My Love from Afar - Short Story
Sabi nga nila dadating at dadating talaga ang panahon na magkikita kayo at gagawin lahat ng napag usapan nyo.Andito ako ngayon sa Airport, sa loob ng isang taon na paghihintay sakanya eto na at minuto na lang ang hinihintay ko sa paglabas nya. Sa wakas, magkikita na tayo Love."OMG hon ang ganda talaga dito sa Pinas noh? Hay, namiss kita ng sobra sobra, wag ka na ulit babalik ng abroad ha?"Nangiti ako sa nadinig ko, bakit kasi ang sarap sa pakiramdam na sumasalubong ka sa airport kesa nag hahatid.
Sana kapag nagkita kami, ganyan din kami ka sweet. Perstaym kasi namin magkikita ni Love, sa loob ng isang taon nasa LDR kami haha, and then eto na. Malapit na syang lumabas.Nakatanaw ako sa malayo at nag hihintay ng senyales ng palatandaan ko sakanya, sabi nya ay naka ball cap syang white naka red na inner shirt at naka leather jacket, faded maong pants at white rubber shoes, parehas kasi kaming excited makita ang isa't isa, at ang usapan namin ay oras na mmakita ko sya yayakapin ko sya ng mahigpit na mahigpit at hahagkan ng isang mabilis na halik.At eto na, ito na talaga yun, sa mga oras nanakita ko syang tulak tulak ang mga bagahe nya na may ngiti sa labi nung nasulyapan nya ako sa gawi ko, parang tumigil ang pag tibok ng puso ko nung mga sandaling yun, parang shet eto na sya sa harap ko.
Pero habang papalapit sya para syang di mapalagay. At ang ngiti na nakita ko kanina ay napalitan ng mukhang nababagabag. Paghakbang ko ng kaliwang paa ko para sana salubungin sya at gawin ang napagkasunduan namin, kusa ring huminto ang sana'y pagtakbo ko ng may lumapit sakanyang isang magandang babae hinagkan at niyakap syang mahigpit.. Ito na yun ang kinakatakot ko, eto na naman ako, at sandaling tumulo ang luha sa mga mata ko, sumabay ang pag buhos ng malakas na ulan at unti unti nabasa ako naiwan sa gitnang luhaan.
"Baby!! Surprise, I'm so glad that you're here now again. I love you so much"Rinig na rinig kong sabi ng ex girlfriend mo, ang mga tao ay nakatingin sa akin na para bang isa akong apoy na hindi mapatay ng ulan. Habang ikaw, nakatulala sa akin at parang di mo alam ang gagawin mo. "Yaya, halika dito andito na ang daddy ni Hanz oh, say hello to daddy, Hanz!"At dun, dun ko palang naramdaman ang lamig ng tubig na nag mula sa taas na ibinubuhos sa aking katawan. Tinignan kita, kung pupubtahan mo ako, pero kasabay ng pagtingin mo saakin ay ang pagtingin mo din sa anak mo.
May anak ka na pala, may asawa, may pamilya. At dahan dahan, nagkaron ako ng kahihiyan sa mga taong nag bubulungan na kawawa ko naman. Kasabay ang pagtingin ng ex-girlfriend mo na asawa mo pala, ang isang tingin na nakaka awa at may ngisi sa mga labi nya. Inayos ko ang sarili ko at tumakbo palayo, tumakbo palayo sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ang pag aakala kong ito na, ang ibig sabihin pala ay tama na. At dun ko narealize lahat ng bagay na hindi natin pinagkasunduan sa loob ng isang taon. Ang hindi mo pag sagot sa Video call ko sayo, dahil sabi mo ay may gagawin ka. Ang hindi mo pagsagot sa mga chat ko kasi sabi mo nag OT ka.Sa hindi mo pagpapakilala sakin sa kapatid mo, sa mama mo, at sa papa mo.Ang tanga ko pala, ang tanga tanga ko talaga. Hindi mo nga pala ako girlfriend kasi hindi ka naman nanligaw. Na sa twing tatanungin ko sayo na kung ano tayo ay ang sagot mo lagi ay "di ka ba masaya sa kung anong meron tayo ngayon?"Pakning Shet, tanga ko talaga. Umasa ako sayo, umasa ako sayo na pag uwi mo dito ay magiging ayos tayo.
Tuloy ang buhos ng luha ko, kasabay ng pagsikat na muli ng araw na sumisilaw sa aking namumugtong mga mata. sa saktong pagbahing ko ay may narinig akong gulong ng isang maletang hinihila nakayuko lang ako at yakap ang mga paa. At sa pag angat ng aking ulo, isang panyo mula sa isang kapitan ng eroplano.
Tinignan ko sya at tatangapin ang inaalok nya, pero pagkuha ko ng panyo ay lumakad na sya agad. Tinignan ko ang panyo nyang kulay puti, at pinunas ito sa aking mga mata.Di nagtagal ay napansin kong may papel na nakatupi sa may panyo.
"Okay lang na magmahal ng malayo sayo, pero tandaan mong magtira ka ng pagmamahal para sa sarili mo. -Eros"