INTRO:YouTuber(Skip if Boring)

1.2K 30 0
                                    

INTRO:YouTuber(Skip if boring)
-----------
Hi skip nyo lang if masyadong boring,Actually boring talaga Idedelete ko sana kasi di naman important except sa Fact na Youtuber sya,at 17 y/o :3 yown lang ho🌸If usto nyo malaman buhay nya geh lang Just read~
-----------

Joy's P.O.V:

"Kaya pa bang kalimutan ang kinasanayan na?"

Napatawa ako sa mga questions ng mga followers ko sa live ko.

"Wag mong piliting kalimutan ang kinasanayan mo kasi mas lalo kang mahihirapan at masasaktan" Sagot ko habang nakangiti sa camera.

Madami ang sumang-ayon at nagsend ng mga opinyon at emoji na "💔",Napatawa ako ulit ang saya lang talagang humugot mas lalo na kapag madaming nakakarelate sa mga sinasabi mo.

Hi ako nga pala si Joy O.(Olivia) Estella, 17 years old,Isang babaeng huhugutan lahat ng makita o marinig nya.Single ako since birth pero ewan ko ba mahilig akong humugot,Paano ako nakarelate??? Eh ano kase of course nagsisimula yan sa pinaasa ka ng isang tao kala mong seryosong mamahalin ka nya,Sakit ba? Kahit masakit kakayanin parin kasi nga mahal mo eh,Charr HAHAHAHA.

"Oh mga Joysies ieend ko na po ngayon yung live ko,Then I'll be posting my next vlog from my visit at my Parent's house sa YouTube Channel ko pag natapos ko yung pagedit sa vids,Logging Out Joy Estella"Sabi ko at sinarado ang aking laptop,Napahiga ako sa pagod kakahugot kahit wala namang kailangan paghugutan.Napatingin ako sa kesame at kinuha ang phone ko sabay pinatugtog yung " Tagpuan By Moira" Napangiti ako at sumabay sa tugtog.

Bakit umalis nang walang sabi?

Bakit 'di siya lumaban kahit konti?

Bakit 'di maitama ang tadhana?

Habang sinasabayan ko napapikit pa ako ng mata,May pag ka ambisyosa ang lola nyong hugutera ,Don't me kayo din ganito,Hah! Hindi lang ako yung feel na feel yung kanta parang nakaranas na HAHAHAHA.Ganyan tayo ngiti at tawa lang kasi walang magagawa ang pagiyak natin Papanget lang tayo at mamamatay na single,Charring Hahaha.

Umupo ako at kinuha ang laptop ko para iedit ang vlog na ipopost ko.Nakakamiss pala pag hindi mo na kasama yung taong mahal mo,Wag kayo!,Ibig kong sabihin ay yung aking mga magulang.Kasi nung nag start na ako ng career ko sa YouTube nung High school ako,napagisip kong mapagisa sa isang Condo para makapagfocus sa Career ko muna.

Alam kong mali na mas inuuna ko yung pagiging YouTuber,May problema kasi kami sa pera kaya pinagiipunan ko muna ang pag College ko para makapagtapos na ako.Napatingin ako sa letrato ng aming buong pamilya,Kumirot yung puso kong malambot.Napatawa ako sa sinabi ko HAHAHHAHA,nue ginagawa ko Hahahah.

Napahiga ako ulit sa pagod,Kakatapos ko lang iedit yung vlog para mapost ko na sa YT channel ko.

Ting!

Sinilip ko yung nagpop sa screen ng phone ko.

::::::"Kamusta ka na?"

Napangiti ako,Wag kayong kiligin kaibigan ko lang yung nagmessage saakin,Kung pwede lang jojowain ko na kaibigan ko eh,Tapos boyfriend material pa.San pa ako?? Oedi sakanya na,Charring ano ba pinagiisip ko!!!

"Okay lang ako Renz,Ikaw?"-Joy

Typing...

"Okay din ako basta okay ka ;)"-Renz

"Luh baliw😂,nue ginagawa mo?"-Joy

"Hulaan mo,Ikaw ano ginawa mo?"-Renz

"Nag-eedit,Hmmm humihiga ka sa kama noh??"-Joy

"Oo pero meron akong gusto ngayon eh,kaya mo bang ibigay?😋"-Renz

"HOIII ano nanaman yan!!!"-Joy

"Wag kang assuming hindi lahat ng lalake gusto yung kainosentehan ng isang babae,Maginoo akong tao,nakalimutan mo na ata😔"-Renz

"Oedi ano?"-Joy

"Yung pagmamahal mo😍"-Renz

"Talon ka muna,Una ulo😜"-Joy

"Kailangan ko pang masaktan para mahalin mo ko?"-Renz

"Bala ka sa buhay mo hindi ka mahal ng nanay mo"-Joy

"Pero ikaw mahal mo ko diba?🙁"-Renz

My goodness tong baliw na toh.

"Tulog ka na ulol,Antok lang yan"-Joy

"Hahahah,Ano okay ba yung sinabi ko para mapasaakin sya?😂 Mamaya kinikilig ka na dyan eh ;)"-Renz

"Luh hindi ah,Nadidiri nga ako,Sumusuka nga ako ngayon😖"-Joy

"Suuusss,Ikaw pa hugot queen ng Pinas"-Renz

"Bakit ako nanaman napagtripan mo? Si Lhea nalangg landdin mo,Lalandi yun pabalik,Pramis✋"-Joy

"Ulol,Wala akong balak landiin kayo,Practice lang,Tropa ko kayo remember? At nilandi ko na din sya kanina little practice pa nga daw eh😒"-Renz

"And I agree with her😂"-Joy

"Kaya kayo single kasi wala kayong alam sa true lande,Sige na panget lalabas pa kami ng mga bois ;)"-Renz

"Hindi mo na kailangan sabihin,Wala naman akong pake"-Joy

"Kung ako ba naging boyfriend mo magkakapake ka na ba saakin?"-Renz

"BAHALA KA DYAN! PAPAREPORT KITA EH"-Joy

"Djk lang,Ang sensitive mo naman ulol"-Renz

"Mas ulol ka mukha pang unggoy!"-Joy

"Mas ulol ka,Humuhugot na wala namang pinaghuhugutan,Kala mo naman heartbroken!"-Renz

Napairap ako,Tama rin naman sya.8:28pm inaantok na ako,Yes alam kong maaga pa ang 8 para sainyo pero para saakin hindi,Kasi wala din namang point na magising pa.Sinarado ko na yung phone ko at hindi na sya nireplyan.Bala sya sa buhay nya.

Pinost ko yung vlog at dumeretso ako sa Banyo.Nang matapos na maghugas ako'y nagdamit at ipinikit na ang aking matang pagod na.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Hello Po❤,Thank you so much for giving me a chance sa mga nagbasa❤.Sory po pag madaming mali hindi ko po kasi pinoproof read ang books ko pero I'll try pong ayusin sila.

Do leave a Vote,A comment o opinyon mo sa story ko,And A follow.You can also share it sa friends mo para mas bongga para lahat din masaya❤❤❤.

Mahal na ata KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon