Second Short Story

29 0 0
                                    

2nd Short Story

Papasikat na ang araw at eto pa rin ako, nakahiga sa malambot na kama at yakap ang isang unan.

Ito na yung araw na yun, birthday ko na at excited na akong makita ang boyfriend ko.

"Happy Birthday!" Samut saring bati ng pamilya at kaibigan ko saakin. Ang saya simulan ang araw na ito, ito na yung pinaka hihintay ko.

May nalaman ako sa boyfriend ko, narinig ko sya nung nakaraang araw na nagbabalak na syang mag settle down, at mag ppropose na daw sya. Di ko naman sinasadya na madinig yun. Pero ang saya lang na malaman na may balak pala talaga syang magsama na kami forever. Yieeh so cheesy ko talaga.

Mabilis lumipas ang oras pag katapos ko mag celebrate kasama ang family and friends eto ako at nakahiga sa kwarto ko, tinitignan ko ang picture naming dalawa. Limang taon na ang nakalipas matapos ko syang sagutin, Anniversary namin at birthday ko ang cinecelebrate namin ang araw na ito, August 28 2001. Pero napapaisip ako kasi mag gagabi na ay di pa nya ako binabati at kinakabahan din ako...

Ganito ba ang feeling kapag mag po propose na sayo yung boyfriend mo? Nakakainis naman kasi e, bakit kasi nadinig ko pa yung usapan nila ng bestfriend nya nung isang gabi.

"Par, mag po-propose na ako sakanya, final na talaga yung desisyon ko par, sa tingin ko ay yun ang dapat kong gawin. Salamat Par"

..

Sa tono ng boses nya ay masaya sya. Kaya eto tuloy ako nag hihintay ngayon. Hayy

hanggang sumapit ang gabi kakayari lang namin maghapunan ng pamilya ko, asa salas sila at nag kakaraoke tinatawag nila ako ngunit sabi ko'y pagod ako at nais kong mahiga.

Alas nuebe na ng gabi, may plano pa kaya syang batiin man lang ako?

*Phone Rings--------

"hello?"

"Ah, hi. Happy Birthday, Anika!"

"uy, thank you!"

"asan ka ngayon?"

"dito lang sa bahay, bakit Neil? Kasama mo ba si Paul?"

"hm. Sige Niks, punta ka na lang dito sa Wayto, andito ako"

---

Tumawag yung bestfriend nya, ito na ba yun? agad akong nag ayos ng sarili at mabilis na bumaba. Nagpahatid ako sa daddy ko dun sa coffee shop na Wayto.

Alas Onse e'medya na ng gabi nung kami'y makaratingat iniwan na ako dun ni daddy, dahil alam nyang ihahatid naman ako ng boyfriend ko.

"uhm, Anika"

Sa tono ng boses ni Neil ay parang masaya sya na nag aalinlangan. Bakit ganito yung nararamdaman ko? bakit ganito yung pakiramdam ko, parang may hindi tama.

"kumusta ang kaarawan mo Niks?"

"okay lang, pero di pa kasi nagpapakita o bumati man lang si Paul? Asan sya?"

"Anika, kasi...."

Hinaltak nya ako sa isang gilid at pinag suot ng Wig at salamin, kasabay nito ang pag rigodon ng naghuhumirentado kong kaba sa aking dibdib.

Eto na ba yon?

At biglang namatay ang ilaw, eto na talaga yun....

may kulay pulang malilit na ilaw na syang nagbibigay ng liwanag sa loob ng Wayto, sabay nito ay ang pag-ulan ng maliit na talulot ng pulang bulaklak. Parang may naghahabulang kabayo sa aking dibdib. Ito na ba yun?

Isang magandang tunog na nag mumula sa Piano ang bumabalot sa tahimik na lugar na ito, na maya maya'y biglang may kumanta. At yun, yung boses na yun ang boses ng nobyo ko. Parang gusto ko ng maiyak dahil alam kong ito na yun.

Kasabay na bumukas ang malumanay na ilaw, ay ang paglabas nya sa isang stage na maliit, pinapanood sya ng mga nakangiting tao na halatang kinikilig sa ginagawa nyang panghaharana.

Papalapit na sya, unti unting lumalakad papunta sa direksyon namin ng bestfriend nya. ..

"I love you so much, ito na yung araw na pinaka hihintay ko, matagal ko tong pinaghandaan at pinag ipunan ng lakas ng loob."

Tuluyan ng bumuhos ang luha ko, dahil ito na talaga ang oras na pinakahihintay ko.

Kasabay sana ng pagtanggal ko ng salamin kong pinasuot saakin ni Neil upang punasan ang luhang kanina pa tumatakas saking mga mata, ay ang pag bukas ng piting spotlight... .

Spotlight na sa isang napakagandang babae sa malapit sa harapan namin, nakatayo sya at nakahawak sakanyang maliit na baby bump.

Iaangat ko na sana ang salamin ngunit parang namanhid ang aking buong katawan saaking nasaksihan.

"Jean, I love you so much. Please marry me"

At sa huling mga salitang binitawan nya ang pagbagsak ng aking mga tuhod sa lupa. Ang pag-agos ng luhang hindi ko mapigilan, ang pagkadurog ng puso kong sa pag aakalang ako yun; ako ang nasa spotlight.

Bakit ganun? 5 years and this happened. Sa anniversary namin at birthday ko pa. This is the best gift ever.

Naramdaman ko na lang na sinambot ako ni Neil sa pagkakaluhod at inilayo sa mga taong unti-unti ng nagtitinginan sa amin.

Sa huling sulyap ko sa gawi ninyo ay ang mga mata mong hindi matawaran ang saya, dahil ang sabi nya'y "Oo, papakasalan kita, mahal ko. Can't wait to see our little angel"

Tinitigan kita, baka sakaling magawi ka ng tingin sa akin, habang buhat ako ng bestfriend mo. Tumingin ka at nagulat. Dahil kasbay ng pagtingin mo ay ang pag alis ko ng wig at salamin ko. Hindi ko alam, hindi ko mabasa ang mga sinasabi ng mata mo. Pero alam ko, alam kong masaya ka.

"Sorry" yan, yan ang buka ng bibig mo, at tumango lang ako. At sa huling sulyap ko sayo, "I love you" ang sinabi ko.

Bakit ganun? Hindi ko maintindihan. Ang gulo, saan ba ako nagkulang? Paano ba maging sapat? Girlfriend mo ako, pero magkaka anak ka na sa iba? Funny.

"Bye, sorry Anika. Alam ko lahat ng ginagawa ni Paul. Pero yung ngayon ay di ko kayang ilihim sayo yun, magpahinga ka na, happy birthday ulit"

Pagka alis na pagka alis ni Neil, ay ang pagbuhos ng napakalas na ulan. Andito ako sa harap ng bahay namin, ngunit wala akong lakas ng loob na pumasok. Hindi ko alam kung paano tumayo, wala na yatang mas sasakit pa dito, na kasabay ng ulan ay luha kong di mapigilan.

Di nagtagal ay tumila na ang ulan. Heto pa rin ako, sa labas. Giniginaw at masama na ang pakiramdam... .. .

Pagmulat ng aking mga mata ay ang puting ilaw ang aking nakita, pagtingin ko sa paligid ay ang aking pamilya. At pagtingin ko sa sarili ko, nakaswero at namumutla.

"Dito lang kami Anak, mahal ka namin"

Sabi ng Daddy. At pumasok ang doctor.

Sinabi nya ang mga dapat sabihin. Lumapit sa akin at binigay ang isang papel na sulatan ng reseta.

Ngumiti sya, nung malapit na sya sa pinto.

Ibibigay ko na sana ang reseta kila daddy, pero parang may kakaiba sa sulat kaya binasa ko ito.

"Maaari kang magmahal ng todo, tiyakin mo lang na sa tamang tao mo ibigay ito" - Miguel

My Love from AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon