Chapter 4

6.7K 118 18
                                    

"Miss George.."

Napahinga ako ng malalim at kabado akong naglakad papasok sa magiinterview sakin.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon.

"Ma'am" tawag ko sa kanya at umupo nako sa harapan nya.

"Miss George tatapatin na kita. Hindi ka namin matatanggap pasensya na" sambit nya agad pagkaupo ko pa lang.

Napabuntong hininga ako, expect ko na to.

Alam ko kung sino humaharang sa pinagaaplayan ko..

"May nagutos sainyo hindi ba?" Nakangiti ngunit malungkot na tanong ko sa kanya.

Halatang nagulat sya pero hindi ko na sya hinayaan pang magsalita dahil tumayo nako at nagsalita.
"Naiintindihan ko ho kayo pero sana pakisabi sa boss nyo na wag na wag maniniwala sa iba" huling sinabi ko sa kabya bago ako umalis sa kompanya nila.

Hindi ako galit dahil inaasahan ko na to. Hindi ko alam kung saan na kami pupulutin nito.

Halos pang 50 ko na to na inapplayan sa loob ng dalawang buwan pero wala halos tumanggap sakin dahil utos ng mga magulang ko, hinaharangan nila lahat ng inaapplayan kong trabaho..

Bakit?

Bakit niyo ginagawa sakin to?

Hindi paba sapat na pinagtabuyan nila ako? Gusto naba nila kaming mamatay sa gutom?

Pero hindi ako magpapadala sa kanila, hindi ko sila kailangan..

Makakahanap din ako ng trabahong totoo, na hindi lang dahil may naguutos kaya hindi nila ako matatanggap..

Hindi ako mawawalan ng pagasa..

Kaya ko pa ito.. kaya pa..

Nahagip ko ang fishball vendor, at parang naglalaway ang bagang ko, naalala ko wala pa pala akong kain simula nung umaga.

Kaya dali dali akong nagpunta nagtitinda ng fishball, naglabas ako ng wallet at halos manlumo ako na 20 pesos na lang ang laman nito..

Kung bibili pako hindi nako makakauwi sa apartment ko..

"Ineng bibili kaba?" Napalingon ako sa tindero, ngumiti ako at umiling..

"H-Hindi ho" tumango naman ang matanda sakin at umalis na ito..

Sayang gusto ko pa naman kumain non.

Di bale may pagkain pa naman sa apartment ko, pagtitiyagaan ko na muna ang mga cup noodles.

"Maghintay lang anak ha? Makakakain rin tayo" bulong ko at ngumiti na lang sa kawalan.

Kailangan ko na talagang magtrabaho bago pa lumaki ang nasa sinapupunan ko, dahil hindi ko alam kung saan kami pupulutin kung hindi ako makahanap ng trabaho ngayon.

Lahat kasi ng credit card ko, pinafreeze ni papa kaya wala akong pera ngayon halos lahat ng ipon ko naubos na dahil sa mga pamasahe para magapply ng trabaho.

Gusto akong tulungan ni Kuya pero tumanggi ako dahil masasayang lang lahat ng pinaghirapan nya.

Kilala ko ang mga magulang ko, gagawa at gagawa sila ng paraan para lang maghirap ako..

Ganun sila katindi..

Gusto rin akong tulungan ni Alyson pero tumanggi rin ako, dahil ayoko siyang madadamay sa problema ko sa pamilya ko.

Kagaya nang sinabi ko..

idadamay ng pamilya ko ang lahat ng gustong tumulong sakin. Ganun sila kalupit..

I Got Pregnant By Him (BOOK 1) - INCOMPLETEWhere stories live. Discover now