Aking sinta ayokong mahalin ka
Dahil sa dulo magmumukha lang akong tanga
Pero sadyang napakalupit talaga ng tadhana
Nalaman ko nalang bigla,
nahulog na pala ako sa bitag na iyong ginawa
Naiisip kita, bawat segundong dumadaan
Namimiss kita, bawat paggalaw ng kamay ng orasan
Hindi ko nga lang masabi sayo,
Kasi inunahan pa ako ng kaba nitong aking pusong bato
Walang tayo, pero merong ikaw at ako
Na naging dahilan para ako'y umasa sayo
Alam ko, hindi naman masama ang magmahal
Pero ayokong maramdaman dahil takot akong masaktan
Ewan ko kung anong meron sa torpe at may pusong bato na ako
Di ko man lang masabe ang pagmamahal na ina-alay sa iyo
Tayo nga siguro yung literal na pinagtagpo
Ngunit hindi itinadhana na maging tayo
Masakit man isipin
Pero kaylangan tanggapin
Dahil kung anong ikasasaya mo
Susuportahan kita kahit masaktan ako