Chapter Three
WALANG ibang choice si Hymae kundi ang itulak papasok ng kanyang kuwarto si Lorrence kaysa makita ito ng iba at makarating pa sa top management ang bigla niyang pagpunta sa palapag ng mga babae lalo na sa tapat pa ng kuwarto nito. Sa halip na mapahanga siya sa kaguwapuhan nito ay bigla siyang nanyamot sa pagpunta niya at ano naman kasi ang sadya.
“Crazy! What are you doing here? Alam mo namang bawal kayong pumunta dito sa floor namin. Sino ka ba at bakit mo ako hinahanap? Teka, di ba ikaw iyong nasa bar kanina?” aniya sabay tanong nang maalala.
Nilampasan niya ang binatang nakatayo lang sa tabi ng pinto para lapitan ang kanyang kama at inayos. Naiwanan niya kasing magulo dahil tinanghali siya ng gising at kamuntikan pa sanang ma-late sa trabaho.
Namumungay naman ang mata ni Lorrence sa kangingiti habang pinagmamasdan ang dalaga. Nasaglitan siya ng sulyap ni Hymae ngunit hindi siya nito matingnan ng diritso.
“Baguhan ka pala rito? Kaya pala parang ngayon lang kita napansin and you caught my attention.” wika ni Lorrence na dahan-dahang humakbang papalapit sa kanya. At papaiwas naman si Hymae na halos ayaw niyang harapin o matingnan sa mukha ang binata..
“Please tell me, what do you want? Why you’re looking for me?” tanong ng dalaga.
“Because you drive me crazy! Honestly, you’re so beautiful.” he said in his romantic voice.
“What are you talking about? You’re such a stranger to me and we just met in the bar, right?” aniyang natingnan na sa mukha ang binata.
Nakakalokong ngiti naman ang tinugon sa kanya.
“Why? Did you know me?” muli niyang tanong.
Napahakbang si Lorrence papalapit sa kanya hanggang sa bahagyang magtapat ang kanilang mga dibdib na abot naman ang pagtingala sa kanya ni Hymae nang masukat niya ang katangkaran nito.
“Wala ka bang natatandaang gamit sa sarili mo na nawala o naiwanan mo kung saan?” mahinahong tanong ni Lorrence na naglalaro ang paningin sa mga mata ng dalaga pababa sa mga labi nito.
“Ang wirdo mo naman. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin? Bakit ka ba nagpunta dito?” tanong niya sabay iwas ng tingin.
“May hinahanap kasi ako. At ang pagkakaalam ko, dito ang kuwarto niya. May napulot kasi ako na mukhang mahalagang gamit niya.” ani Lorrence na inuunti-unting pinapaalala ang nangyari sa kanila.
“Ewan ko sayo! Hindi mo pa kasi ako diritsahin kung ano ang sasabihin mo. Bumalik ka na lang sa kuwarto mo at kapag nahuli ka idadamay mo pa ako. Isa pa, hindi kita kilala at pag-isipan tayong may ginagawa. ” bahagya niyang pagkayamot sabay talikod.
“Why not? Yes, we don’t know each other but...you joined the night with me , right?” ani Lorrence. Biglang natigilan si Hymae at napako ang mga paa sa kinatatayuan habang nakatalikod sa binata.
“No! That’s not true. How dare you tell me like that?” mariin niyang tanggi. Napalapit si Lorrence sabay lambitin sa daliri ang napulot nitong kuwentas.
“Look at this! Don’t tell me that you will deny na nag-sex tayo the whole night.” pagtatapat ni Lorrence. Saka unti-unting napalingon si Hymae at nanlaki ang mga matang natutop ng kamay ang bibig nang makita ang kanyang kuwentas na di napansing natanggal sa kanyang leeg.
Kagyat niyang hinablot sabay talikod na siyang dahilan para mapangisi si Lorrence. Hindi niya rin inaasahang mahiga si Lorrence sa kanyang kama na parang pag-aari niya ang kuwartong iyon. Sa hiya ni Hymae ay di niya alam kung ano ang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Lovers of the Ocean
RomanceThey are both a cruise ship employee. Broken hearted. Isinumpa ang mapait na pag-ibig. But the spirits of liqour will send them to the holy name of love, winning a raffles, claiming the prizes through a blind fold date na nauwi sa maiinit na tagpo a...