nakatulala ako ngayon habang nagdidiscuss yung prof namin.. kasi naman pag naaalala ko talaga yung scene kanina di pa rin ako makapanniwala promise! di talaga ako tulo laway matulog kasi tuwing kasabay ko naman si Jules pag pumapasok or umuuwi hindi naman sya kahit minsan nagreklamo sakin na tulo laway ko.. si Jules pa! masyadong honest sakin yun may makita lang na konti sakin aasarin na ko agad nun
1 message received
From: Beshi Jules <3
Beshi, uwian nyo na? kita tayo sa bus station bago ka umuwi sa inyo.
kita mo nga naman oh.. miss na ko agad ng best friend ko? tsk tsk! kaya mahal na mahal ko to ehh
To: Beshi Jules <3
owkie :))
sige ipagpatuloy ang magandang gawain Rona! goodluck sayo pag nahuli ka ng prof mo na nagtetext
From: Beshi Jules <3
wait kita.. Ingat :))
pagka announce na pagka announce pa lang ng prof namin na dismissal na lumabas na agad ako at nagmamadaling sumakay ng jeep. Nararamdaman ko na ililibre ako ni Jules! Yes!! 1 week na kong di nakakakain ng spaghetti sa Jollibee at ngayon! wahahahaha! (evil laugh) makakakain na ulit ako!
pagkadating ko sa may bus station kumaway agad si Jules tapos nilapitan ako
"antagal naman!" reklamo nya
"mabilis na kaya yun"
"tara kain tayo" sabi nya sabay hila sakin papasok ng Jollibee
wahahahahaha (evil laugh) sinasabi ko na nga ba! hahahahaha!
"sa Jollibee?" kunyari di ko alam
"san pa ba? dito lang naman ang gusto mong kainan eh"
umorder ng spaghetti with chicken, 2 coke float, 1 extra large fries at 2 mix ins
"salamat Beshi! dahil sayo makakakain na ulit ako nito" sabi ko sabay turo sa spaghetti
"wag ka magpasalamat sakin, kay mama sya nagbigay ng pera sakin itreat daw kita" seryosong sabi nya habang hhinahalo yung sauce sa pasta
"bakit? anong meron?" nagtatakang tanong ko
"uuwi daw sya sa wednesday at gusto nya ng katabi matulog kaya kung okay lang daw sayo sa bahay ka na daw muna for one week" napangiti ako ng abot tenga dahil sa sinabi ni Jules
wow! blessing na naman po! kapag nauwi si tita lagi akong may chocolate, dress at minsan free shopping kasi di nya yun magawa kay ate Janelle, yung ate ni Jules kasi medyo boyish sya ayaw magdress pero maganda!
"ano namang karapatan kong tumanggi?" masayang pahayag ko
"as I expected, well goodluck sayo kapag nakita mo si kuya ewan nalang kung makabalik ka pa sa inyo ng walang gasa sa mukha" natatawang sabi nya
kuya? may pinsan syang uuwi sa kanila? pero bakit? tuwing umuuwi naman si tita walang pamangkin o kamag-anak na bumibisita sa kanila dahil sila mismo ang pumupunta sa Cebu
"bakit naman sya sa inyo uuwi?" tanong ko
"ewan ko.. baka trip nya.. yaan mo sya" ang ayos nitong kausap grabe! palibhasa kumakain eh
"eh anong oras nyo naman susunduin si tita?" naeexcite na tanong ko
"baka around 2 pm or 3 ewan bahala na si ate kung kelan nya gusto"
"anong wednesday ba? ngayon or next week pa?"
"nagtanong ka pa kung this week or next week ehh may pasok ka naman talaga pag wednesday" siraulo talaga! masama na ba magtanong ngayon?