"Aba! Bakit magkayakap na kayo?"
Bigla akong napalayo kay Hannsen nang marinig ko ang boses ni Marie.
Hala! Nakita nila?!
"What's going on?"
Naku! Andiyan na si inay—I mean si LJ pala.
"Wala—"
"Kayo na ba, Hannsen?"
Aba't di pa ako pinatapos nitong si Kyle. Naku naku! Kung ibuking ko kaya ito kay Belle. Hahaha
"Hindi PA kami. Liligawan ko pa lang si Ken."
Namula ako bigla dahil inakbayan ako ni Hannsen.
"Edi lahat na kayo may lovelife. Hmp!"
"Baby Marie, alam mo naman na ikaw ang bunso namin, diba? Kaya hindi namin hahayaan na wala kang lovelife." -Belle
"Teka, hindi naman lahat ah. Si LJ lang kaya may boyfriend sa atin." -Ako
"Ano ka ba! Diyan na rin punta niyong dalawa." sabay turo niya sa amin ni Belle.
Bakit nasama si Belle? Don't tell me ...
"Si Belle at si Kyle, iniwan din nila kami kanina after namin kayong iwan dito. Then, nalaman na lang namin na nagconfess pala sila sa isa't isa at nasa ligawan stage na rin sila tulad niyo." -Marie
O_O ... O_< … >_O … >_< … \(°0°)/
Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang nasisiyahan talaga ako sa mga nangyayari sa amin.
Pero hindi ko din alam kung bakit dahil nagdidiwang pa rin ang puso ko sa tuwing naiisip ko na nasa ligawan stage na kami ni Hannsen.
"Uwi na tayo. Tapos na yung time natin dito sa rock band."
Nakasimangot pa rin si Marie. Halatang naiinis dahil sa amin. Hay, hayaan niyo na siya. Hindi rin kami matitiis niyan.
Lumabas na nga kami at nakita namin si William sa tabi ng kotse niya.
"Oh bakit nandito si William?" -Marie
"Nag-text kasi siya. Sabi niya susunduin niya daw ako eh." -LJ
"Aww!/Sweet." -Ako at Belle
"Anong Sweet? Baka Sweat!"
Hahaha. Nakakatuwa talaga si Marie kapag bitter. Ang cute cute niya!
Nagtawanan kaming lahat dahil sa inasal niya.
Umalis na rin sina LJ at William.
"Ako na ang maghahatid kay Belle." -Kyle
Aba! Start na ba siyang manligaw? Dumada-moves si Kuya!
"Sige, Kyle. Mag-ingat ka sa kuya niyan, Si kuya Christian."
Biglang namutla si Kyle at napatingin naman nang masama sa akin si Belle.
PEACE BELLE! HAHAHA
"Ako na rin ang maghahatid kay Ken—I mean Eliza."
I blushed.
Tama na!! Masyado mo akong pinapakilig!
"So ganon?! Sino ngayon maghahatid sa akin?"
Hala! Oo nga pala, nandito pa pala si Marie.
"Dito—"
"Hmp! Bahala na nga kayo diyan. Maglalakad na lang ako pauwi. Ba-bye."
Sasabihin ko na dapat na sa amin na lang siya sumabay eh kaso pinutol na niya yung dapat kong sabihin.
Kahit na medyo galit yan ngayon, paniguradong bukas mawawala na yung galit niyan.
"Bye Bestfriend!/Bye Marie." -Ako, Belle, Hannsen at Kyle.
Sinusundan lang namin siya ng tingin. Ang bagal kasi maglakad eh, nakayuko pa.
Hay. Sana Lord bigyan niyo na rin siya ng lovelife para lahat na kami masaya.
"Ouch!/Aray!" Hala may nakabangga si Bestfriend.
Agad namin siyang nilapitan at tinulungang tumayo.
"Please, huwag naman po kayo mag-text habang naglalakad!" Pinapagpag pa niya yung damit niya habang pinagagalitan yung lalaking nakayuko din.
"Hoy Simang—" Biglang napaangat ng tingin si Marie.
"Anong Simang—OMG! What the Fudge!"
Lahat kami ay nagulat nung narealize naming tatlo kung sino yung lalaking nakabangga kay Marie.
"Oy insan!"
"Guys, si Dylan Hao nga pala. Pinsan ni Hannsen."
Kilala ko siya! Kilala namin siya!
At alam naming nagbalik na ang mortal enemy ni Marie.
Lord, bakit ang bilis niyo naman yatang tuparin yung hiling ko about doon sa love life ni Marie.
~END~

BINABASA MO ANG
Gayzoned (Completed)
Historia CortaSHORT STORY (COMPLETED) I'm Ken and I'm Gayzoned. TT_TT