Gayzoned III

120 8 0
                                        

"May tao ba diyan?"

Boom lagot! Ano na gagawin ko? Kill me now. Makikita na nila ako.

What am I gonna do?

*ting*

Alam ko na! This is so lame.

Ehem ...

"Meow? Meow. Meooww."

Umupo na rin ako para mas tago ako dito sa malaking poste.

Sana maniwala kayo. Sana—

"Pusa lang pala, dude." Ay uto-uto. Hahaha.

"Tara na nga. Balik na tayo. Basta tandaan mo yung mga sinabi ko ha. Wala ng bawian doon. Aamin ka na ngayon." - Kyle

Ano ba kasi yung sinabi ni Kyle? Ang hina na naman kasi nila mag-usap eh.

"Sige, tara na."

Yumuko at tumalikod ako para hindi nila ako mapansin at nakalusot naman ako sa kanila.

Grabe! Ang saya ko ngayon! Wala na akong problema.

Naglakad na rin ako pabalik sa room namin sa rockband ng nakangiti.

"Ken, saan ka nanggaling?" -Marie

"Hinanap ko yung dalawa." -Ako

"Nandito na kami." - Kyle

"Kanina pa ba kayo diyan? Kung saan-saan ko kayo hinanap eh."

Edi ako na magaling magsinungaling! Hahaha. Lusot-lusot din 'pag may time.

"Itetext na nga sana kita kasi hindi ka pa bumabalik kaso nandito ka na eh." -LJ

Halatang nagka-ayos na yung dalawa pero hindi na masyado kumakapit si Hannsen sa braso ni Kyle.

Grabe! Ang dami kong natuklasan!

Nag-jamming na ulit kami and due to public demand, kumanta daw ako.

Kahit ayaw ko, pinilit pa rin nila ako kaya um-oo na ako.

Habang nag-hahanap sila ng kakantahin ko ay may naisip na naman akong isang BRIGHT IDEA!

"Ang tagal niyo naman pumili ng kanta. Ako na nga pipili ng kakantahin ko."

"Woah!" -LJ

"Grabe, Ken! Umaasenso ka na ah!" -Belle

"Papanindigan mo talaga ha!" -Marie

"Grabe kayo! Parang wala naman kayong tiwala sa akin!" Nagtawanan lang yung tatlo. Baliw talaga.

"Sige, pero sa isang kondisyon ..." May kondisyon pang nalalaman si Kyle. Ano naman kaya—

"Mag-duet kayo ni Hansy." Tumango kaagad si Hannsen.

O_O

>.<

>:)

Alam ko na! Hahahaha.

"Sige." Proud na proud ko pang pagsagot. Hahaha. Alam ko na yung pipiliin kong kanta. *evil grin*

Pangarap lang kita by Parokya ni Edgar ...

Nakakarelate kasi eh.

Naghiyawan sila nang nagsimula ng tumugtog yung intro.

Nakakatawa nga eh kasi pinagpapawisan itong katabi ko. Kinakabahan ata.

Gayzoned (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon