Gayzoned I

455 9 0
                                    

This story is based on the author's experience.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"I'm so excited and I just can't hide it ..." Patuloy lang ako sa pagkanta habang naliligo. Excited na talaga ako sa Fieldtrip namin ngayon! Kyaa!

Nagbihis na agad ako. Well, dapat 5:00 ako ihahatid sa school.

Nang dahil sa excitement ay niyaya ko na si Daddy na ihatid na ako kahit 4:00 pa lang.

Aga ba?! Ganyan tayo eh?! Haha.

Pagkarating ko sa school ...

At gaya ng inaasahan ko, marami ng estudyante. Hay, bakit kaya ganoon no?

Pag ordinary day, pahirapan sa paggising at tanging Fieldtrip lang yata yung time na mauunahan mo pang dumating yung teacher mo sa school.

Wala naman akong ginawa kundi ang makipag-chikahan sa mga bestfriend kong sina LJ, Belle at Marie.

Nang dumating na ang mga bus ay pinasakay na kami para hindi na daw sayang oras. Wala rin namang na-late eh. Halatang excited ang lahat!

Sa bus, katabi ko si LJ na walang ginawa kundi ang makinig sa tour guide namin. Siya kasi yung magandang-nerd na type at grade-conscious din kasi siya.

Ako naman kain-tulog lang ang peg. Matagal pa kasi bago makarating sa first itinerary eh.

Ahy, hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Kim ...Jongin. Joke lang. Haha. Na-excite naman kayo! ^_^

Ako si Kim Eliza Nathaniels. Yes, I'm a Fil-Am pero sa Pilipinas ako lumaki.

Close friends and my family calls me KEN kaya akala ng marami ay tomboy ako dahil na rin siguro sa buhok ko na laging naka-bun at mahilig kasi akong magsuot ng cap.

Ayoko rin kasi sa pink at sa mga make-up at dress. Varsity rin kasi ako sa basketball kaya akala talaga nila ay hindi ako babae.

Pero, swear to God, babae po talaga ako.

Napalingon ako sa bintana nang huminto ang bus.

Wow, ano 'tong first itinerary namin? In fairness ha, ang daming stalls.

"Ken, mag-stop over daw muna tayo kasi mahaba-haba pa ang biyahe. Baba na ako ha. Sumunod ka na lang."

Ahy, hindi ba ito ang first itinerary? LOL. Akala ko mamamasyal na eh.

Bumaba na nga ako at tumungo ng CR. Nandito na rin pala sila LJ kaya sabay-sabay na kaming lumabas.

Napagusapan din naming mag-starbucks muna bago bumalik sa bus.

Ang cool no! Umagang-umaga, mag-mamalamig kami. Well, that's life!

Ako ang nautusang pumila para sa aming apat. Pero okay lang, libre naman nila ako eh.

Pumila na nga ako nang mahagilap ko ng tingin yung isang lalaking nakaupo doon sa dulo.

Mag-isa lang siya na umiinom ng frappe niya. Naka-jacket pa siya ng blue at kitang-kita mo ang magandang hugis ng jawline niya.

Ang tangos din ng ilong niya at medyo singkit pa ang mga mata.

Napatigil ako nang mahuli niya na nakatingin ako sa kanya.

OMG.

Agad-agad kong binawi ang tingin ko at saka um-order na ng coffee. Pagbalik ko sa kinauupuan namin ay sabay-sabay na kaming bumalik sa bus.

Gayzoned (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon