Kakauwi lang namin ni France galing date. Pinakilala nya ako sa parents and relatives nya.
Sobrang sarap sa pakiramdam na malapit na.
Malapit na kaming ikasal ni France, tatlong buwan na lang ay magiging Mrs. Salvador na ako.
Ang pagsilbihan si France ay syang pangarap ko, yung makakasama ko sya sa lahat na ng mangyayari sa buhay ko. Yung matutulog ako ng katabi sya at gigising ako ng maaga para ipagluto sya ng almusal.
Sobrang sarap sa pakiramdam ng mahanap mo na ang taong nakalaan para sayo. Yung napagtagpo na kayo ni Kupido, at dumating na ang araw na pag iisahin nya kayo.
"Anak, tatlong buwan na lang ay sasama ka na kay France. Magiging may bahay ka na. May sarili ka ng Prinsipe pero mananatiling ikaw pa rin ang Prinsesa ko ha?"
Mga litanya ni Daddy, nakaka iyak pero alam ko naman na ganyan talaga sya kasweet nung mamatay si mommy.
"Yes dad, ako pa rin ang Prinsesa nyo ha?"
Lumipas ang napaka abalang mga araw, ang tatlong buwan naming hinihintay noon ay tatlong araw na lang ngayon.
Natapos na namin ni France lahat ng mga dapat asikasuhin Pre-Nup photoshoots, pagingin ng reception, simbahan, mga damit namin. Lahat. Tapos na at tanging kasal nalang ang hinihintay.
"France, mahal na mahal kita"
"Ces, mahal na mahal din kita. Naglalambing na naman tong Prinsesa nato"
All this time sa tagal naming mag nobyo ni France, lagi nyang ipinaparamdam saakin na ako ang tanging Prinsesa nya. Wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama sya pang habang buhay.
At dumating na nga ang araw na pinakihihintay ng lahat lalo na naming dalawa ni France.
Ito na yun, kasal na naming dalawa.
Hindi kami nagkita kagabi, hindi din nagkausap sa text or chat. As in wala talaga kaya excited na akong makita sya.
Naiimagine ko, si France na naghihintay sa Altar habang naglalakad ako sa Aisle kasama si Daddy. Dati ay pangarap at sa panaginip ko lang ito nangyayari.
Crush na crush ko si France nung College pa lang kami. Hindi nya ako kilala nun pero sya kilalang kilala ko. Lahat yata ng tungkol sakanya ay alam ko. Hanggang lumipas ang panahon ngunit hindi ang pagkagusto ko sakanya.
Nakagraduate kami ng hindi man lang nya ako napansin. Sabi ko ay kakalimutan ko sya pati ang nararamdaman ko. Pero mag uumpisa pala ang lovestory namin pagka graduate.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa Cebu nun yung regalo sakin ni Daddy ay trip to Cebu mag isa. Sobrang saya lang kasi pinayagan na ako ni Daddy mag isa.
Parang dun, nagising si Kupido. Pinana na nya ang Crush kong si France at nasaktuhan na sa puso nya ito tumama.
Nagulat na lang ako na sa Hotel kung saan ako naka check-in ay nakita ko si France na naglalakad sa Lobby.
At dun na nya ako kinausap hanggang sa makabalik ng Probinsya na kami na ng pinapangarap ko. Nalaman ko nalang na kasabwat pala nya si Daddy, at nagpaalam sya kay Dad na liligawan nya ako.
Sobrang saya, natupad na lahat ng pangarap ko. At eto na ang araw na magsisimula ako ng panibagong yugto ng buhay ko kung saan ako na si Mrs. Salvador.
Sa pagdating na kotse sa tapat ng simbahan, hindi magkanda ugaga ang mga tao. Masyado silang busy at naiiyak ako. Eto na Lord! Napaka saya ko po.
Ngunit nawala ang ngiti sa aking mga labi nung nakita kong parang may mali. Hindi ba dapat ay nag aayos na sila ng linya para sa Entourage?
Kinabahan ako, kinakabahan ako. Parang may hindi tama.
Hanggang sa bumaba ang driver ng kotse ko, naiwan akong kinakabahan sa loob ng sasakyan.
"Ano ba ang nangyayari?"
Hanggang sa pagtingin ko sa bintana ay ang pagiyak ng Kapatid ni France.
Yun, yun na ang naging sign sa pagbaba ko ng sasakyan.
Lahat ay nakatingin sakin at sinalubong ako ng yakap ni Dad.
"Sorry, Princess"
At di ko na napigilang umiyak, kahit hindi ko alam kung ano ba ang hinihingi ng sorry ni Dad.
Hanggang sa isinakay nya ako sa kotse at nagdrive sya, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Gulong gulo ang isip ko at di ako makapag salita.
Tumigil ang sasakyan sa harap ng Ospital.
"Sorry Anak, pero wala na si France"
Pagkarinig ko nun ay ang pagtakbo ko sa Emergency Room, nakita kong nagkakagulo ang mga nurse at Doctor.
"Time of Death : 8:53 am"
"FRANCE!"
Naglihisan lahat ng mga Nurse at Doctor at sya, nakita ko na si France.
Naka suot ng Tuxedo at nakahiga, wala ng buhay.
May mga dugo sa gilid ng kanyang ulo. At sa iba pang parte ng kanyang katawan.
Wala akong ginawa kundi humagulgol ng iyak, hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit.
Nalaman ko na naaksidente si France papuntang simbahan. Nabunggo ang sinasakyan nya, pinilit daw nya na sya ang magdrive sa sarili nya. At may nakainom na truck driver na dahilan ng pagka bunggo nya sa puno.
Napakasakit. Para na akong walang maramdaman.
"Paalam, Frnace. You will be missed"
Ngayon ang araw ng libing ni France at inabot saakin ni Tita ang vow na isinulat daw ni France bago umalis ng kanilang bahay bago sana ang aming kasal.
"Ces,
This is the day, hindi ko alam kung paano ko sisimulan to, pero Ces. I want you to know that you will always my Princess. Ces mahal na mahal kita. Simula ngayong araw na ito, Ces, lahat ng mangyayari sa buhay mo ay kasama na ako, at lahat ng mangyayari sa buhay ko ay kasama na kita. At ipinapangako ko Ces, sa harap ng Diyos at ng mga taong mahalaga sa ating buhay na sasamahan kita sa lahat Ces, mamahalin at aalagaan. Bibiyayaan tayo ng supling ng Maykapal at yun ang pinaka magandang mangyayari sa buhay ko ang magkaroon ng isang pamilyang ikaw ang kasama ko. Ces, ikaw ang pinaka mganadang regalo ng Panginoon saakin. Mahal na mahal kita Ces, aalagaan at mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay"
Walang humpay ang pag tulo ng luha ko, naiwan ako dito sa sementeryo mag isa. Parang umiiyak din ang mahal ko, dahil maya maya'y nadinig ko ang pagpatak ng ulan hanggang sa lumakas ito.
Kasabay ng pag buhos ng luha ko ang ulan. Sobrang sakit, napakasakit. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. At hindi ko alam kung paano pa tatayo. Kung paano pa haharapin ang buhay ng wala na si France.
I can't imagine my life without him.
"Miss..."
Pagdilat ng masakit kong mata ay may nakita akong matandang babae na gumigising saakin, nakatulog na pala ako. At sumikat na ang araw.
"Ineng, may mga pagkakataon na hindi natin naiintindihan ang bagay lalo na kung masakit ito. Pero wag kang matakot buksan ulit ang puso mo, sa tamang panahon ay ibibigay sayo ang taong hindi nya babawiin sayo"