Ikaw
Ikaw yung babaeng ginusto ko
Babaeng minamahal ko ng husto
Babaeng kaya kong ipaglaban
Pero ikaw rin pala yung taong kaya kong pakawalan at iwananAko?
Isa lang akong hamak na tanga
Naghihintay sa mga bagay
na wala ng kasigurasuhan kung mangyayare pa
Ngunit kay lupit din pala ni kupido
Kahit ilang iwas ko ay matatamaan din pala ako
Pero paano kung gusto mo rin pala ako?
Dama ko naman pero bakit padin ako nalilito?
Tama nga ba to o dapat itigil ko nalang ito?
Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo,
Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto,
Bulag ang katulad, tila nalilito
Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo.