Fiancé?!

12 0 0
                                    

Unique's POV

"I hate you! I hate you!" sigaw ko sa dad ko. Well, wala naman syang silbi sa buhay ko. Palagi lang syang 'do this' o di kaya ay 'do that'. Tapos... napaka unfair at insensitive nya. Tapos pinapagawa lang sa akin ang lahat ng dapat na ginagawa ng yayas namin—like tatlo kaya ang mga yaya namin—na dahil lang panganay ako.

But, kaya ko sinigawan ko sya kasi pinapaboarding school nya ako. Oh my ghad... mukhang na inspire sya nung movie na pina boarding school yung anak nyang bitch tapos nasunog yung school. Basta nakalimutan ko yung title. (A/N: Nakalimutan ko yung title ng movie... message nyo nalang sa akin.)

Well, well na-cut yung pagmomonologue ko dahil nagsalita ang dad ko.

"You don't even know what will happen. Who you are. What you are. Where you belong. Why I'm doin this." social tong si dad ah...

"Waaaw dad. Pina sentence mo pa talaga ang lahat ng yun?! Ghad, bakit hindi mo nalang pina-connect gamit ang mga commas. Hindi mo ba alam na napagod ang author sa mga period mo at sa mga 'wh' sentences mo." sabi ko.

"But okay, magbo-boarding school narin ako. Para hindi ka mamatay sa galit. Baka mapareho ako kay Rose ng SBPaK. Mageempake na ako para pumunta sa boarding school. As you said, bukas na ako aalis." pagkatapos ng mataas na speech ko, nagwalk out ako.

*the next day*

"Bye ate.. mamimiss kita talaga. Pramis." taray... Loisa lang yung peg.

"Ayoko ng FAKE. Ayoko ng HINDI TOTOO."

"Waw ate, dahil nag Loisa yung peg ko Jane yung sayo??" aba syempre.

"Pero mamimiss talaga kita ate. I mean like love ko naman ang uusisain ni dad eh." ayyy nako... pantakip love life lang pala ako—

"Wag ka nalang umalis ate. Kilala ko si dad. Ako nanaman ang pagiinitan nun." dagdag ni Layla—oo nga pala, nakalimutan ko ipakilala sa inyo ang kapatid ko.

"Eh wala ka namang love life eh." sabi ko. Tapos nagsimula akong magtupi ng damits.(lol yung plural ng mga damit)

"Edi gagawa ako para may issue habang wala ka at para na rin hinde mabagot si dad kasi lalayas na yung favorite anak nya." nako!

"Baka favorite pagalitan. Boba mo talaga." sabi ko sa kanya.

"Waw... nahiya naman ako sayo ate. Talino." lol parang Vice Ganda lang yung aksyon nga sa talino.

"Tulungan na kitang magtupi ng mga damit ate... hinde ka naman kasi sanay dyan eh." oh diba... masmagaling sa plural words si Layla kaysa sakin.

Tapos nun... tinulungan nya ako magtupi ng damits. tapos nagkwentuhan kami hanggang bandang 11:30 habang nanonood ng PBB.

♠****♠

"Yaya, pakilagay nalang yung maleta ni ate sa car." sabi ni Layla kay ate Jas. Oy yang yaya naming yan, masmatanda lang sa akin ng 2 years. Sinigurado ko kaya yan para hinde maging kabit ni dad. Pero close talaga kami... pati na rin sila ni dad at Layla. Hinde nga namin sya pinapa uniform at kasabay din kaming kumain.

Naglibot-libot muna ako sa bahay para bigyan ko ito ng senti na aura. naglakad-lakad ako dun na parang dinadala ko yung abo ng namatay kong asawa—btw wala akong asawa.

Nagsimula na naman akong magschool sa Dillshire Acad. pero pinalipat ako ng dad ko sa ang pangalan... anu nga ba yun?, uhhh., Taktonn(Talk-ton). Eh sabi sa brochure na bigay ni Jasmine(yung yaya namin), nagsisimula sila sa Grade 9(Freshman) - Grade 12(Senior). Satingin ko... doon din naghigh school si dad. Sa like Grades 9-12. Well on the bright side... papa-alis na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon