Chapter 1

36 1 0
                                    

"I'm sick"

"ayan na! ayan na pala yun Jules! aaminin nya na kay Landon na may sakit sya" na-eexcite na sabi ko kay Jules habang hinihila yung damit nya

"pucha! baka gusto mong patayin natin at ikwento mo na lang?" naiiritang sabi nya habang inaayos yung damit nya na ginulo ko

I'm with my best friend and we're watching my favorite movie, 'A walk to remember' movie marathon ang peg namin at dahil spoiler ako, kanina pa sya iritang irita sakin

"hindi, joke lang.. sige nood na tayo ulit mananahimik na po ako" sabi ko sabay pakita sa kanya ng pag zipper ko ng bibig ko

"I'll take you home... you'll be bette--" pinutol ni Jamie ang sinasabi ni Landon

"no, Landon! I'm sick... I have leukemia" kumuha ako ng tissue tapos pinunasan ko yung luha ko. naiiyak na ako grabe! 

"no, you're 18.. you're perfect" di makapaniwalang sabi ni Landon

"I've found out two years ago and I've stop responding to treatments" umiiyak na dito sa part na to si Jamie

"so why didn't you tell me?" nagpipigil ng iyak na sabi ni Landon

"the doctor said, I should go on, live life normally as best I could.. I don't want anybody to be worried about me" sabi ni Jamie

"Including me?!" pasigaw na tanong ni Landon at ako humahagulgol na

"Especially you! you know, I was getting along with everything fine, I accepted it and then you happen! I do not need a reason to be angry with God" then nag walk out si Jamie

"ano ba to! napaka iyakin! oh tubig uminom ka muna.. feeling mo naman ikaw si Jamie" sabi ni Jules sabay abot sakin ng baso ng tubig

katatapos lang pala ng movie at kanina sya rin minsan ang nag-aabot sakin ng tissue kapag umiiyak ako

"nakakaiyak kasi talaga eh.. by the way, thanks beshi" sabi ko sabay kuha ng tubig

sa bahay pala nila kami nag movie marathon kasi wala akong player sa bahay poor kid kasi ako ehh

"kala mo naman first time nyang nanuod eh pang limang beses mo na kaya to" pang-aasar nya pa

"che! anong magagawa ko? e nakakaiyak talaga" totoo naman kasi! nakakaiyak talaga

"may pasok ka ba ngayon? mamaya pa akong 6 pm ehh" haay.. loner type pala ako ngayon may panggabi pala si Jules pag monday

"Oo nga pala! 3 pala ang pasok ko ngayon pucha! Beshi aalis na muna ko ahh bye! salamat!" 12 na! badtrip naman oh! uuwi pa ko samin! 45 mins biyahe mula dito hanggang bahay tapos 1 hour  and a half galing samin pa school

Hi! I'm Sabrina Rona V. Manriquez, 19 years of age, 4th year collge taking up Bachelor of Science in Mechanical Engineering.. Paa sa lupa, Mata sa langit, Pusong iskolar, Tatak PUPian! yeah! PUP student ako at dahil Engineering ang degree program ko sa CEA ako, College of Engineering and Architecture  sa pureza. Parehas kami ni Jules, Engineering din pero ECE sya.. Elementary palang classmate ko na sya at dun nagsimula ang friendship namin hanggang high school yun classmate ko pa rin sya medyo nakakasawa na nga minsan ehh hahahaha! pero wag ka, mahal na mahal ko yan! sponsor ko yan ng Jollibee Spaghetti!

tinaas ko yung kamay ko bilang sign ng pag 'para' at buti huminto naman yung bus kasi medyo inaamag na ko sa kakahintay dito ng airconditioned na bus eh

mas trip ang airconditioned 8 lang naman difference nila ng ordinary at para hindi ako mukhang exhausted kapag dating ko ng school at tsaka nakakapag relax pa ko di tulad sa ordinary sagap na sagap ko ang polusyon ng Maynila minsan may naninigarilyo pa! mas madali pa namang mamatay ang mga second hand smoker

nyek! tayuan na pala! nakakalungkot naman ako lang mag-isa tatayo tapos babae pa ko.. sana may gentleman na magpaupo sakin

"miss meron pa dun sa dulo isang upuan" sabi nung lalaki sa gilid ko

"ahh sige po.. thank you po!" masayang sabi ko

hooo! nakahinga ako ng maluwag dun ahhh akala ko almost two hours akong tatayo.. mabuti na lang at may isa pa! mukhang para sakin ata talaga to

naglakad ako papunta sa vacant seat at napa 'shocks' ako sa magiging katabi ko. Grabe! Ampogiii!!! thanks Lord! for granting me this kind of blessing! I love you na po

umupo agad ako kasi baka maunahan pa ko kay kuyang pogi edi nasayang yung opportunity? *bitch mode: on* hahahahaha

Sa gilid ng mata ko tinitignan ko sya. syempre! di dapat pa obvious! at alam kong tinitignan nya rin ako, ni kuyang pogi harhar.. Enebe! kinilikilig ako!

"miss, inupuan mo yung keychain ko tayo ka muna" utos nya sakin

grabe! ang pogi ng boses nya!! kinikilig ako kasi kinausap nya ako! hihi!

 "ganon po ba? sareh" pabebeng sabi ko habang nakasmile

pagkatanggal nya tumingin agad sya sa bintana.. woah! di man lang nag thank you? pero yaan mo na pogi naman sya eh.. Grabe! ang landi ko po!

tinigil ko muna yung kalandian ko pansamantala at natulog muna ako tutal malayo pa naman at isa pa kailangan ko ng energy para mamaya sa klase

-----

sino ba tong kalabit ng kalabit na to?! kitang natutulog yung tao eh!

dinilat ko yung mata ko para makita kung sino yung pesteng kalabit ng kalabit sakin kanina pa at pagdilat ko bigla akong umayos ng upo kasi si kuyang pogi pala.. iiihhh! nikikilig ako! nasandalan ko pala sya! waaahh!!!

"ang kapal lang ng mukha ahh.. sinandalan na nga ako, tinuluan pa ko ng laway" naiinis na sabi nya

ay.. turn off much! pogi na sana kaya lang grabe! sinabihan ba naman ako ng 'makapal mukha' though totoo naman pero grabe! di ako tulo laway matulog ah!

"grabe ka naman kuya! di naman ako tulo laway matulog" pagdedepensa ko sa sarili ko

"try to smell it" maikling sabi nya

at dahil ako, si uto uto sinunod ko sya.. inamoy ko yung damit nya at nyaa! totoo nga! amoy panis na laway kadiri ako!

 "naniwala ka na?" medyo naiiritang sabi nya habang pilit pinapagpagan yung part na nalawayan ko

"sorry" nahihiyang sabi ko

hindi sya kumibo at sa halip ay tumayo sya at binitbit ang bag nya

"uy! bakit bababa ka na? nagsorry na ko sayo ah" alam kong parehas kami ng bababaan kasi narinig ko sya nung nagbayad sya ng pamasahe

"because we're here stupid!" sabi nya sabay kuha ng bag at bumaba

bakit di ko naisip yun? ang tanga ko naman!

Unsaid..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon