Chapter5:"This girl amaze me"

331 14 2
                                    

Chapter5:"This girl amaze me"

Ian's P.O.V:

"Whooo!!!" Sigaw ni Arvin sa club.

Nasa isa akong sofa nakaupo,Hindi din naman kasi ako mahilig sa mga inuman at babae.

Speaking of babae,Agad kong naalala yung dalawang nakita ko. Napangiti ako mag-isa nung naalala ko yung babae sa may hotdog section. Ang cute nya talaga,Mukha syang simpleng babae tapos mabait pa. Yung isa naman ang ganda nya, pero sa nakita ko kanina parang madami syang pinagdadaanan sa buhay,Maganda yung mga labi nya,yung ngiti----Ano ba yan! Bakit sila yung nasa isipan ko.

"Hoi! Prehhh shot!" Sigaw ni Zac,Tsk kanina lang sa shift diring diri sya.

"Ikaw Ian? Ano ba yan birthday ko ngayon,Pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang isang shot tapos ok na? Ay hindii mga lima!" Sabi ni tito Berni tito ni Arvin.

"Uhh tito kailangan ko pa kasing umuwi saamin mama---"

"Wag mo nang isipin yaannnn! Ako bahala sa transpo mo" Sigaw ni arvin na hatang lasing na lasing.

"Uhh osige po tito" Tinnunga ko yung isang shot. Ughhh panget ng lasa bat ganun???

"Apaaat paaa!!"

Tumango ako at tinunnga sila lahat nang sabay sabay. Ughh ansaket para akong nasusunog.

"Ang hina mo naman preh isang bote,hindi! Mgaaa 10 bote kaya kong ubusin! Shot lang sayo parang hirap na hirap ka naaaa!" Sabi ni arvin na nakapikit na ang mga mata.

Inalog ko yung ulo ko para magising, Nahihilo ako, anong or---,Bigla lumaki yung mga mata ko nung may humawak sa may thigh ko. Luhh ano ginagawa ng babaeng toh??

"U-uhh miss?" Tumingin lang sya saakin at linapit yung mukha nyang puno ng make-up. Mas trip kong natural lang.

"Shhh~ " Naramdaman kong tumama ang kanyang labi sa may labi ko, Agad ko syang tinulak.

"OUCH! Ano ba yan ikaw na nga yung nilapitan ikaw pa yung may ayaw tapos sabay tulak pa?!" Sigaw ng babae sa mukha ko habang tinutulak ako. Napatingin lahat saamin, Ang hilig siguro ng babaeng toh mag scandalo.

Tumayo ako at hinawakan yung kamay nung babae papunta sa hindi maingay.

"First of all miss, bakit ka lumapit? Second wala akong sinabing halikan mo ako o hawak---"

"Oh my goshhh,Nahalikan ko ang bakla?!" Naiinis na ako grabe bakla agad.

"Hindi ako bakla" Sabi ko nang agad nanaman nya akong hinawakan sa mukha. Agad kong hinawakan yung kamay nya at nilayo sa mukha ko.

"K-kuya Wahhhh!!!" Bigla nalang sya umiyak, Sooo ano gagawin ko?

"Ian!!!! Prehhh aasaaann ka naaa!!!"

Binuhat ko yung babae at nilapag sa may sofa,Sinabihan ko yung bartender na tawagan kung sino man yung kasama nya.

Lumabas kami lahat sa bar,Medyo nawala na yung pagkahilo ko kaya ako nalang daw magdadrive. Tumanggi ako pero sa lahat sa amin ako lang yung hindi masyadong lasing. Pinaandar ko yung kotse nung lahat sila ay kompleto na.

Ginamit namin yung kotse ko, Pumasok ako sa may BlueRose Subdivision namin lahat. Hahaha,Mayaman kami lahat pero nagshishift ako kasi ayaw kong dependent sa magulang ko. Cousin ko si Arvin nagshishift sya kasi hindi sya pinayagang bumili pa ng pang-anim nyang sasakyan. Masyadong spoiled yung mokong na toh eh. Si Zac naman katropa lang namin. Katulad ko ayaw nyang dependent sa magulang pero grabe din sya gumasta ng pera katulad ni arvin.

Nahatid ko na sila lahat sa kanilang mga bahay. Sinarado ko yung kotse at pumasok na sa bahay ko.

Binuksan ko yung laptop ko, Tskk road to one million subscribers na ako. Binuksan ko yung Top Youtuber for Philippines2018 chart. Pang Tatlo ako sa "under 1 million subs" Woww congrats saakin. Nahuli ng mga mata ko yung "Lhea Orlando" pangwalo sa top 10.

"Lhea D. Orlando"

Nagpop yung boses nung magandang babae sa utak ko.

"Sya ata toh?" Tanong ko sa sarili ko.

Pinindot ko yung pangalan,Napangiti ako nung bumungad yung mukha nya sa screen ng laptop ko. Wait nga lang.... ,Ano ba tong ginagawa ko? Why am I stalking Lhea? Wait lang napaenglish ako agad.

"Hindi naman ata masama kung papanoodin ko yung isa nyang vid" Bulong ko sa sarili ko.

"Hi Lheliaaass!!! So ayun nga po halata naman po ata kung ano magiging laman dahil nabasa nyo yung title" Sabi nya, Ang ganda nya kahit sa video.

"Guess what's in the box with my Bff" Basa ko sa title,Hmm.

"Welcoming yung maganda kong kaibigan, Joy Estelllaaaa!!!"

Lumaki yung mata ko nung bumungad yung isang maganda pang babae,Sya yung cute na babae na nakita ko sa hotdog section. Nagmumukha na akong pakboi nito eh.

"Hello po ano tawag mo ulit sakanila? Ah Lheliaaass!!! HAHAHAHAH" Woah ang cute ng tawa nya,Gumaganda sya mas lalo pag nakangiti. So Joy Estella pala pangalan nya, Inerase ko yung nasa Search Board at tinype yung pangalan nya. Bumungad yung mga vids nya with cute thumbnails.

Napatawa ako ng malakas nung nagstart yung vid nya na nadapa sya. BWHAHAHAHAHAHA ang cute nya sobraa.

"So ayun nga hooo, nabasa nyo naman ata sa title na magbebear hunting na tayo este stuffbear hunting,Kasi malapit na yung December and alam naman natin na pagdecember-blahbalahahshs" Nakangiti lang ako habang pinapanood mga videos nya.

"Wahh congratss saatin mga Joyieeesss!!!! Pangalawa tayo sa mga under 1million subs, dahil dooonn magpapagiveaway ako ng mga napamili kong stufftoys" Patili nyang sabi. Magkasundo lang pala yung aming pangalan sa list.

Masasabi ko lang is this girl amaze me kahit ngayon ko lang sa nakilala.

3:28am.Woah hindi ko nahalata na lumipas na yung gabi. Ilang vids na ni joy yung napano-- wow ang kapal ng mukha ko para sabihin yung pangalan nya. Napahiyab ako sa sobrang pagod,Napahiga ako sa kama. Wahhh ansarap,Sinarado ko yung mata ko at tiinuloy na yung plano kong magpahinga.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Team Joy o Team Lhea?

Comment down below kanino ka HaHahhahaha,Sorry kung masyadong short yung chaps✌.

Don't forget to leave a vote❤

Mahal na ata KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon