4:Flash backs

9 1 0
                                        

Habang nag dadrive si tito ay bigla nya akong kinausap.

"Kharl alam mo namang kailangan mong itigil yang trabaho mo alam mo naman na Di ka tanggap ng tatay Mo dahil nakakakita ka ng mga multo.kaya ang gawin mo mag tapos ka ng college at maging business man oh kaya accountant oh kahit ano pa Basta wag lang yang ganyang klaseng trabaho"Sabi nya saakin.

"Eh Ito ang gusto ko eh at saka ano pa bang magagawa ko eh di ko naman sya mapipilit na gustuhin ako,kung Di nya Ako matanggap Edi wag ok lang saakin Di ko naman sya pinipilit."
Tumigil sya sa pag sasalita at nagpatuloy sa pag dadrive.

         |FLASHBACK|
"Ano ba Richard anak natin Yan!bakit nagagawa Mo syang saktan?!"Sabi ni mama..

"Alam Mo kung bakit dahil ikinakahiya ko sya!ayaw ko sakanya!Ayaw ko sakanya dahil Hindi sya normal nakakakita sya ng mga multo!!Hindi Mo ba alam na pinag uusapan tayo ng mga Tao Di ka ba nahihiya?!"
Bulyaw naman ng aking ama

Naririnig ko ang mga pinaguusapan nila,oo nandito Ako sa pinto naka silip at umiiyak dahil sarili kong ama ay ikinakahiya ako dahil ganito ako..

"Richard nangako ka na Sabi Mo ,
Kahit may kapansanan,kahit Di sya normal mamahalin Mo sya?Diba sinabi mo iyon hah?!"sigaw ni mama

"Oo sinabi ko yon pero ngayon binabawi ko na!"

Pero bigla kong natulak ang pinto at tumingin silang dalawa saakin dahil nakita nila akong umiiyak..

"A- anak?" Ang Sabi ni Papa

"Huwag Mo syang tatawagin ng ganyan kung ikinakahiya Mo sya!!"sabay yakap saakin ni mama

"Anak halika punta tayo kay Tito Mo at Doon muna Kita papatirahin ha?"

"Pero mama-"
Pinutol nya agad Ako

"No buts ok?"

"Ok"

Nag impake si mama ng mga damit ko at kung ano ano pa at nag drive papunta kina tito..
Si tito Vince ay isang taong walang Asawa at anak dahil parehas lang kami ng sitwasyon.

"Ahm Vince pwede bang dyan na sayo manirahan si Kharl?"

"Sure naman ate buti nga may kasama pa ko dito eh"

"Sige salamat"

Sabay bitaw at bigay saakin ni mama kay Tito koh.

"Mama,wag Mo akong Iwan😭"
Umiiyak kong Sabi

"Anak Mahal ka ni mama hah wag mong kakalimutan Yan ha?"

"Mama sama ako sayo"

Pero tumakbo na bigla si mama at sumakay sa kotse at umalis.

"MAMA!!!!😭"
            |END OF THE FLASHBACK|

Naramdaman kong tumulo bigla ang luha ko.

"Huy umiiyak kaba?"
Tanong saakin ni Tito vince

"Psh bakit Ako iiyak?"

"Utot mo!umiiyak ka eh" Biro nya pa

"HINDI NGA!!!!"

OH MY GHOSTWhere stories live. Discover now