Prologue

5 2 0
                                    

3rd Person POV

"You sure? Sigurado kang matutupad ang wish natin dito" Tanong ng kasama nya sa kanya

tumingin s'ya sa wrist watch n'ya 7:27pm siguradong hinihanap na s'ya ng Ina n'ya

"Oo.. Oo.." nag-mamadaling sabi n'ya sa kasama at itinulak-tulak ito para bilisan ang pag-lalakad hanggang sa makarating sila sa likod ng bundok at nakita ang pakay nila

Isang phone booth..

"Pasok na" Utos n'ya sa kasama, tumingin ito sa kanya at nahalata n'ya ang kaba sa mga mata nito

Ngumiti s'ya dito at itinaas ang isang daliri n'ya "Isang wish lang.. kaya kailangan mong mag-isip" sabi n'ya at pumasok sa loob kasunod nito

Kinakabahan s'ya dahil ito ang pangatlong beses na gagawin n'ya 'to, napahawak s'ya ng mahigpit sa bulsa ng mini skirt na suot n'ya, namamawis ang mga kamay

Siguradong ilang linggo na naman s'yang 'di makakatulog dahil dito

"Anong sun--" Hindi na natapos ng kasama n'ya ang sasabihin ng ilabas n'ya sa bulsa n'ya ng pocket knife at isinaksak ito sa tagiliran ng kasama

"E-Ella.. A--" 'Di na ito makapag-salita at nakahawak lang sa tagiliran nitong may saksak at lupaypay na bumagsak sa sahig

"S-sorry.. Sorry Faith" Sabi n'ya bago pumikit at sunod sunod na sinaksak ang kasama, 'di n'ya alam kung saan tumatama ang kutsilyo at ramdam na ramdam n'ya ang pag-talsik ng dugo nito sa mukha n'ya

Nag-mulat s'ya ng mata at pinagmasdan ang ginawa n'ya Pangatlong beses na 'to masanay ka na dahil may susunod pa sabi ng isang parte ng utak n'ya

Wag kang makonsensya.. konsensya ang papatay sa Ina mo sabi ulit nito

Pumapatay ka para sa Ina mo, Hindi ka pumapatay para sa sarili mo, pumapatay ka para sa kahilingan mo

"Tama.. para kay Mama 'to" pag-kumbinse n'ya sa sarili

Agad s'yang lumapit sa telopono at nag-dial number sa landline, kumapit pa ang malansang dugo sa telopono, bumuntong hininga s'ya at hinintay ang mangyayari

"The number you've dialed is currently unavailable please leave a message" Sabi sa linya at pinindot ang button para mag-iwan ng mensahe

"N-napatay k-ko na.." Ang tanging sinabi n'ya at binaba ang telepono

Nilinis n'ya ang lahat ng kalat at hinila ang bangkay sa damuhan malayo sa phone booth

-----

"Anak, gabi na ba't ngayon ka lang umuwi? tanong sa kanya ng Nanay n'ya na naabutang nag-luluto ng hapunan

Agad s'yang lumapit at yumakap dito "May inasikaso lang po, Ma" paliwanag n'ya at inayos ang binigay n'yang bracelet dito

"Ma.." tawag n'ya dito

"Hmm?"

"Wag mong tatanggalin yan ha" nakangiting sabi nya, tumigil ang Ina n'ya sa pag-luluto bago sinapo ang pisngi n'ya at ngumiti bago tumango

"Oo naman, Anak" sagot nito kaya mas napayakap s'ya dito

Tama..

Tama lang ang ginawa n'ya

'Di sya dapat mag-sisi na napatay s'ya

'Di s'ya dapat mag-sisi na humiling s'ya

Red WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon