Chapter Five

83 6 0
                                    

PATRICK'S POV (from high class A)

Dumaan ang isang linggo. Masasabi ko na ibang klase ang mga studyante dito. Hindi mo sila maawat! Nakakatakot pa! Maliliit na bagay ay pinapalaki pa. Ganun ba talaga sila?

Nandito lang ako sa classroom. Mag-isa! Mas gusto ko na to.

"Yow!!" Nagulat ako ng biglang may umakbay sakin. Sya pala! Si Marco Nikkolo Tiongson. Ano nanaman kayang kailangan nya sakin? Ang laki ng takot ko sakanya.

"B-bakit?" Tanong ko sabay ayos ng salamin kong dumulas pababa sa ilong ko.

"Oh! Kalma ka lang! Hindi kita sasaktan.." Saglit syang tumigil.

"Kung susunod ka sa gusto ko!" Dugtong nya habang nakatingin sakin sabay ngumisi. Kinakabahan ako! Tumango lang ako bilang sagot.

"Good! Simula ngayon, Gagawin mo lahat ng i-utos ko sayo! Ok?" Sagot nya na para bang may pangaasar pa. Tumango lang ulit ako.

"Ano nanaman yan Nikkolo!?" Walang emosyon na bungad ni Yael na kakapasok lang sa room.

"Wala! Kakahanap ko lang kasi ng bagong alalay!" Sagot nya kay Yael sabay lingon muli sakin. Utusan? May laban pa ba ko kung aalma ko ngayon? No choice.

"Bat ka nga pala napaakyat dito ng maaga?" Tanong naman ni Nikkolo kay Yael na dumeretcho agad ng upo sa malapit na upuan sakanya.

"Nagkakagulo sa baba, May pinagtripan nanaman sila Steph!" Wala paring emosyon na sagot ni Yael.

"Uy! Ayos yun ah! Hoy Patrick! Bitbitin mo yang bag ko! Sasamahan mo ko sa baba!" Utos sakin ni Nikkolo. Walang angal ko namang kinuha yung bag nya.

"Sumama ka na Yael!" Yaya ni Nikkolo.

"Tinatamad akong magbitbit ng gamit!" Sagot naman ni Yael sabay lingon sakin.

"Sus! Ano pa't nanjan si Patrick! Oh! Alam mo na!" Sabi sakin ni Nikkolo.

Ngumisi sa akin si Yael bago tumayo sa kinuupuan nya at sumunod kay Nikkolo ng lakad palabas na ng classroom.. Agad ko namang kinuha ang bag nya at binitbit narin ito. Siguro mas ok na yung ganito. Kesa naman saktan pa nila ko.

ZEI'S POV (from high class C)

"A-ano bang kailangan nyo sakin?" Takot at mangiyak-iyak na tanong ni Lyric. Para na syang nakaluhod sa sahig at akala mo ay sinasamba yung tatlo. Well, nakatapat sya sa nakaupo at naka-de quatrong si Steph habang nasa magkabilang gilid nya si Stace at Hel.

Hindi ko alam ang eksaktong nangyari pero nakarinig nalang kasi ako bigla ng kalampag kaya naisip kong alamin kung ano yun. Tsaka ko nadatnan na ganun na ang itchura ni Lyric. Kahit tahimik sya ay kilala ko parin sya. At kahit papaano, alam ko rin ang family background nya.

"Wala naman kaming kailangan sa isang tulad mo lang, like duh? Ano namang mapapala namin sa isang ampon lang-- Oopsie!" Sabi ni Stace at umarte pa na kunwari ay nadulas sa nasabi nya. Napansin kong nagbulungan bigla yung mga estudyante sa paligid ko.

"H-hindi! H-hindi totoo yan!" todo tanggi ni Lyric. Ano ba talagang problema ng tatlong to? Eh ano kung ampon sya? tss..

"So sinungaling ako? Ganun?!" Pataray na tanong ni Stace. Hindi sumasagot si Lyric then nakita kong muntik ng ihampas ni Steph ang naka de quatro nyang kanang paa sa mukha ni Lyric kaya nagulat ito.

"Hoy! Tinatanong ka! Hindi ko pa nga napuputol yang dila mo pero mukhang hindi na naman pala kailangan" Mataray ang boses ni Steph pero walang emosyon ang mukha nya. Naiirita na ko sakanila!!

"Pwede ba? Tigilan nyo na nga sya!" Agad kong paningit. Unti-unti akong nilingon ni Hel at Stace habang si Steph, pairap lang akong tinignan, Medyo nasa harap nya na ako eh.

"Wow! Parang nung last time sa cafeteria lang? May nakisali nanaman, Mukhang ang dami ng pakelamera sa school na to!" Mataray at nakangising ayon ni Hel.

"Mukhang kailangan na nating maglinis dito ah!" Ayon ni Stace..

"What do you think Steph?" Nakangising dugtong na tanong ni Stace.

"Well, simple lang!" Tumayo si Steph sa kinauupuan nya at lumakad hanggang sa harapan ko. Natatakot ako pero kailangang di nya mahalata.. Pero..

"Alisin ang mga balakid sa daan natin, in short, Ikaw! Don't think na makakapasok ka pa dito bukas!" Mata sa matang ayon ni Steph. Nanlaki ang mga mata ko, napalunok nalang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin. Seryoso ba sya? Pero kilala ko sya! Malamang na seryoso sya! Pero.. Hindi to pwede!!

KOBE'S POV (from high class B)

"Alisin ang mga balakid sa daan natin, in short, Ikaw! Don't think na makakapasok ka pa dito bukas!" Halos lahat ay nagulat sa dinuktong ni Steph. Totoo ba to? Seryoso ba syang pinaalis na nya si Zei dito? Isa si Zei sa mga kilala kong matatalino sa school na to. Tsk! Steph!...

"Wag! Please! Wag nyo na syang idamay! Ako lang naman diba? Please Steph" Pagmamakaawa naman ni Lyric. Nakatitig ako kay Zei na halos di na makakilos sa kinatatayuan nya.

"Tama ba yung narinig ko? Totoo ba yun?" Tanong ni Jewel.

"Si Steph yan. Impossible na hindi yun totoo!" Sagot ko naman.

"Grabe!" Narinig kong pabulong na sabi ni Cheska. Naiintindihan ko sya. Grabe naman talaga kasi yang tatlong yan!

Sa totoo lang, hindi naman eto ang unang beses na nagpaalis ng walang kalaban laban na estudyante yang tatlo na yan. Pero huling taon na naman namin to eh. Hindi ko to inaasahan.

"So, Dalawa pala ang aalis ngayon!" Biglang sabi ni Hel, may pagtataka syang tinignan ni Steph.

"Si Aya! Yung babaeng pakelamerang humarang last time sakin sa cafeteria?" Pagpapaalala ni Hel.

Agad napunta samin ang tingin nung tatlo dahil nakahalo samin si Aya. Tinignan ko sya at parang nagaalala sya at di talaga alam ang gagawin sa narinig nya. Napansin ko naman na iba ang titinig ni Cheska na nasa tabi lang ni Aya dun sa isa sa tatlo kaya sinundan ko yung tinitignan nya... Si Steph? Actually, Nagtititigan sila ni Steph na akala mo naguusap sila sa titigan lang. Anong meron?

"No!" Agad na sagot ni Steph kay Hel.

"But why? Akala ko ba..." Pinutol ni Steph ang sinasabi ni Stace

"She payed for the damages diba Hel? So ano pang issue mo?" Walang emosyon na sagot ni Steph.

"Yeah! But..." Pinutol ni Steph ang sinasabi ni Hel.

"Kinokontra mo ba ko Hel??" Mataray na tanong ni Steph.

"Well, Syempre no! But..." Pinutol nanaman ni Steph ang sinasabi ni Hel.

"Yun naman pala! So we're done here! And you Lyric Bliss Takeshi, I'll deal with you later" Ayon ni Steph tsaka tuluyang umalis at iniwan lahat ng gulo nya basta-basta.

Nakita kong may ilan na lumapit kay Lyric at Zei, gusto ko rin silang lapitan kasi alam kong seryoso si Steph. Pero maaaring hindi yun matuloy dahil hindi parin naman sya ang masusunod, pero sa totoo lang.. sa 100%, 90% ang possibility na mapaalis talaga dito si Zei. Tsk!

"That was close!" Sabi ni Mix sabay hawak sa dibdib nya.

"Infairness parin kay Steph.. Pero? Bakit naman kaya? Alam nyo yun? Normally, pag sinabi nyang 'lahat', lahat talaga! Hmmm" Sabi ni Cher. Napatango lang ako.

"Wait! Guys? Nasan si Cheska?" Biglang tanong ni Jewel.

"I dunno! Alam ko katabi lang sya kanina ni Aya eh!" Sagot naman agad ni Mix. Oo nga! Bigla syang nawala ah! Ewan ko pero nahihiwagaan na ko sakanya.

Sa mga titigan palang nila ni Steph, may ibang ibig sabihin eh. Pansin ko yun! Pero hindi ko naman alam kung ano yun! Hay naku, Ewan! Napaparanoid lang siguro ako dahil sa mga nangyare. Tsk!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PRESTIGIOUS HIGH [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon