Chapter 2: Arena

5 0 0
                                    

Chapter 2: Arena

Kaleb

"If all of our teams worked hard then we'll be on top again, Red thread suicide case is a big case to be report on TV, If Gecon's team worked hard for this and found enough statements on the police then our station will be the first network t---"

"Mag-papalipat po kami ng Team, Sir" napatingin lahat kay Hiro ng putulin n'ya ang sinasabi ng Station Director namin at nag-taas ng kamay "'Di po namin kaya ni Kaleb ang suicide case" agad silang napatingin sa pwesto ko kaya 'di ko alam kung tatakpan ko ang mukha ko o tutungo nalang

Siraulo ka talaga, Hiro

"Is that so? Mr.Martinez?" Tanong sa kanya  na nag-patango kay Hiro "Sir, We're working hard for this but our work doesn't enough to convince the police, As can you see Sir, The other network gave up on this case and focused on a lighter one" paliwanag n'ya

Napuno ng katahimikan ang buong meeting at nag-titigan lang ang Station Director namin at si Hiro bago unang nag-iwas ng tingin ang Director namin "Okay, Report Maze" napabuntong hininga si Director at tumingin sakin "..With Mr.Chua"

"Thank you Sir!" ngiting-ngiting sabi n'ya pagkatapos ay umupo

Siniko ni Hiro ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya "Libre na ang concert natin kay Maze, Men!" Tuwang-tuwang sabi n'ya

Napailing nalang ako sa kanya Kaya pala pero atleast nakatakas ako sa report tungkol sa Group suicide na ilang araw ng nag-papagulo sa isip ko

----

"Men ang tagal ko ng gustong pumunta sa concert ni Maze. Ang kaso wala akong pambili pero ngayon libre na!" Tuwang-tuwang sabi ni Hiro habang nasa Van

"Hindi naman libre yon e, Iinterviewhin lang s'ya sa backstage, 'di ka parin makakapanood kasi aalis na tayo pag-katapos. bawal reporter sa loob"kibit balikat na sabi ko

"Pero atleast nakita ko s'ya" sabi n'ya at excited na bumaba sa pag-katigil ng Van

As usual puro reporter ang mga nasa labas,  hinanda ko na din ang Voice recorder at note pad ko dahil may mga kasama namin kaming Camera man para ivideo ang lahat

Ilang saglit pa ay may tumigil na Hello kitty na Van at iniluwa non si Maze, halos napanganga din ako dahil sobrang ganda n'ya. Hinarang din kami ng guards dahil naging sobrang aggresibo ng ibang reporter

"Shit! Ang ganda n'ya talaga" Hangang-hanga na sabi ni Hiro

"Maze what do you feel about having 3rd concert?"

"Anong masasabi mo tungkol sa pagconsider sayo bilang Most popular Singer and Model Globally"

"Mabilis ang pag-sikat mo. Can you state one of your little secrets?"

"Totoo bang may fling ka daw sa CEO ng entertainment mo kaya nag-karoon ka ng 3rd concert kahit kulang pa ng 1.5 million ang kita mo?"

Sunod-sunod na pag-bato ng tanong sa kanya ng reporters hanggang sa makapasok s'ya backstage

"Bawal sumagot ng sensitive questions si Maze" Sabat ng Manager ni Maze

"Boss, Kahit 5 minute interview lang" Singit ni Hiro sa kaguluhan at nag-makaawa sa Manager ni Maze

"'Di kami mag-tatanong ng sensitive topics Sir, just her statements about her 3rd concert" sabi ko naman at sumangayon ang ibang reporters kaya lalong umingay

"Bawal ang interview bago ang concert, Di pumayag si CEO Han, mag-hintay nalang kayo d'yan, mamaya ang interview pagkatapos" sagot ng Manager n'ya bago isara ang pintuan pa-backstage

