Chapter 4: What's Mine Is Mine

1.6K 170 1
                                    

(Wasteland by Against The Current would be the theme song for this chapter.)

Chapter 4: What's Mine is Mine


Hinawi ko ang buhok sa mukha bago bumaling kay mama na mangiyak-ngiyak pa. "Ma." I caressed her shoulder. "Babalik naman ako rito sa pasko. Kailangan lang talaga mag-ipon ng anak mo."

"Ate." Her small hands wrapped around my waist. Ginulo ko ang buhok niya. "Mamimiss kita, ate," sabi ni Anna.

"Basta, mag-iingat ka do'n, ha?" sabi naman ni mama. Inabot niya sa 'kin ang plastic bag na naglalaman ng suman. "Yan ang request ni Crosette, para sa inyo 'yan, anak, ha? Kumain ka rin niyan."

I smiled at her before taking it. Nilagay ko 'yun sa bulsa ng bag pack. Humalik ako sa kanyang pisngi bago magsalita. "Yes, ma." Bumaling ako kay Anna na humihikbi. "Bantayan mo si mama, ha? Maraming donuts pag-uwi ko."

Marahan siyang tumango habang pinupunasan ang basang pisngi niya. "Opo, ate. Balik ka sa pasko, ha? Dapat maraming regalo."

Ginulo ko na lang ang buhok niya. Kailangan ko talaga mag-ipon para maibigay ang gusto nila.

Kumaway ako sa kanila bago nagtungo sa motor kung saan naghihintay si Percy. Agad akong sumakay, bumaling ako sa gawi nila mama.

I won't tell anyone about what's happening to me.

Ganitong sitwasyon na malayo ako sa kanila ay nakakapag-alala na. Paano pa pag nalaman nila ang nangyayari sa 'kin?

Kumaway sila sa deriksyon ko. She mouthed the words, take care.

Dumampi ang malamig na hangin sa 'king pisngi nang umandar ang sasakyan. Nagtatakipsilim na, hudyat na malapit na ang gabi.

Wala sa huwisyong napatingin ako sa daan, habang inalala ang nangyari sa sementeryo.

I was preoccupied in my seat while staring at the raven as my heart was thumping nonstop until I got a call from the company.

Kailangan daw masubmit ang mga files na dapat ay sa last week pa ng buwan ipapasa. Pinapabalik na rin ako ni tita, kulang daw ng empleyado sa restaurant, nag paternity leave na pala 'yung isang dining crew na lalaki para sa asawa niyang manganganak.

It was already 5 o'clock on Sunday afternoon. I'll be back probably at almost eight in the evening.

Nagising ang diwa ko nang umalog ang motor. Napahawak ako sa torso ni Percy nang may bigla akong naalala. "Hoy, Percy, sa'n pala 'yung bahay ng ermitanyo? Yung." Napahinto ako at inalala ang pangalan niya. "Ah, 'Ta Kaloy. Sa'n bahay niya?"

Bahagya niyang binagalan ang pagmamaneho. "Bakit?"

"May itatanong lang kasi ako sa kanya—" Mahigpit akong napahawak sa kanyang torso nang bigla niyang pinaharurot ang motor. "Percy! Slow down!" He murmured something. "Ano sabi mo? Bagalan mo eh! Are you goin' to kill me?"

Ilang sandali pa ay unti-unti niyang binagalan. Pinasadahan ko ng tingin kung saan kami, hindi ito ang daan kung saan kami dumaan papunta sa bahay. Dapat madadaanan namin 'yung bangin. I was so preoccupied that I didn't notice where we were.

"Hoy, Percy, saan ba tayo? Hindi naman 'to ang daan papunta sa airport, ha?"

"Shortcut 'to, at bawal na dumaan do'n kapag gabi. Ayaw mo naman na may umangkas pa sa 'ting ibang nilalang, hindi ba?"

Biglang nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya sabayan ng malamig na ihip ng hangin. Hindi na lang ako nagsalita pa. Unti-unting nagdilim ang paligid, tanging headlights na lang ang nagsisilbing ilaw sa daan. Bumibilis ang pagmamaneho ni Percy. Napapikit ako nang marahas na dumadampi ang hangin, parang hinahabol si Percy o nasa drag race.

CAMBION (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon