Chapter Four

415 3 0
                                    

Chapter Four

AFTER ONE WEEK

“Kumusta naman ang maganda kong kaibigan? Mukhang mabinta ang mga ngiti mo ngayon, Girl! Kaloka...inspired? At kanino, aber?” wika ni Marlon nang mapaupo si Hymae na napapangiting humarap sa kanya.

“Bakit, masama ba ang maging masaya na makita ang mabait kong kaibigan? Breaktime kasi namin kaya naisip kong dumalaw sa iyo.” masayang hayag ni Hymae.

“Kaloka...ginawa mo pa akong pasyente. Wala naman akong sakit noh, para dalawin mo.” ani Marlon habang inaayos ang mga kopita sa tray.

“Nag-day-off kasi si Alice kaya wala akong makakuwentuhan. Mabuti nalang at walang gaanong guest’s requests ngayon kaya hindi gaanong pagod ang maghapon ko.”

“Mabuti naman at natatantiya mong wala akong gaanong guests pag pumupunta ka, dahil kung hindi..wala..dedma kita ever. So, wala ka man lang bang mai-chichika sa akin? Wala pa bang nasasagi iyang puso mo matapos ang unos ng kabiguan ha?” tanong ni Marlon na napakros ang mga brasong lumapat sa counter paharap sa dalaga.

“So far, nothing! At kahit may matagpuan man ako dito..it can’t be. The rules here are so strict. But Marlon, do you think..is it possible to a sudden separation from this company in case of disobeying the rules?” she curiously asked her friend.

“Of course! Even you’re still under contract. The company will pay your separation if you did it. But, it depends upon the case of offenses.” sagot ni Marlon. Napaisip si Hymae ngunit hindi pinahalata sa kaibigan.

Nasasagi ng isipan niya ang lihim nilang pagtatagpo ni Lorrence at iyon ang tinutukoy niyang pagkakamali kung sakali.

“Ahmm, Girl...I have to go back to work now. Baka kasi mag-iikot ang bisor ko.” paalam niya sa kaibigan at tumayo na.

“Sure! Goodluck, Girl!” paalam naman ni Marlon may kalambutan pa ang pagkaway ng kamay. Bumalik si Hymae sa kanyang departamento para simulan muli ang trabaho.

Pagkapasok niya sa Housekeeping Station ay naabutan niya ang kanyang bisor na nagbibilang ng mga linen stocks sa mga shelves. May edad na rin si Miss April Gonzales dahil may dalawampung taun na rin siyang bisor ng housekeeping sa kompanyang iyon na hindi na naharap ang mag-asawa at lalong pinapayaman ang pamilya.

May kasungitan dahil sa tumatandang-dalaga na hindi na tinangkang umibig pa matapos biguin ng lalaking minahal niya nang sobra.

“Ma’am April? Sorry if I got an over-break.” wika niyang napapayuko sa pangambang mapagalitan siya nito. Taas-noo si Miss April at matalim ito kung makatingin dahil di na naaalisan ng salamin sa mga mata. Dalawa lamang sila ang naroon sa silid na iyon.

“Why did you say SORRY to me? I didn’t say anything, right? I know, you are newly here but I observe how you keep your job well and you make me proud when I got an appreciation from the head office that they like your performance. Keep up the good work, Miss Skylor!” mga nakaantig-pusong pahayag ng bisor na labis na ikinatuwa ni Hymae.

“Thank you, Ma’am April!” natutuwa niyang pasasalamat sa bisor. Ngunit matalim ang mga mata nitong humarap sa kanya at bigla naman siyang napaseryuso. “But, I had found something!” bahagyang galit na tinig ni Miss April.

“Ma’am? Why?” she asked innocently. “The day after the acquaintance party...I found something in the guests room. What do you think I may think about it, Miss Skylor?” Miss April’s interrogation.

Tila matutunaw sa hiya si Hymae na hindi malaman kung ano ang isasagot nang may matuklasan ang kanyang bisor. Lalo siyang napapayuko at kahit magdadahilan siya ay hindi niya maitatago ang katotohanan. Gusto na niyang maiyak at binalot ng labis na pangangamba na baka sa isang iglap lang ay mapatalsik na siya sa kompanyang iyon.

Lovers of the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon