Chapter Two

754K 16.7K 2.6K
                                    

Tanya's POV

"Nay..." Napayakap na lang ako kay nanay ng makarating ako sa bahay. Sa kanya lang ako kumukuha ng lakas. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang mga luha ko. Ayokong pag-alalahanin siya. Pakiramdam ko ang baba ko pagkatapos ng ipinagawa ni Wayne sa akin kanina sa restaurant. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko iyon. Para na akong nahubaran ng dignidad. Ngayon pa lang gusto ko ng umatras, hindi pa nga niya ako nahahawakan hindi ko na masikmura ang pinagawa niya sa akin. Kakayanin ko ba itong pinasok ko?

"Anak, ano bang nangyari sa'yo?" May bahid ng pag-aalala sa boses niya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at pilit na ngumiti. Para kay nanay kakayanin ko. Kailangan kong kayanin. Pikit-mata kong gagawin ito alang-alang sa kanya. 

"Wala po." Sagot ko.

"Bakit ginabi ka naman yata ng uwi ngayon?" 

"B-birthday po kasi ng kaklase ko. Sumama ako sa kanila." Hindi ako sanay na magsinungaling sa kanya kaya hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya habang sinasabi ko iyon.

"Mabuti naman at lumalabas-labas ka din kasama ang mga kaibigan mo." Ngumiti siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko. "Kumain ka na ba?" 

"Tapos na po." Sagot ko.

Nagpaalam na ako at dumiretso sa kwarto. Mahina kong pinakawalan ang luhang kanina ko pang pinipigil. Kahit kailan hindi ko naranasan ang ganong klaseng pangbabastos pero wala akong magagawa. Kailangan kong sundin ang kahit anong gusto niya dahil kailangan ko ng pera niya. Kailangan kong tanggapin na ngayon ay isa na akong bayarang babae. Na hindi na lang sa akin ang katawan kong ito. Simulan ng pumayag ako sa kasunduan at tanggapin ko ang perang ibinayad niya sa akin I became his. My body was already his to play with. 

Hindi na rin dapat ako umasa na rerespetuhin at igagalang niya ako. Isa lang akong puta para sa kanya at ang mga babaeng katulad ko hindi nirerespeto. Isang laruan lang na pwede niyang pasunurin at gawin ang kahit anong gusto niya. I was just a playtoy to him. Pilit kong tinanggal sa isip ko ang mga bagay na iyon. Ayoko munang isipin iyon. At least, ngayon meron na akong naiuwing pera. Bukas na bukas bibili ako ng gamot ni nanay at ang matira ipangbabayad namin sa kulang sa renta ng apartment para kahit paano mabawasan man lang. Sa totoo lang, nagulat ako sa halaga na ibinigay niya sa akin. Mas malaking halaga pa iyon kaysa sa isang buwang sweldo ko sa pagiging fastfood crew. Ilang beses lang ako magpagamit sa kanya makakabayad na ako sa mga utang namin at makakabayad na rin ako ng tuition lalo na ngayo't malapit na ang exam. Hindi ko pa magawang masabi kay nanay pero nawala na ako sa scholarship ngayong semester. Hindi ko na maintain ang grades ko gawa na rin siguro sa mga problema namin.  Alam ko naman na hindi ako pahihintuin ni nanay sa pag-aaral kapag sinabi ko sa kanya iyon. Pipilitin niya pa rin makapag-aral ako at baka pumasok na naman siya sa pagkakatulong kahit na may sakit na siya. Matigas din ang ulo nun, kanino pa ba ako magmamana. 

Pagkatapos kong magpalit ng pantulog, humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Muling bumalik sa isip ko si Wayne. Hindi ko magawang kalimutan ang mga mata niya at kung paano siya tumitig sa akin kanina. Sa tuwing tititigan niya ako sa mata para akong matutunaw sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang kumuha ng bayarang babae. Sa itsura niyang yun kayang-kaya niya kumuha ng babae ng hindi kailangan magbayad at nakita ko rin kung paano siya tignan ng mga babae sa restaurant. Pati nga ang receptionist na naghatid sa akin sa kanya hindi parang tingin ng tingin sa kanya. Kung nagkita lang kami sa ibang paraan malamang isa rin ako sa mga babaeng iyon.

The Blue Book: At Your ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon