serve sa isang customer.
Nang tikman ko ang kape ay namangha ako dahil sobrang sarap nito. Mukhang buong araw ay hindi ako aantukin!
"Grace! Out ka na! Bilisan mo na at baka ma- late ka!" Sigaw sakin ni Chuna na papalit sa pwesto ko dahil out na ko.
"Sige Chuna, salamat."
Agad na akong tumakbo palabas.
Hindi ko na kailangan na sumakay ulit ng jeel dahil walking distance na lang ang layo ng School namin at ang Evendo Shop.Narinig ko ang pagring ng cp ko kaya hinalughog ko ang bag ko habang natakbo.
Isang matigas na bagay ang biglang tumulak sakin at naging dahilan ng pagkahiga ko sa kalsada."Ano ba naman iyan?! Di ka ba natingin sa dinaraanan mo?!" Isang malaking lalaki ang nakatingin ng masama sakin. Hindi ako makagalaw dahil sa takot na baka saktan niya ako.
I don't have phobia of being hurt kasi nasanay na ako sa pagmamalupit ni Tita. Pero takot akong may makakita na may nananakit sa akin. I don't know this kind of phobia o kung meron bang gantong klaseng phobia."Bryan, may problem ka ba?"
I heard a voice at my back. It was William."Bakit William? Mangingialam ka na?" Sabay tawa nung lalaking nag ngangalang Bryan.
I'd never see this side of William. Hindi siya kailan man nangialam sa ibang tao. Kahit sakin.
"Oo bro..."
And because William's mom is a very influential person, the guy just walk away.
"Ayos ka lang Grace?" Tinulungan niya akong tumayo.
Tumango lang ako sakaniya.
"Hindi na tayo madyadong nakakapag usap ah?" Ngumiti siya sakin at nagsimulang maglakad.
Ako naman ay sumunod na sakaniya at di ko na inalintana ang oras na tumatakbo. Basta ang alam ko ay masaya ako at kasama ko siya ngayon."Hindi ka nagpahatid sa driver mo?"
Ngumiti siya sakin."Obvious ba?" Natawa ako sa pagiging sarcastic niya. "Nakita kasi kita kanina lang kaya bumaba ako ng kotse."
Ang sweet naman niya.
Late na kami sa firat sub namin kaya nagpasya siya na wag nalang daw pumasok.
"Grabe William, ngayon ka lang nag cutting ah? Anong nakain mo?"
Nagisip ako ng mga posibleng dahilan kung bakit siya nag kakaganito.
"Hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo ngayong araw?" Nakangiti niyang tingin sa akin.
Nag dududa ako.
Nag libot libot lang kami sa Mall na medyo malapit sa school namin. Sa twing papasok siya sa isang shop ay hinihila ko siya. Baka kasi gumastos pa siya at mapagalitan siya ng kaniyang ina.
Papunta kami sa Jollibee ng nakasalubong namin si Ian.
"Ian!" Nakangiting salubong ko sa kaniya. Kumaway kaway pa ko kaso parang hindi niya ako kilala kung makaasta siya.
Dire- diretso ang lakad niya at binunggo pa ang balikat ni William."Okay ka lang William?" Medyo muntik na kasi siyang mahulog nang binangga siya ni Ian.
"Ok lang Grace." Lumingon kami sa likod at tinignan ang unti unting paglayo ni Ian. "Umiwas ka sa kaniya Grace ha? Masamang tao siya... Halata naman diba?"
Curious ako sa dalawang bagay na nangyari ngayong araw.
Bakit naging badboy ata si William at naisipang mag cutting at hinusgahan niya pa si Ian.
At bakit naman hindi ako pinansin ni Ian eh magkaibigan kami, diba?Why is this happening?
BINABASA MO ANG
The GOOD and the TROUBLEMAKER
Teen FictionTara na't basahin ang nakakainis, nakakagigil, nakakakilig na istoryang ito! Kung ikaw ang papipiliin, sinong gusto mong makasama? Si Good ba na laging na riyan at kaibigan mo pa? O si Troublemaker na palagi kang napapahamak pero alam mong ipagtatan...