Pag-upo niya sa tabi ko ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko.
Nasa likod pala niya si Hansy. Ngumiti ito pero di ko na lang pinansin. Medyo bitter eh.
"Uhm miss. Pwede rin po ba maki-upo yung friend ko?"
"Ah sure." Si LJ na ang sumagot since maraming laman ang bibig ko para magsalita.
Lilipat na sana ako ng upuan para magkatabi sila pero naunahan niya akong umupo sa lilipatan ko. Kaya ang posisyon namin ngayon ay:
Kuyang pogi - Ako - Hansy
------------------------------------
| |
| |
------------------------------------
Belle - LJ - Marie
Nagsimula na akong kumain at nagsimula na rin silang magdaldalan. Pero si Kuyang Pogi lang kadaldalan nung tatlo.
Nakakapagtaka nga eh, kasi kadalasan diba, madaldal ang mga gay. Eh bakit itong katabi ko, hindi naman madaldal?
Psh. Baka medyo nahihiya pa.
Napag-alaman kong Kyle ang pangalan ni kuyang pogi at malapit nga ang school nila sa amin kaya posibleng malapit lang din ang bahay nila sa amin.
"Ikaw miss, bakit di ka nagsasalita? Anong pangalan mo?"
"I-I'm Ken." Sabi ko sabay ngiti. Medyo fake nga lang. Bad trip pa rin ako sa isa kong katabi eh.
"Nice name, Ken." Hindi ko na siya pinansin.
"Sorry Kyle ha. Pagpasensyahan mo na ang cold kong kaibigan. Bad trip lang siguro iyan kaya nagkakaganyan." Tumingin ako ng masama kay LJ at nag-peace sign lang ito.
Hindi naman ako cold, diba?
Bad trip lang ako kaya ako nakabusangot. Isipin niyo pa na katabi ko lang yung lalaki—este babae na dahilan kung bakit ako bad trip.
"Okay lang. I understand." Nakangiting pagsagot ni Kyle.
After nun, daldalan ulit sila except ako at yung si Hansy.
Napansin ko namang patingin-tingin si Hansy sa gawi ko. Malamang ang tinitignan niyan ay si Kyle. Kasi diba, bakit naman niya ako titignan? May reason ba? At tsaka, hindi kami talo no.
Then it hit me.
Posible kayang si Kyle ang boyfriend ni Hansy? Ugh, ang hirap i-imagine pero—Ay nakakaloka!
Tumingin ako kay Kyle bago tumingin kay Hansy. Yung posisyon kasi namin eh. Ako yung nasa gitna nilang mag-boy friend. Luh! ang awkward!
Isa pa ito sa dahilan kung bakit ako di nagsasalita eh. Hindi kasi ako sanay na may katabi na lalaki, mapa-gay man iyan o straight. Ang kapatid ko at si Daddy lang ang sanay ako.
Finally, naubos ko na rin ang pagkain ko. Heaven ang feeling. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang kumain nang hindi masyadong nagsasalita. Dahil siguro sa gutom at pagod.
Tawanan pa nang tawanan itong mga ka-table ko. OP tuloy ako.
Kung saan-saan na napunta ang usapan hanggang napunta na nga ito sa topic na gusto ko sanang iwasan.
"Ay, yung isa diyan, hindi pa nagpapakilala."
Pagpaparinig ni Marie. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya eh.

BINABASA MO ANG
Gayzoned (Completed)
Short StorySHORT STORY (COMPLETED) I'm Ken and I'm Gayzoned. TT_TT