My Boo

388 17 16
                                    

 

Sakay ng kanyang Safari si Renzo nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ito at nakita niyang si Tanya ang tumatawag, hindi niya na sana ito sasaguting pero sadyang nangungulit ito, kaya sa huli ay sinagot niya rin.

"Hello.."

("Renzo, bakit ang tagal mong sumagot? Nasaan ka na ba?") Ani Tanya sa kabilang linya.

"I'm coming, and I can't answer your call, I'm driving but seems you're not going to hang it up until I answer it." Mahinang turan ni Renzo.

Itinuon niya ang tingin sa daan at nahagip ng mga mata niya ang babaeng parang wala sa sariling tumawid kaya kaagad siyang nagpreno na lumikha ng napakangilong tunog ng gulong na pilit kumakapit sa sementadong daan.

"Sh*t!"

("Renzo, what happened?")

Hindi na pinansin ni Renzo ang nag-tatakang boses ni Tanya, pinindot niya na ang End Call saka nagmamadaling bumaba upang daluhan ang babae.

Nakita niyang nakahandusay na babae, kaya agad-agad niya itong nilapitan.

"M-miss, okay ka lang?"

"Natural, hindi siya okay, muntik mo nang mabangga, hijo!" Wika ng babaeng matanda na naki-usyoso sa insidente.

"Oo nga, dalhin mo na siya sa ospital!" Segunda ng isang lalaki na naki-usyoso din.

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon, binuhat niya ang babae at inihiga sa backseat ng sasakyan. Agad din siyang pumasok at nagmaneho upang dalhin ito sa ospital. Mabuti na lang at may alam siyang malapit na dito. Kinakabahan siya. Pero ang sabi kanina ng matanda ay muntik na niyang mabangga, ibig sabihin hindi niya talaga nabangga, marahil nag-collapse lang ito sa sobrang kaba, na akala niya ay katapusan na niya.

Tiningnan ito ni Renzo sa Rearview mirror, hindi niya maaninag ang mukha nito dahil natatabingan ito ng kanyang mahabang buhok, hindi niya rin kanina nabigyan ng pansin ang mukha nito dahil sa mabilis na pangyayari.

Narating na niya ang hospital, kaya dumiretso na siya sa may emergency Area. Bumaba na siya kaagad sa sasakyan at pinangko ang babae. Nang mapansin siya ng guard at ng staff ay mabilis itong humingi ng tulong para makakuha ng stretcher.

Habang buhat-buhat ni Renzo ang babae ay unti-unting nahawi ang buhok nito sa kanyang walang malay na mukha, doon siya natigilan ng mapagsino ito.

"Marisse.." Tanging nasambit niya. Kilalang-kilala niya ito. Kilalang-kilala ng puso niya.

"Sir, ilagay niyo na po siya dito." Singit ng isang nurse na ang tinutukoy ay ang dalang stretcher.

Inihatid na ng mga nurse si Marisse sa Emergency room, pero heto at tulala pa rin siya. Hindi siya makapaniwala na sa ilang taon ng kanilang paghihiwalay ay magkikita na silang muli, at sa ganito pang sitwasyon. Kamuntik na ito kanina.

Marisse.. Marisse..

Tama, si Marisse. Ang babaeng inibig niya noon... magpa-hanggang ngayon. Siya ang may kasalanan  kung bakit sila nagkahiwalay. Pero sana maintindihan nito ang kanyang dahilan kung bakit niya ginawa iyon.. Sana hindi pa huli ang lahat sa kanilang dalawa... Sana..

There's always that one person that will always have your heart

You'll never see it comin', 'cause you're blinded from the start

Know that you're that one for me, it's clear for everyone to see

Ooh baby, oh, you will always be my boo

My Boo (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon