Chapter 1: Red Thread
Maingay at magulo. Halos kalahati ng building ay nababalot ng Do not Cross tapes, Tinanggal ko ang tingin ko sa lense ng Camera ko at tinignan muli ang mga bangkay na nakasabit sa kisame.
Nakita ang apat na estudyante na 'to na nakabigti sa girls' comfort room sa 3rd floor. Shen High, 7:00am ng umaga. Base sa status ng bangkay nila isinagawa ang group suicide bandang 4:00-4:30 ng umaga dahil mainit pa ang bangkay.Tumaas ang balahibo ko sa braso at batok. Ba't ang dali na sa mga tao ngayon ang mag-pakamatay?
*Blagg!*
Halos mapasigaw ako ng bumagsak sa sahig ang isang bangkay, naputol ang taling ginamit kaya lupaypay itong bumagsak sa sahig at parang nag-crack pa ang ulo at leeg nito dahil sa impact
I gasped some air. 'Di ko akalaing masasama 'to sa trabaho ko
I'm Kaleb Chua, 3 years na din akong reporter sa IGNews but We're just writing and recording news at pinapasa ito sa higher ups para ireport sa TV. Actually it's our first time to write a report about group suicide or something na 'di namin aakalaing malala
"Strange.." Napatingin ako kay Hiro ng nag-comment sya tungkol sa Crime scene, He stopped taking pictures kaya napatigil din ako pero 'di ako tumingin sa pwesto nya "'Yung pulang tali " Wala sa sariling sambit nya
Wala rin sa sariling napatingin ako sa pulang tali na ginamit nila sa group suicide, dahan-dahan akong lumapit para tignan at kuhanan ng picture ang tali.
Kitang-kita ko pa ang bakat ng tali sa leeg, parang mapupunit na ang laman nila pero walang dugo, Mga matang nakapikit pero parang kahit anong oras ay bubukas at bibig na nakaawang..
Parang pinipilit na huminga.
"HOY!" Muntik ko ng malaglag ang Camera na hawak ko nang may kumapit sa balikat ko, Inaasahan kong si Hiro lang ito na pinipilit gulatin ako pero tumambad sakin ang seryosong mukha ng lalaki. May gloves sa kamay at sa tantya ko siguro sya yung prosecutor
Napatingin ako sa pintuan ng isa-isang nag-pasukan ang mga pulis
"Sino ka?" Tanong n'ya sa malamig at baritonong boses humarap ako sa kanya at pinakita ang ID ko.
"I'm Kaleb Chua, From IGNews" nakita kong napakunot ang noo nya pero wala pang ilang segundo ay biglang natawa
"Mga reporter nga naman mas nauuna pa sa mga pulis, Wala naman kayong pakinabang sa kaso, ba't kayo nandito" He asked but more on a statement
Gusto ko ding matawa at sabihing 'Paano 'di mauuna sa kupad nyo'ng yan'
"Lumabas na kayo dito. 'Di namin kailangan ng mga reporter dito" He coldly said with an authority
"Di kami pwedeng umalis. Nandito kami para ibalita 'yung nangyay--" 'Di pa ako tapos mag-salita ng nag-salita agad s'ya
"At para baguhin? Alam ko na 'yang mga ganyan babaguhin ang istorya para mas kumita" Tumawa s'ya ng sarkastiko
"Alam mo.." hinawakan nya ang balikat ko "Bata ka pa, 'di magandang pumapasok ka sa bagay na akala mo alam mo na pero hindi pa pala" banta n'ya pero imbis na sa sinabi n'ya ako mag-focus ay natuon ang pansin ko sa pulang tali sa kamay n'ya