Agad kaming pumunta sa Front Arena para mag-interview ng mga Fans na sa big-screen lang manonood at mga Fans na nadadaanan namin na papasok sa Hall ng Arena

Halos isang oras din kami nag-hintay bago mag-umpisa ang concert, Mainit ang mata ng Publiko kay Maze dahil sa mabilisang pag-sikat nito, Talent and Beauty, lahat ng nasa showbiz industry ay meron non pero iba si Maze sa lahat. Mag-iisang taon palang s'ya bilang Singer at Performer pero naging cover na s'ya ng limang international magazine, naging platinum ang first album n'ya ng tatlong beses, nagkaroon na s'ya ng tatlong concert at kumikita ng mas malaki kesa sa matagal ng performer

tumahimik ang lahat ng biglang mag-flash sa bigscreen ang stage, hudyat na ilang segundo ay mag-uumpisa na

Tumugtog na ang live band at umere na ang intro ng first song ni Maze na ikinasigaw ng lahat, Masigla ang lahat na isinisigaw ang Chant ni Maze. Nagsimula ng sumabog ang stage fireworks ni Maze at napuno ng makukulay na usok ang Stage

"Ang galing.." Bulong ni Hiro, Biglang nag-blur ang screen at parang nawalan ito ng signal

"AHHHHHHHHHH!!!"

"Oww.. SHIT!"

" DAMN!!"

Ang masigla na hiyawan ng mga tao ay napalitan ng takot, napuno ng sigawan ang buong paligid

"Tangina!" Di ko na din napigilan mapamura ng makita ang na sa Big screen. Si Maze na nakabigti sa stage

May mga Angle ang nasa big screen, Angle na malayo at kita ang buong stage, Angle para sa side, Angle na medyo malapit kay Maze at ang pinaka nag-patayo ng balahibo ko ay ang anggulo ni Maze na naka-Close up. Kitang-kita ang itsura ni Maze na nakalambitin sa kisame ng Arena at nakatirik ang mata. Maputla ang mga labi at halatang wala ng hininga pa

Nakakabinging sigawan at kaguluhan, Sunod-sunod na nag-silabasan ang mga tao sa loob ng Arena at kaming mga reporter naman ay pinipilit pumasok sa loob, nag-iiyakan at halatang natrauma ang mga  nanood sa nangyari

Sino naman kasing 'di magugulat sa nangyari?

Hindi pa kami nakakapasok ay lumabas na ang mga Staffs na dala dala ang isang stretcher, Stretcher kung saan nakaratay ang walang buhay na si Maze. Kasunod ng mga ito ang Manager ni Maze na tulala

"Manager Lei, Tingin nyo po ba ay suicide 'to?"

"Foul play?"

"May kaaway po ba ang entertainment nyo para gawin ito sa talent nyo?

Hindi sumagot ang babae at tuloy-tuloy na nag-lakad na parang walang naririnig

Napatitig nalang ako sa Malamig na Bangkay ni Maze, maraming tanong ang sumagi sa isip ko. Masyado bang maraming may ayaw sa kanya? Balita ko mabait naman ni Maze at nasali sa kabataan Campaign at kung suicide man..

Bakit?

Bakit s'ya magpapakamatay? Lalong naguluhan ang utak ko ng may nahagip ang mata ko sa bangkay n'ya

Isang pulang tali, nakapulupot ito sa leeg n'ya at halatang ito ang ginamit pambigti sa kanya, kukuhanan ko pa sana ng litrato ang nakita ko pero agad na sinara ng Medical Staffs ang Ambulansya

Ano 'yon? Connected ba ang pag-kamatay ni Maze sa Red Thread Suicide? o sadyang ginamit lang ang Red Thread Case para iligaw ang mga pulis sa mismong suspect?

Naguguluhan ako, Gusto kong malaman kung anong meron sa Red Thread Suicide Case

at kung malaman ko man...

Mamatay ba ako o mababaliw katulad ni Heilla?

----------

Sheng ._.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Red WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon