ULS: TWO

2 0 0
                                        

**

NAPALINGON ako sa pinto ng marinig kong bumukas ito at pumasok ang dakilang tambay. "Morning!! I brought you coffee!!" masaya nyang pinakita ang dala nyang coffe machiato na mula pa sa Starbucks."I have one here, why so early?" nagkibit balikat sya at ininom ang kape kong pinakita sa kanya. I feel so sleepy at siguradong mahaba haba ang tulog ko mamaya kahit na uminom na ako ng kape.

"Your coffe taste good, palit tayo" agad nyang inabot sa akin ang kape na dala nya at ininom ang kapeng tinimpla ko "wala ka pa rin bang update?" so, he still thinks that I'm that author huh? Nagkibit balikat ako "I  told you, I'm not the one who you think I am"

"Pa secret pa to, ayaw mo lang umamin eh" iniwan ko nalang sya at pumunta papuntang kwarto dahil hindi naman tumalab ang kapeng ininom ko at ina antok na talaga ako. "Pst! Wuy! Matutulog ka na? Ang aga pa ah!"
Hinarap ko sya ng nakasimangot pero tumalikod din agad. Palibhasa kasi, kahit kailan nya gustuhing matulog, makakatulog sya. Eh ako? Iba na ang body clock ko at iba na rin ang epekto ng kape sa akin tuwing umaga.

Pabagsak akong dumapa sa sahig na malamig kahit di ko masyadong nasarado ang pinto.

"Huy! Ba't nandyan ka? Ang lamig kaya ng sahig" I hummed and ignored him. Gusto ko ang lamig ng sahig, mas madali akong makatulog."Fuck! Hey! Stop dragging me!"
Ugh! Pano kasi kinuha nya yung dalawang paa ko at hinigit papuntang kama. He literally dragged me!
Yung damuho tatawa tawang binitawan yung paa ko at binuhat ako na parang baby at kinumutan. Nakasimangot ko syang liningon na kinuha ang remote at inadjust yung aircon.

"Ayan malamig na, dyan ka lang sa kama, para kang adik na nakahiga sa sahig, nakakasore eyes ka" ngising ngisi na sabi nya at lumabas na ng kwarto.

Nakasimangot na tumalukbong ako sa kumot at hinayaan ang diwa ko na makatulog.

NAALIMPUNGATAN ako ng may naririnig akong mga mura na mukhang nagpipigil kaya humihikab na bumangon ako, alam ko naman na yung lalaking yun ang nagmumura. Tiningnan ko ang wallclock na nakasabit malapit sa pinto at nakitang alas tres na ng hapun. Nagrarambulan na rin ang tiyan ko at gusto ng kumain, lumabas ako ng kwarto at nakita sa sala ang damuho at nakadapa sa sahig habang may kinakalikot at laptop nya.
"Shit! Dapat binilisan nya! Ang lampa naman!" dahan dahan akong naglakad papuntang likuran nya habang busy pa rin sa ginagawa, sinilip ko kung ano ang ginagawa nya at napangisi ako ng nakitang nagbabasa sya na Romance! hahaha!

"Huy!"
"Ay putsing ilik!" hahaha, anu daw? Putsing ilik? Ano yun? Pfft..
"Bakit ba nang gugulat ka! Akala ko pa naman kung ano!" umayos sya ng posisyon at umupo.
"Tutok ka talaga no? Romance pa talaga?"
Sinamaan nya ako ng tingin at inirapan, parang bakla."Magluto ka na nga! Gutom na ako!" padabog syang tumayo at bubulong bulong "Marunong naman magluto ang iba dyan, pero kung makautos akala mo sinasahudan ako" pagpaparinig pa nya.
"Hiyang hiya naman ako sa iba dyan, makakuha ng gamit kala mo kanya, di nga makabalik ng hiniram nya"
"Oo na! Lulutuan ka na! Eto na nga oh, lalakad na" sus galit daw kala mo naman kung sinong gwapo.
Gwapo naman talaga hihi.

Maya maya pa ay naamoy ko na ang bangong luto nya kaya pumunta ako sa kusina at nakita syang may kung anong hinahalo pero masasabi kong masarap ang resulta nyan. Eiji has skills when it comes to cooking, I can say that. Pero nagtataka ako kung bakit wala syang trabaho or negosyo na may kinalaman dun.
Patambay tambay lang ang ugok. Di ko nga alam kung may trabaho pero mukha namang mayaman. An intoxicating smell stopped me from thinking, nakita ko nalang na nakangisi nyang binaba ang mangkok na umuusok pa at nilagay sa island counter. "Ganun ba ako ka hot at tulala ka sa akin?" inirapan ko sya at padabog na kinuha ang upuan at umupo habang nililigpit yung pinaglutuan nya.

"Oo nga, ang hot mo..." mas lalong lumaki ang ngisi nya na ang sarap punitin,"...kaya bagay kang ilublob sa kumukulong tubig"
"Ba't di mo nalang kaya aminin na hot ako? Palusot ka pa. Ano masarap ba?"
"Di ko pa nga natitikman nagtatanong ka na? Eh kung binigyan mo ko ng kutsara? Kakamayin ko lang ba to?" yung mukha nya parang mukha ng bulldog dahil talo na naman sya. Wala syang imik na kinuha ang kutsara at binigay sa akin. Even the smell, I can tell that you will not be dissapointed of the taste.

Dahan dahan kong hinipan ang sabaw dahil masyado pang mainit, ng makatapus ay dahan dahan kong tinikman habang sya ay nakatingin lang at naghihintay ng reaksyon ko,"Ano na...?" inip nyang tanong na umaasa ng reaksyon ko"...Ma..pakla!"
Mas lalong nangunot ang buong mukha nya sa sagot ko. I'm just stating a fact! Is it bad?

Napatulala ako ng bigla sya tumayo na halos matumba na ang upuan padaskol na inagaw ang mangkok at dali daling tinapun ang laman sa lababo! Napatayo ako at napatakbo sa lababo ng wala sa oras at tulalang tiningnan ang nasayang na ulam. Hindi sya umimik na nakaharap sa akin at padabog na lumabas ng kusina.
Muntik pa akong napatalon ng malakas na lumagabog ang maindoor.
Am I seeing another side of him? Ang bakla ha. Arte nun nagsayang pa ng ulam. Kaawa awa kong tiningnan ang lababo, ako pa ang maglilinis? Wow ha.

PAGKATAPUS kong makaluto ng instant noodles at makain ay nilinis ko na ang mga kalat kasama na ng yung kalat ng lalaking yun kanina.

Since wala naman akong gagawin ay nagtambay nalang ako sa may sala kaharap ng laptop ko at nagsimula ng mag edit ng nasend na story. Actually, I have a co-editor na e-mail lang ang connection namin. Natapus nya na sa pag edit  ang half ng story at sinend na sa akin ang kalahati.

Nang matapus ay napatingin sa wallclock at nakitang 5:36 na ng hapun. Agad akong napatingin sa pinto ng may nag doorbell.
Napakunot ang noo ko, nagbalik na yung lalaking yun? Pero alam nya ang passcode ko at di yun nag do-doorbell. Kumatok pa siguro posible pa.

Nang hindi tumigil ang sinuman sa pag doorbell ay tamad na tumayo ako at sinilip muna sa peephole at nakita ang kakilala kong tao.
Agad kong binuksan ang pinto at hinila sya papasok at dali daling sinarado ang pinto.

"Hello hello my dear friend!"
I sighed, disaster talaga ang boses ng babaeng to.
"Anong kailangan mo?" tanong ko at umupo sa sofa at kinandong ang laptop ko kaya napansin nya yun at umupo na rin sa single seater sofa. "Kailangan agad? Di ba pwedeng bisita? Saka, nagpupuyat ka na naman no? Eyebags mo ang laki na oh" sabay turo pa sa mata ko na parang tutusukin nya ng daliri nya.

"Palagi mo namang nakikita ang eyebags ko, ano ngang kailangan mo?"
Napa seryuso ang mukha nya at alam kong impostante at seryoso ang sasabihin nya kaya napaseryoso din ako.

"Wag kang gagalaw, uutot ako" sabay halakhak nya habang sapo sapo ang tiyan. Bakit sya natatawa kung uutot sya? Baliw din eh.

Nang matapus sa kakatawa ay napa ayos sya ng upo,"I need help."

____

Me too! Kidding😅

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon